Chapter 5
"Acquaintance party👚👗👠💄👒"*** *** *** *** ***
Rosé's p.o.v
"Good morning" pagkagising at pagkasing ko pa lang, bumungad na saakin ang magaling kong kaibigan.
"Good morning din" walang gana kong sagot.
"Ay ganon, bumangon kana jan miss moody, at malelate na tayo" wow ganon. Malelate da-.
Teka, nako lagot na tayo nito. Diretso na kong pumasok sa bath room at naligo.
Ilang minuto pa ang nakalipas, kumain na kami ni lisa.
Pagkatapos naming kumain, dumeretso kami sa classroom at naupo sa kanya kanya naming upuan.
Buti't wala pa akong katabi, pero ayaw kong makita yung lalaking yun sa harapan ko mismo.
Nakakawalang gana lang sa pakikinig ko sa klase.
Biglang sumulpot ang teacher namin sa Science.
"Ok good morning class, I have a short announcement to all of you." Pabitin namin eh.
"Ano naman po yun maam" tanong nung si Alexa.
"In July 7, 20**, we have a.........., ACQUAINTANCE PARTY" pagkasabi nya ng word nayun, bigla naman nagsigawan ang kaklase ko, maliban saakin at kay mr. Cold expression.
Kung papasalihin kami nyan, hindi ako sasali, bahala kayo no, siguradong panibagong problema na naman to no.
At saka, isa pa, malalaman nila kung ano ang tunay na pagkatao ko.
Lalo na yung ugok nayun.
"In aquaintance party we have, a dance presentation in each class, so you ms. Park, ms. Manoban, ms. Kang, mr. Jeon, and last, you mr. Park, kailangan nyong magpractice, para doon, magsisimula kayo sa sabado, at sa linggo. Klaro na ba sainyo" what? Wag mong sabihin na, haysss..
"Yes maam" walang gana kong sagot.
"And by the way sa simula ng party, casual ang isusuot nyo, tapos may entrance pee, pa kayo nyan, and lastly sa presentation nyo, yung susuutin ninyo mismo ang isusuot nyo pag nagsimula na ang presentation" ok.
"Sige, mukhang malinaw na naman sa inyong lima, simulan na natina ng klase, and it's all about...." hindi ko na pinakinggan ang lahat ng discussion kasi, wala ako sa mood makinig.
Alam kong masyado na akong walang pakielam, pero totoo naman eh, nakakabanas nga lang.
Biruin mo, nasa harapan mo pa yung si mr. Cold expression, tapos katabi nya pa yung higad na, parang hindi mapakali sa upuan nya kasi katabi nya yung lalaking yun.
Nakakainit lang ng dugo, tapos sa tuwing tatawagin silang dalawa ng teacher namin sa harapan at ipinagpapartner, naku, ewan ko na lang, parang puputok natong ulo ko sa galit.
Parang bulkan, kapag gusto ng magwala, bigla na lang magwawala, at lalabas ang lava.
Hindi sa nagseselos ako o ganyan, yun lang bang.... ah basta nakakabanas tingnan.
Ang sarap bugbugin yung pagmumukha noon.
"Ms. Park, are you with us" nakakabanas nga lang.
Kung ok lang sana na, sa iba na lang sya...
"Ms. Park I said are you with us" nabalik ako sa reyalidad ng mapagtanto kong, nasa harapan ko na si maam.
"A-a-ahmm yes maam" naman, bakit pa ako nauutal.
"Next time, when I call your name, answer me, parang lutang kasi yang isip mo eh, ok back to our topic" kaya ayan, blah.. blah... blah.. blah... blah...
Hanggang sa...
*kring..kring..kring..*
Salamat talaga sa nagimbento ng bell, kasi kung wala to, naku...
Hindi ko na hinintay pa si lisa, naguna na akong pumunta sa canteen.
Ng makarating naako, kumuha na ako ng makakain ko.
Napapaisip ako, habang sumusubo ako sa kinakain ko.
Palagi nalang akong ganito pumorma, gumalaw, manamit, lahat.
Parang ayaw ko ng maging girlish pa, kasi pag naging boyish ka, sigurado akong wala kang mararamdamang sakit sa mga lalaking nambreak sayo kasi ginamit ka lang.
Oo, bitter na kung bitter, wala akong pakialam. Kasi, palagi na lang akong umiiyak dahil lang sa kanya, palagi akong hindi makapagconcentrate dahil lang sa kanya.
Kaya naisip kong itong mga pagpapanggap ko, parang gusto ko ng gawin, kasi parang, wala eh, free ka.
Walang magpaparamdam sayo na wala kang kwenta.
Pero, ang isnisigaw naman ng puso, dapat hanggang pagpapanggap lang ito, hindi ko dapat seseryosohin.
Ano ang susundin ko, ang puso ko o ang isipan ko.
Ang hirap talagang pumili no? Lalo na't pareho mong gusto.
Parehas lang ng kanta, sana dalawa ang puso ko, para hindi na ako muli pipili pa sa kanilang dalawa.
Kaya lang, wala na akong magagawa, dahil ganyan na yan talaga.
"Ahmm.. miss, pwede ba akong maupo dito" tumingin naman ako sa harapan ko at nakita ko ang isang lalaki na dati ko pa minahal at iniwan lang ako.
"By the way miss, ako pala si Park Chanyeol, ikaw" tanong nya saakin.
Sasabihin ko ba ang tunay na pangalan ko?
"Ahmm, Park... A-a-Andrea, oo, tama ako si Park Andrea" sana nga tumalab.
Tinitigan nya muna ako sa mata, kung totoo ang sinasabi ko.
Pero tumingin lang ako sa ibang direksyon.
"Ganon ba, pareho pala tayo ng last name ah, nice. Ahm, teka, bakit ka pala ganyan kung mamit, mukhang bagay naman sayo ang walang sumbrero, tanggalin kaya natin." Tatanggalin nya na sana ito ng bigla ko itong tinabig palayo.
Medyo napalakas ata kaya, medyo, nabigla sya sa inasta ko.
"Ahm, sorry hindi ko sinasadya, patawad talaga, sige mauna na ako" sabay alis
Magsasalita pa sana sya, pero umalis na lang ako kaagad dahil ayoko kong magtimpi ng matagal.
*kring... kring... kring...*
Biglang nagbell na kaya binilisan ko pa ang paglalakad.
Kaya lang sa hindi ko inaasahan, may nakabangga na pala ako.
Naku... patay....
Mukhang kilala ko ito ah.
*** *** ***
Author's p.o.v
Sino kaya ang nakabangga ng ating bida ano?
Piliin nyo dito, kung sino, ka wattpaders.
* si taehyung
* si jimin
* si jin o di kaya
* si sugaPili lang kayo, kung sakto ang sagot nyo, i fofollow ko kayo.
Kaya pili na ka wattpaders.
At abangan kung sino.
Saranghaeyo😘😙😘😙😘😙😘😙😘😙😘😙
YOU ARE READING
BOYISH or GIRLISH? ( jimin × rose )
FanfictionIsang babae na, hindi aakalaing isa palang lalaki kung kumilos, manamit, at iba pa. Sa pagiging isa nyang boyish, may itinatago syang ibang kulay, o tunay na pagkatao nya. Babalik kaya sya sa pagiging girlish nya o ipagpapatuloy pa din ang pagiging...