Heather's P.O.V.
See the butterflies coming look into the skay beybi and wonder mahu noshigemasuni rahu enyu enyu enden there's a rainbow that comes after the rain he he yeah...
Napahagalpak ako ng tawa ng marinig ko ang katawa-tawang pagkanta ni Sari. Ang pagkanta niya ay isa sa mga bagay na hindi ko pinalalampas panoorin. Tumigil lang ako sa pagtawa ng may tumamang matigas na bagay sa ulo ko.
"ARAY. *Censored*" napahawak ako sa ulo ko at ninamnam ang sakit nito hanggang sa narinig ko ang malakas na pagtawa ni Sari. Nakapagsabi pa ako ng salita hindi ko pwedeng isulat dito dahil baka kutusan ako ni ama pag nalaman niyang sinabi ko iyon.
"Bakit mo naman ako binato ng sandok Sari?" galit na tanong ko. Pinulot ko ang nalaglag na sandok para sana ibato pabalik sa kanya pero wala na siya sa pwesto niya kanina.
'Ambilis naman tumakas ng babaeng yun, tsk.'
Nandito ako ngayon sa bahay nila Sari. Saria Pierre Alferez, 16 years old. Siya ang bestfriend ko. Kaya ako nandito ngayon sa kanila dahil pupunta kami ng bookstore para mamili ng mga school supplies. 3 days nalang kasi at pasukan na naman. Wonder why ngayon lang kami mamimili? Ea kasi nga mahirap lang kami. Alam niyo naman na kapag bagsak ang ekonomiya ng isang bansa nauunang maapektuhan kaming mga mahihirap. Wait, bagsak ba ang ekonomiya ng Pilipinas ngayon? Hindi naman yata, so all in all mahirap lang talaga kami kaya ganon. At isa pa, mas mura na yung ibang paninda kapag start na ng pasok diba? Ang bright ko talaga ea.
Nahinto ako sa pagmamatalino ng marinig ko ang sigaw ni Sari galing sa labas ng bahay. Aalis na daw kami. Napamura ko ng hard ng mapagtantong nagkabukol ako sa noo dahil sa kagagahan ni Sari. Pero dahil ako ay lubos na biniyayaan ng kagandahan ay binalewala ko nalang ang nagmamaganda kong bukol.
Isang beses pa akong napamura ng hard ng makita ko ang suot ni Sari.
"T*NGN*!, BEH ANO YANG SUOT MO?!!" pagkalakas lakas kong sigaw sa kanya. Pero parang wala lang kay gaga dahil inirapan niya lang ako. Galit parin siguro siya dahil tinawanan ko ang pagkanta niya. Pero nakakatawa naman kasi talaga diba? Uy, sinubukan niya ring kantahin.
At hayun nga, ang pinagpuputok ng butsi (butsi o butse? alam ko kasi pagkain yun ea buchi yung ganon mga beh.) ko ay ang wonderful outfit ni Sari. Nakasuot lang naman siya ng kulay itim na off-shoulder blouse na halos lumuwa na ang kanyang dyogabells, pinarisan niya pa ito ng isang gray knee-length skirt na may disenyong mga itim na bulaklak. And to finish her wonderful look, nagsuot pa siya ng 5 inches black stilletos.
Wonderful diba. To think na mamimili lang kami ay ganyan na ang suot niya, hiyang hiya naman ang aking starbucks t-shirt, diy denim shorts at lumang flat shoes. Ilang hakbang nalang ang layo ko sakanya ng maamoy ko ang nangangalingasaw niyang pabango.
"Teh? Mamimili ka ba talaga ng school supplies?" taas kilay kong tanong sakanya "San po ba ang punta ninyo madam?"
"Date" simple niyang sagot saakin. Napa buntong hininga nalang ako ng marinig ang wonderful niyang sagot. Isa yan sa mga nakakabwisit na ugali ni Sari, madaldal yan kapag sinipag magsalita pero matipid sumagot kapag may ayaw sabihin. Kilalang kilala na ako ng babaeng yan pero marami parin siyang hindi sinasabi sakin, may trust issue siguro yan.
Nilakad ko ang pagitan namin at inakbayan ko siya.
"Teh, may booking ka no?" (mga beh hindi ko talaga alam yang booking noon haha, tinuro lang ng mga bakla sakin yan. Pero never kong sinubukan haha. skl.) Hinarap niya ako at pinameywangan.
"HOY BABAE! Sinong bakla ang nagturo sayo niyan aber?" Wari lamang pong maghawak hawak tayo ng kamay at magsisimula na ang sermon ng wonderfully made na si Sari.
BINABASA MO ANG
The love I never had
Teen FictionMasakit umasa sa isang relasyong walang label. Mahirap kumapit sa pag-ibig na call sign lang ang pinanghahawakan. Pero dahil likas na asyumera si Heather, umasa siyang mahal siya ni Vince. Pero ano nga bang pinanghahawakan niya? Ano nga ba ang dahil...