CHAPTER 2

4 0 0
                                    

Heather's P.O.V. 

15 minuto na akong nandito sa loob ng banyo. Kumapit na yata ang amoy ng panlinis ng banyo sa damit ko. Basang basa nadin ang pang-itaas na bahagi ng suot kong t-shirt gawa ng paulit-ulit kong paghihilamos. Nang mahimasmasan na ako ay sinamahan ko si Sari na kanina pa naghihintay sa akin sa labas ng banyo. Sumalubong sa akin ang nanlilisik na mga mata niya. Nagiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.

"Oh ano Heather? Anong oras na ah? Kanina ka pa ha. May problema ka ba? Parang kanina ka pa wala sa wisyo ah?" Sunod sunod niyang tanong sa akin. Sino ba naman kasi ang gustong pinaghihintay?

"Wala akong problema Sari. Hindi lang siguro maganda ang pakiramdam ko. Pasensiya na." mahinahon kong tugon sa kanya.

Isa sa mga bagay na itinuro sa akin ni mama ay ang wag makipagsabayan ng galit sa iba. Sabi niya kung may taong nagalit sa iyo ay wag na itong sasabayan at kung maaari nga daw ay intindihin nalang ito. Pero magmula ng mamatay si papa ay madalas na kung magalit si mama, ang maliliit na bagay ay pinalalaki niya. Hindi niya nai-apply sa sarili niya ang mga pangaral niya sa akin. Pero dahil masunurin akong bata ay ginagawa ko ito lalo na kapag galit sa akin si mama.

Inaya ko na si Sari na umalis. Habang naglalakad kami papunta sa bookstore ay pansin ko ang pananahimik ni Sari. Alam kong nag-aalala lang siya sakin pero hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. Nang marating namin ang bookstore ay nagpaalam ako saglit sa kanya. Pumunta ako sa pinakamalapit na stall ng ice cream sa loob ng mall. Bumili ako ng dalawang cone ng chocolate ice cream. Paborito namin ito.

Pagbalik ko sa bookstore ay nakita kong may bitbit na siyang basket. May laman na rin itong mangilan ngilang school supplies. Lumapit ako sa kanya at saka iniabot ang isang cone.

"Sari! Bati na tayo please." Pagsusumamo ko sa kanya. Inirapan niya ako pero kinuha niya parin ang ice cream. Haha success.

"Ikaw kasi ea. Ayos ka lang ba talaga? Parang kanina pa lumilipad ang isip mo ea." Kitang kita ang pag-aalala sa mukha niya. Napabuntonghininga na lamang ako. Ayos lang naman talaga ako ea.

"Naapektuhan lang siguro ako ng kilikili ni manong" sabay kaming napatawa ng malakas kaya pinagtinginan kami ng mga tao sa loob ng bookstore.

Umayos na kaming dalawa at ipinagpatuloy ang pamimili. Nang makumpleto na namin ang mga dapat naming bilhin ay pumila na kami sa counter. Habang naghihintay sa pila ay napag-usapan namin ang nangyari kanina.

"Be? Bakit mo ba kasi pinisil yung mukha ni kuya kanina?" patungkol niya sa lalaking nakita namin sa parking lot.

"Hindi ko din alam ea. HAHA pero nakakahiya talaga be!" pinapalu palo ko pa ang bisig niya habang inaalala ang kahiya hiyang pangyayari.

"Aray!" sigaw niya. "Kailangan mo bang mamalo ha? Kasama ba yan sa ethics ng mga engot?" hinimas niya ang parteng pinalo ko. Nag peace sign ako sa kanya. Bakit kaya ganon? Tayong mga babae kapag kinikilig o di kaya naman ay nahihiya ay basta nalang namamalo?

"Sorry haha. Nakakahiya nga ea natutulog pala siya sa kotse nagising ko pa."

"Oo mahiya ka talaga dahil bukod sa nagising mo siya at pinisil ang pisngi ay tinakbuhan mo pa siya. Type mo ba yon girl?"

"Hindi no!" tanggi ko. Gwapo yung lalaki kanina, pero parang may attitude. Hindi ko naman siya type, crush ko lang ganon. Magkaiba naman iyon diba?

"Next" sabi ng cashier. Inilagay na namin sa counter ang mga pinamili namin at saka ito binayaran. Nang makapagbayad na kami ay pumunta na kami sa restaurant na kakainan nilang pamilya.

Pagdating namin doon ay nadoon na si tita. Naka suot din ito ng dress tulad ni Sari. Paglapit namin ay agad na nagsalita si tita.

"Bakit naman ang tagal ninyong dalawa? Akala ko ay mauuna pang dumating si Seige sa inyo e."

The love I never hadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon