A/N: Hello everyone! :) So eto na naman tayo. Hihi. Eto na naman ako sa mga stories ko. Bear with me nalang :)) As I've said earlier, I'm not good with prologues kaya straight to the point na (ulit XD) si story ko. He he. Comments and votes are very well appreciated! Enjoy reading. God bless :)
=============================================================================
I've always been fascinated with instrumental songs. Specially if it included guitar leads. Dagdag pa natin yung mga inspiring lyrics. Yung type ng music that will leave you in aww? Nakaka-enjoy pakinggan. Ang sarap ulit-ulitin. Yung pakiramdam na. . . everytime you hit replay parang. . . there's another story behind the lyrics? Yung feeling na. . . hindi mo ma-explain?
I can't imagine life without music.
It would be a disaster. Pag malungkot ka, walang pwedeng mag-cheer up sayo sa simpleng kanta na paborito mo. Pag masaya ka, walang pwedeng kantahin para i-celebrate ang happiness mo. Can you imagine? Life without music?
Ang astig ng point of view ko eh no? OA lang. Haaay. . . a lot of people na nagsabi sakin nun. That's how I feel eh. Walang basagan ng trip.
I opened my iPod.
Tagal pa bago magstart klase ko.
Parang wala na nga ko balak pumasok eh. Last subject na naman yun. Matumal pati yung prof. Puro reporting ang alam.
Haaaay. . .
Buti pa dito sa tambayan. Mahangin. Walang magulo. Tahimik. In other words. . peaceful.
In-untangle ko yung headphones ko. Everytime nalang. Ganito nangyayari. Kakaloko na rin. Sabagay, ako rin naman may kasalanan eh.
Toyo lang no? Pasensya naman.
Nilagay ko na sa tenga ko yung headphones. Nag scan ako ng songs sa iPod ko. Halos puro parokya pala songs ko dito. Ngayon ko lang narealize. Anyhoo. . . Ganun talaga.
I continued scanning. Ayos. Nakita ko rin. Gitara.
Bakit pa kailangan magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi na namang may sisingit
Sa twing' tayo'y magkasama
Bakit pa kailangan ng rosas
Kung marami naman ang
Mag-aalay sa'yo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Nagplay yung kanta. . Hanep talaga lead ng kantang 'to. What makes it so good, is the fact that when people listen to it, parang ang complicated ng plucking. Pero truth is, madali lang. Sumabay ako sa lyrics. Sabay sa rhythm at beat.Nakakawala ng stress.
I was really into the song when all of a sudden. . .
Kumidlat.
Sunod non, ang malakas ng kulog.
Takte ha? Pang-asar lang.
I stopped singing. Nagpalinga-linga ako. May ibang tao kaya dito?
Nakakahiya ako.
I looked around. Para nakong owl neto. Pati likod tinignan ko. Kung pwede nga sa ilalim ng bench tinignan ko na rin eh.
Hmm. . . Wala naman tao.