We are here in the world surrounded by expectations, dreams, failures and suceess. Pero nasaan ka dun? Nasa stage ka pa ba na nangangarap pa lang o iyong nagsisimula ng tuparin ang pangarap mo pero nabigo? O baka ikaw iyong nalulunod na sa taas ng expectation ng mga tao sa iyo o ikaw na iyong nakamit na ang tagumpay mo?
Lahat tayo nakaranas na o makakaranas pa lang ng mga ganoong bagay. Pero nasaan ka na ba talaga sa buhay mo? Alam mo ba kung nassan ka na? Sigurado ka na ba talaga sa tinatahak mo? Sabi nila, "Everything happens for a reason and everything has its own time." Ang daling sabihin pero ang hirap iabsorb. Mahirap isink in sa utak. Natural na sa tao na maging disappointed, impatient, frustrated, stressed and depressed kung may mga bagay na hindi nasusunod sa plano nila o kaya hindi nila nagagawa. At pag nangyari na ito, dito na nagsisimula ang paglabas ng mga katanungan at susunod ang pagiging lost mo.
Pagiging lost? Ano iyon? Iyon iyong feeling na parang "physically present ka pero mentally absent ka naman". Bakit? Physically present kasi nakikita ka naman at nahahawakan. Mentally absent kasi nalulunod ka na sa lalim ng iniisip mo, nakatulala ka na lang palagi at parang salo mo lahat ng problema ng mundo. Parang sa dami ng iniisip mo, nawawala ka na sa sarli mong iniisip. Iyong parang nasa gubat ka at hindi mo alam saan dadan para makalabas lang.
Karamihan sa atin, dumaan na sa stage na iyan. Iyong iba napagtagumpayan at ang iba naman nawawala pa rin at hindi pa rin mahagilap ang liwanag. So nasaan ka? Are you a lost soul once and had been found? Or are you still a lost soul trying to be found?