CHAPTER1- New School?🏩🏤🏫

13 0 0
                                    

Chapter 1
*New School🏩*

**********************

Rose's p.o.v

"Ano? Mama, hindi ba pwedeng, kumuha ka na lang ng tutor ko, ayoko kong sa school. Mama naman" nag uusap kami ngayon ni mama, ngayon sa video call.

Balak kasi nyang papasukin ako sa isang school, na kung tawagin daw, Love Academy.

Tapos, ang pangalan ng school na yun, weird pa, may pa love love pang nalalaman.

'Hindi pwede, kung sinabi kong papasok ka papasok ka' sabi nya sa kabilang linya.

"Pero, mama, hin-" aysshh, hindi man lang tayo patuluyin sa pagsasalita.

'Wala ng daming satsat, bukas na bukas kana aalis, may susundo sayo bukas, si manong pedro, kaya magsimula ka ng magimpake ngayon, sige byee, ingat ka, lalo nat wala ako jan, mwahhh bye nak' sabay end.

Hayysshh, si mama naman eh. Ano ng gagawin ko.

Magimpake na lang ako, wala naman na akong magagawa eh.

Siguradong marami na naman ang mga lalaking, hahanga saking kagandahan kaya, paano o itatago ang sarili kong mukha, buhay, kilos, at gawa?

Nag isip isip ako ng paraan.

"Aha! Alam ko na, siguradong hinding hindi nila ako lalapitan." Saad ko, habang nag iimpake, ng mga gamit ko.

"Ang paraan ko lang naman ay ang itago ang pagka babae ko, ito ay ang, mag papanggap akong isang tomboy" ayun na nga.

Ayos diba, hmmpp... siguradong wala ng lalapit saakin at makipaglandian sa mga lalaking hindi naman kagandang loob.

Ito na ang simula ko sa paghihiganti sa mga lalaking nang aapi ng mga babae, lalo na, ang mga play boy, malalandi, at higit sa lahat manggagamit.

Ang dapat humabol saamin ay ang mga lalaki, hindi pwedeng mga babae, depende na lang kung mga malalandi din ang mga babae.

Tiningnan ko na ang oras sa relo ko, 9:00pm na pala.

Saktong natapos ko na ding mag impake. Tumayo na ako't, nag lakad, papuntang computer room ko.

Oo, may computer room ako dito, kaya pwede akong magcomputer magdamag.

Ng makapasok na ako sa room na yun, umupo kaagad ako sa isang swivel chair.

Ng makaupo na ako, binuksan ko kaagad yung computer, magfefacebook muna ako.

Ng makaopen na ako, inopen kona ang facebook, pagtingin ko, maraming post ang nakikita ko.

Habang inscroll ko, biglang natuon ang pansin ko sa isang post, na magkasama silang dalawa, habang magkayakapan, na parang wala ng bukas, feel na feel nila.

Habang tinitignan ko yung picture nila, na bagong profile picture pala ni Chanyeol, hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang mga lintik kong luha.

Diba, ang huling sinabi ko sa sarili ko na huling iyak ko na yun, bakit itong lintik an luhang to, bakit hindi talaga sumusunod.

Pinunasan ko ang luha na nasa pisngi ko. Habang nakatitig pa din sa picture nayon.

Bigla kong ini off, dahil sa picture nayun. Sino ba ako para, pigilan silang magmahalan?

Eh, wala na kami ng ugok nayun. Wala na kami, tandaan mo yan rose, hindi ka nya minahal, kahit katiting, ginamit ka lang nya.

Saad ko sa aking isipan. Pinunasan ko ulit ang mga luha ko.

At lumakad, patungo sa kwarto ko. Ng makapasok na ako sa kwarto ko, humiga kaagad ako dito, na nakatitig sa pulang ceiling ng kwarto ko.

Hanggang sa nakatulog na ako.

********************

*ring.. ring.. ring..* ( author's note: sabihin na lang po nating tunog yan ng cp nya)

Sinagot agad ito ni rose. Handa na sya sa pag alis nya maya maya.

"Hello, mag pedro"-ako

'Oh, iha, nandito na ako sa harapan ng mansion nyo'- sya.

"Ika ilang sabi ko na po sa inyo na hindi po mansion ang tawag, bahay po" -ako

'Kahit na, bumaba ka na jan, para maihatid na kita, atsaka nga pala, nandito na sa loob ng van, yung mga maleta mo, sige bye na' - sya.

Bakit ba palagi na lang akong binababaan ng telepono. Tss..

Lumabas na ako sa kwarto ko, at inilock ito. At ng ma ilock ko na ito, lumabas na ako.

Ilang saglit pa, nasa gate na ako. Sasakay na sana akl sa van, pero tiningnan ko muli ang bahay ko.

"Mamimiss kita" saad ko. Sabay bukas ng pintuan ng van, at pumasok doon.

Ng makapasok na ako, nagtanong pa si mang pedro sa akin.

"Iha, bakit ganyan ang suot mo, para kang hindi babae tingnan, para kang tomboy" oo, tama ang nabasa nyo. Nagsuot lang naman ako ng ganong damit dahil, baka malaman nila na gaano ako kaganda.

"Paandarin nyo na lang po yang van, baka magabihan pa po tayo nyan eh" cold kong saad.

Yung ikinikilos ko din ngayon, gingawa ko na din, para mahasa ako. Yung pagiging cold, tomboy ang galawan, lahat ng yun.

"Wow, masyadong seryoso" ayysshh... naman eh. Ano ba naman itong si manong.

Tinitigan ko lang sya ng masama.

"Ok po madam, iaandar ko na po" sabay andar.

Hayysshh, matutulog muna ako sabagay, malayo layo pa naman eh.

Ipinwesto ko na ang sarili kong kamay sa ulo ko, yun bang yung ulo mo nakapatong sa dalawa mong kamay, yun yon.

Kung hindi nyo nagets e di, hindi ko na yun problema no.

Inilagay ko nadin ang earphone ko na nakapamusic.

So ilang saglit pa, mahimbing akong natutulog..

                              

                              *************

Author's note

Hi sa inyo mga readers, naenjoy nyo ba ang chapter 1.

Kung na enjoy nyo, salamat sa pag aapreciate.

Sana magenjoy pa kayo sa susunod na chapter at sa susunod at sa susunod at susunod pang mga kabanata.

Maraming salamat.

SARANGHAEYO😘😘😘

BOYISH or GIRLISH? ( jimin × rose )Where stories live. Discover now