It's freaking cold.
Ramdam na ramdam ko ang malamig na tubig na tumatama sa mukha ko, sa katawan ko. Wala akong ibang naririnig kung hindi ay ang lagaslas ng tubig na nagmula sa shower at ang sariling pag-iyak ko...
Why, Henry? Why? Bakit ka pa sumabay sa lahat ng problema ko!? I closed my eyes and I can feel the warm liquid running down on my face.
Asar na asar ako! Nabu-bwisit ako! And guess what? Na-aasar ako sa sarili ko. Nabubwisit ako sa sarili ko! Arghhhhh!!! I grabbed my hair out of frustration. Yeah it's me. Frustration.
I want myself to be drowned here at bathtub but there is something on me saying "don't"
I stopped when I heard my phone ringing but suddenly it stops. Maybe it's not working anymore because it's also soaked in water.
Sinubukan kong hindi sagutin ang mga tawag nila, mga messages nila, dineactivate ko rin ang mga social media accounts ko because that's all I want and what I need is to be alone.
Gusto kong lumayo sa mga tao. I don't know why? Pero sa tingin ko ito na lang ang way ko para maka-survive? Tss! Such a coward.
Lalayo? Feeling ko kasi hindi ko mapagkakatiwalaan lahat ng tao, feeling ko sasaktan nila ako, feeling ko huhusgahan nila ako, feeling ko pinapatay nila ako.
Napansin kong nanginginig na ako, ang bobo ko kanina pa pala ako dito nakalublob. Mga magdadalawang oras o tatlo na?
Gusto ko pa sanang lumublob sa tubig dahil feeling ko naiibsan yung lungkot ko dito. I feel like people can't notice my tears. But from what I'm doing right now is opposite.
Namalayan ko na lang ang sarili kong tumatakbo papalayo sa bahay. Tumatakbong basa. Nakapaa. Umiiyak.
Bakit ang bilis ko nang umiyak? Mabasag? From what I've remember I build a wall made of metal not glass. Nararamdaman kong may mga likido sa paa ko at alam kong hindi lang basta-basta tubig yun. Medyo madilim na ang paligid dahil malapit ng mag takip-silim pero alam kong mabato ang dinadaanan ko kaya for sure tadtad ng sugat ang mga paa ko.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapuntahan ko ang lugar na hinahanap ko. Ang lugar kung saan nailalabas ko ang mga problema ko. Lugar na saksi sa lahat ng paghihirap ko.
Hindi talaga ako nabibigo ng lugar na 'to. Lagi na lang akong naaamaze. Pero bigla na lang nanglaki ang mata ko ng may makitang ibang tao.
I can't see his face because beside of being far enough, he's also against the light. So ang ending eh napapasingkit ang mga mata ko.
Magsasalita pa sana ako kaso nagulat ako ng walang boses na lumalabas sa bibig ko. Naramdaman ko rin na bumibigat na ang mga talukap ko. Pagod na siguro ako?
Hanggang sa maramdaman kong dahan-dahan akong bumabagsak at sa pagkakataong yun ay hinayaan ko na lang ang sarili ko. Talo na rin naman ako.
Nakita ko yung tao na tumayo at tila natataranta pero last thing I knew, everything turned into black...