Do you know that feeling that you can't express that feeling? Iyong parang may crush ka pero hindi mo masabi sa kanya ang saloobin mo, na gustong-gusto mo siya at sana mapansin ka niya? Ganyan din ang feeling pag silent reader ka. Iyong nangangati kang magcomment, magvote, makisali sa mga conversations ng ibang readers, makisali sa iba't ibang pakulo ng author pero lahat iyon hindi mo magawa? Nakakadepress di ba?
Siguro silent reader ka kasi wala kang wifi o data. Iyon kasi ang reason ko noong nagsisimula pa lang akong magbasa dito sa Wattpad. Hindi makapagcomment kasi walang wifi at data o makavote man lang para maipakita na sinusuportahan mo ang story at gustong-gusto mo ito. O baka ang story na binabasa mo ay matagal ng tapos at ngayon mo lang nabasa. So parang huli ka na. Huli ka na sa mga balita, sa mga nangyari at OP ka na lang. Kaya wala kang ibang choice kundi maging silent reader kasi hindi ka na updated.
Pero kahit isa kang silent reader, part ka pa din sa success ng isang story. Hindi mo man maexpress ang mga saloobin mo at least nakatulong ka pa din sa pamamagitan ng pagbabasa mo. It is nice to know that some people love your work. That they will spend time just to read it. Isang suporta na din iyon na makita ng isang author na may nagbabasa sa kanyang sinulat. So being a silent reader is not really a bad thing. It simply implies that even though you are not noticed, you are still there, supporting always. Eventually, time will come that you can expose yourself and freely express your true feelins. So, were you a silent reader before or are you still a silent reader now?