- NANA AKABANE -
Isang mainit at maliwanag na umaga ang gumising sa natutulog kong diwa. Makata na ba ako sa lagay na 'to?
"Nana!" Sigaw ng amo kong byuda. Sobrang lakas ng boses nito dahil ang ibang mamimili at dumadaan ay napatingin sa kanyang tindahan.
"Yes. Yes." Napapakamot-batok kong sagot.
Ako si Nana Akabane. Bente anyos. Nagtatrabaho ako sa isang flower shop dito sa downtown ng Tokio. Isa na akong orphan. Hindi ko kailanman nakilala ang tunay kong pamilya. Matagal na nila akong inabanduna at matagal ko narin silang pinatawad. Hindi ako magtatampo sa ginawa nila. Sa halip ay nagpapasalamat pa ako at hindi nila ako pinatay kagaya ng ibang hindi inaasahang bata.
Mapalad parin ako dahil mababait ang mga sisters sa orphanage na nag-abalang alagaan ako hanggang sa edad na kinse.
"May bagong order si Mr. Sugimoto. Asikasuhin mo muna 'yon dahil may kukuha nito mamayang 9:30." Napatango ako.
Hindi ko rin makakalimutan ang lalaking unang nagpamalas sa akin ng kabaitan bukod kina sisters. Kasunod nina sisters, siya ang taong sunod na kumakausap sa akin sa tuwing dumadalaw siya kasama ng kanyang mga kaibigan sa bahay ampunan.
Isang dekada narin ang lumipas simula ng huli kaming magkita.
Naghintay ako.
Ngunit hindi na siya nagpakitang muli. Isa lang ang nakuha kong impormasyon galing kay sister Makina, nakatira ito sa Tokio. Hinintay kong lumipas ang panahon.
Gusto ko ulit siyang makita at makausap. Hindi ko alam kung anong klase ng pakiramdam ang nararamdaman ko sa tuwing tumatabi siya sa akin sa bakal na duyan. Pero isa lang ang sigurado, komportable at masaya ako sa tuwing nariyan siya. Sapat na sakin ang makinig sa kanyang mga kwento tungkol sa paglalakbay.
"Aalis muna ako, Nana. Ikaw na munang bahala rito." Aniya boss sabay tanggal ng kanyang floral apron.
"Okay. Ingat kayo sa daan, boss." Nakangiti kong sambit.
"Sila ang mag-iingat sa akin." Mapagbiro niyang turan at tuluyan ng lumabas ng shop at umalingawngaw ang tunog ng maliit na bell na nakasabit sa itaas ng pinto. Napangisi ako at napapailing.
Napatingin ako sa tindahan. Ang bawat sulok ay napupuno ng iba't ibang bulaklak. Mula sa malapad na bulaklak hanggang sa maliit. Mahalimuyak rin ang hangin sa loob.
Napangiti ako.
Isa sa mga araw ngayon, magtatagpong muli ang mga landas namin. Nararamdaman ko sa hangin.
Malakas na tunog ng bell ang gumising sa aking pagkakaidlip. Mabilis akong umupo ng tuwid at ngumiti na parang ewan. Baka maabutan ako ni boss na natutulog sa oras ng trabaho. Pinahid ko ang gilid sa aking labi nang maramdaman kong basa ito.
Natatakpan pa ang nilalang ng bamboo tree na inilagay ni boss kamakailan lang. Ewan ko ba kung bakit niya naisipang maglagay nito. Pero tama nga naman ito, nakadagdag ganda rin ito sa loob ng shop.
"Hello. I'm here to picked Mr. Sugimoto's order." Aniya.
Nakatulala ako sa mukha ng kostumer. Hindi maaari. Kamukha niya ang lalaking hinahanap ko.
"Ah, miss?" Ginalaw-galaw niya ang kanyang kaliwang kamay sa harap ng mukha ko.
"A-ah yes. It's here." Putol-putol kong sambit.
Napatingin ang lalaki at napangiti.
"Wow. That's beautiful. Are you the one who arranged it?" Tanong niya at tumingin sa mga mata ko. Bigla akong napahugot ng hininga.
He's so beautiful. Pakiramdam ko hindi man lang siya tumanda.
Tumango na lamang ako bilang tugon. Hindi pa pumapasok sa sistema ko ang lalaking matagal ko ng hinahanap sa tanang buhay ko. Gusto kong magsalita pero walang mga salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Tila ba ako'y napipi at bumalik sa dati.
"How much it is?"
"650 only." Wala sa sariling bulong ko.
"Wow. That's really a cheap price for a masterpiece like this. Are you sure?"
"Yes."
"Okay. Here. I'll give you this for your hardwork," Binigyan niya ako ng higit pa sa dapat niyang bayaran. "I'll order some for myself next time. Thank you. I need to go."
"Yes," Yumuko ako. "Please take care.. sir." Diin kong sabi sa huling salita.
Hindi ako pwedeng magkamali. Siya 'yon. Pero bakit hindi niya ako nakilala?
Dali-dali akong tumungo sa likod ng shop kung saan nakalagay ang mga personal naming gamit. Tumalikod ako at tinignan ang batok sa salamin.
Hindi nabawasan ang buhay ko? Pero bakit? Nakita ko na ang lalaki sa nakaraan ko.
Bakit ganito?
xIII
※※※
How is it so far? Comment down your thoughts. Before I forgot to tell you, this story has a little taste of fantasy.

BINABASA MO ANG
13 Days To Go
Short StoryI always thought that I could meet again the first person who treated me right in this world but... I am dying soon. But, I will try my best in my remaining 13 days. I will find him.