Entry 2:

97 2 0
                                    

(A/N: Sorry sa matagal na hindi paguupdate :(( Grabe kasi yung schedule ko. Pero tinapos ko parin 'to para sa mga kathniels dyan. WHOO! Noud tayo SDTG guys. Enjoy!)

2...

"Say aaaaa..."

I hate! Ayoko na! Hindi ko na to matake!

"Oh anu? Tignan mo yang chicken mo dur---"

"Sssshhh! wag kang maingay! Nagseselos ako! Naiinis na ako!" inis na sabi ko

"Bakit kasi ayaw mong umalis dito. Tara na nga!" at hinila na ako ni Julia paalis sa canteen kung saan sila naglalandian

Bakit ganun!? Crush ko lang naman siya ah! Bakit ganito ang impact niya sakin? Anu bang meron?

"Yung project pala--"

"Bakit ganun? Bakit ako nagseselos? Crush ko pa lang naman siya ah." huminto kami sa paglalakad at natanong ko ito

"Inlove ka na nga. Mahal mo na si Daniel. Hindi mo kasi namamalayan na everytime na tinititigan mo siya at sinusundan, nahuhulog ka na pala." sagot nito

Mahal ko na ba siya? Pero.. HINDI KO ALAM. Basta alam ko ay crush ko lang siya. Siguro INFATUATION yun. Pero ngayon?

"Paano mo ba malalaman na mahal mo na ang isang tao?" sorry ha, first time ko lang kasi magkaganito

"Alam mo, nagsisimula yan sa unang tingin hanggang sa naadik ka ng titigan siya. Yung tipong hindi mabubuo ang araw mo pag hindi mo siya makikita o makakusap. Magiging stalker ka pa. Lahat aalamin mo tungkol sa kanya. Isesearch mo sa facebook then add friend. Hindi ka rin titigil hanggang maging friends kayo hindi lang sa social networking kundi pati sa personal. Tapos pag may kasama siya lalo na pag opposite sex, may mararamdaman kang konting selos. Yung parang masasabi mo sa sarili mo na 'Sino yun? Bakit niya kasam yun?' Mga ganung bagay. Masasabi mo ng mahal mo na ang isang tao kung napatunayan mo na sa sarili mo na SIYA na nga."

"G-ganun ba?" tanong ko. Naguguluhan talaga ako

"Mahirap din sa tagal mong pangiistalk, naunahan ka pa ng iba. Yun ang mahirap. Mahirap mag-move on."

"Teka nga, bakit andami mong alam tungkol diyan? Nainlove ka na rin ba?" pagtataka ko

"Oo nam--" bigla siyang nagtakip ng bibig "A-aah! W-wala.. W-wala yun! Uhmm.. B-basta! Tara na nga baka mahuli pa tayo sa klase." at hinila niya na ulit ako papunta sa room

Hmmm... Ang labo naman nitong Julia na 'to. Pero ewan ko ba -_______- Siguro mawawala na 'to bukas. How I wish.

Wag kang maingay! Nagseselos ako! (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon