One shot

654 53 12
                                    

Pagod akong umupo sa upuan ko pagkatapos ng PE class namin. Naglaro kasi kami ng volleyball kaya medyo napagod ako. Ang ingay ng classroom dahil sa nangyaring laro.

Pinaypayan ko ang sarili ko at pinunasan ko ang pawis ko.

"Sayang talaga kanina Monday! Kung naipasok mo lang iyong bola panalo sana tayo!" Sabi ng isang kaklase ko.

Sumimangot ko kasi nga dahil sakin natalo kami! Kasalanan ko bang ang liit ko di ko maspike ng maayos. Required kasi na marunong na kaming magspike, eh kanina sakto namang ang lapit ko sa net di ko maabot ng maayos!

"Pasensya!" Walang gana kong sabi.

Umayos ako ng upo ng pumasok si Sunday na nakangisi. Abot tenga ang ngisi, ano na naman kaya ang iniisip nito? May hinanap siya sa buong room at nang makita ako ay agad siyang tumawa. Lumapit siya kaya sinimangutan ko.

"Talo tayo! Kasalanan mo!" Natatawang sabi niya.

"Tapos? Tuwang tuwa ka? Abnormal ka rin no!"

Tumawa pa siya lalo, "Hays kaya dapat di sinasali ang mga maliliit eh." Umiling pa siya at umupo na sa likuran ng upuan ko.

Di ko siya sinagot kasi naiinis ako. Bahala siya. Kahit pa ang pogi niya sa pagtawa nakakainis pa rin na nilalait niya ang height ko.

"Inis ka na ba Monday?"

"Hindi!" Padabog kong sabi.

"Ba't kasi ang liit mo?" Tumawa siya ulit kahit di nakakatawa.

May requirement ba sa mundo na dapat matangkad ka? Wala naman ah! Bakit kaya tuwang tuwa sila kung mang-asar ng mga maliliit no? Di naman namin sila inaasar kung sobrang tangkad nila. Pinupuri pa nga. Hustisya naman po.

"Tanong mo sa gumawa sakin."

Tumawa siya ulit at pumasok na ang guro namin sa next subject. Dali dali naman siyang bumalik sa upuan niya sa pinakadulo ng room. Nakangisi pa siya sa'kin. Inirapan ko na lang.

"Good morning class!"

"Good morning ma'am!"

Umupo na kami pagkatapos. Nagsimula ng maglecture si ma'am kaya bored na bored na ako. Nagdrawing nga lang ako sa likod ng notebook ko eh. History kasi ang subject ayan masyadong nakakaantok. Humikab ako at patuloy sa pagdrawing.

Artist ako eh. Special skill, stick drawing.

May kumulbit sa'kin kaya tiningnan ko ang katabi ko. "Bakit?" Tanong ko.

May inabot siya sa'kin na maliit na piraso ng papel na parang pinunit lang sa notebook. Kumunot naman ang noo ko.

"Ano iyan?"

"Galing kay Sunday."

Tinanggap ko ito ay tumango sa katabi. Bored kong binuklat ang nakatupi na papel.

Hi crush! :*

Napapoker face ako at umirap, di pinansin ang kalabog ng puso. Kinulbit ko ang nasa unahan ko na babae. Lumingon siya at agad kong binigay ang papel na walang sinasabi.

Gulong gulo ang mukha ng babae at nang mabasa niya ay mas lalong naguluhan. Bahala siya.

Nagdrawing ulit ako habang nakapatong ang baba sa kaliwang kamay ko.

Kinulbit na naman ako ng katabi ko at inis ko siyang tiningnan. Nag-aalinlangan pa siyang ibigay ulit ang piraso ng panibagong papel.

"S-Sunday." Sabi niya, sinasabi kung kanino galing. Inis ko itong tinanggap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ba't ang liit mo? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon