❝ Wasted Night, Dour Morning ❞


Inayos ko ang buhok ko nang matanggal ko na ang helmet at iniabot ito sa lalaking kasama ko ngayon. Sinundo ako ni Henry sa bahay gamit ang kanyang motor at pumunta na nga kami rito sa Takyoko. It was twenty or less minutes travel from house.

Right now nasa parking kami at nasa tapat namin ang nasabing bar. Mula rito ay rinig na rinig ang malakas na tugtugan at ang ilaw na animoy nasayaw.

"Let's go?" Pag-aaya niya kaya naman tumango lang ako bago sumunod at tuluyan nang pumasok sa loob.
A night that seems normal, dark and cold room, loud music, neon lights, smell of liquors, and wasted people filled the whole bar.

Hindi ko mapigilan mapangiwi. Actually this is my first time to enter this kind of place. Kung kanina sa bahay ay ingat na ingat ako at halos walang ingay dahil baka marinig ako ni Kai, dito naman halos hindi na kami magkarinigan.

Tumigil kami sa isang grupong nagkakasayahan, lahat sila ay nakaupo sa couch at sa tapat nila ay ang mesang punong-puno ng mga alak at pagkain.

"Henry, hurry up! Kanina pa namin kayo hinihintay!" Halos maglabasan na ang litid ng babaeng 'yun marinig lang siya ni Henry, napakaingay naman kasi. Tumingin ang babae sa akin at ngumiti. "Hi there! The name's Jennika." Sambit nito at nakipagbeso-beso kaya awkward akong napabeso-beso. "Madaming nakukwento si Henry about sa'yo, c'mon, join us!" Habol pa niya.

Pinakilala ako ni Henry sa mga kasama niya, sa dami ng pangalan na sinambit nila ni-isa sa kanila wala akong narinig dahil ang ingay. Tanging kay Jennika lang ang naaalala ko. Walo kaming lahat na nagsh-share ng area at medyo kinakabahan na ako dahil never ko pang na try uminom. Hindi ko alam kung heavy drinker ba ako or what pero alam naman ni Henry 'yon kaya ang inorder niya sa akin ay 'yung five percent alcohol lang. Sa mga kasama ko naman halata mong matagal na umiinom dahil sa dire-diretsong paglagok ng bawat alak na inihahanda sa kanila, tapos naamoy ko pa mula rito ang amoy, ang tapang!

Bigla namang hinawakan ni Henry ang kamay kong nakahawak sa bote ng alak. Nakatingin pala ito sa akin kaya nginitian ko lang siya.

"Wala ka munang iisipin ngayon. Just do anything you want here, they don't mind, 'kay?" Bulong niya sa akin kaya napatango-tango ako.

I really want to forget those. Really.

Nilaksan ko ang loob ko, ewan, bahala na at sa puntong iyon ay nilagok ko ang laman ng boteng hawak ko kaya naman nagulat ang mga kasama ko.

"Woah! Why don't you try this? You know, level up?" Ani Jennika habang inaabot ang alak na iniinom nila. Napatingin muna ako kay Henry bago ko ito tanggapin.

My hands are trembling. I can see the liquor inside is shaking as well, but why? On the spur of the moment, closed eyes... inubos ko ang laman ng baso. I'm not familiar with these kind of liqours but I can assure, the taste was horrible!

I don't mean to offend the drinkers out there but for me it's just horrible. Gumuguhit sa lalamunan at talagang ang tapang ng lasa't amoy. How can they drink this?

Nagsimula naman akong makarinig ng mga sigawan, hiyawan at palakpakan mula sa mga kasama ko. Parang mga timang, achievement ba 'yon? Pwede ko bang ipagmayabang 'yan sa angkan ko?

"Again!" Hiyawan nila at lahat ng mga mata nila ay nakatutok na sa akin at sabay abot ng isa pang basong may laman ng alak na katulad kanina. By just looking at it, it reminds me the taste just a while ago, and for pete's sake I really don't want to take more shots with this. "Chug! Chug! Chug! Chug!" Again, I heard them cheering. I don't know why pero parang hindi ako maka hindi? So no choice... I drink it up.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Almost AcquaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon