Pang-una

21 5 2
                                    

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Dumadaloy sa aking noo at leeg ang pawis ko, kasabay sa pag dagundong ng puso kong walang tigil sa pag tibok.

Umulit nanaman ang panaginip na iyon. Nakita ko nanaman siya. Nasa tubig nanaman ako, nalunod nanaman ako.

Bumangon ako ng tuluyan sa aking kama at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig. Sa aking maliit na apartment ako namumuhay. Wala nakong pamilya kaya naman ako lang ang magisang namumuhay.

Pasado alas-singko na ng umaga. Nagtimpla ako ng kapeng barako na may 2 kutsaritang asukal. Hanggang ngayon ramdam ko padin ang puso kong hayok na hayok sa pag tibok.

Alas-siyete ng umaga ang pasok ko sa opisina. Isa akong graphic artist at writer sa isang Multimedia agency.

Maliit ang sweldo pero, ayos lang masaya naman ako sa ginagawa ko.

Itinali ko ang aking mahabang buhok na may kulay asul sa ibaba. Umupo lang ako sa aking balkonahe dala dala ang kape at kumot.

Kasabay sa pagpatak ng ulan ay pagpatak ng mga isipin sa aking utak tungkol sa panaginip na iyon.

Nakatanaw ako sa dagat, hindi pamilyar ang lugar pero nasa itaas ako ng bato at tanaw tanaw ang karagatan.

Suot-suot ang puting manipis na spaghetti strap na bistidang hanggang talampakan ko.

Malakas ang simoy ng hangin, na tipong gusto mo nalang magpatangay. Gusto kong tumalon sa tubig, gusto kong bumaba sa tubig.

Isang malakas na pwersa ang tila humihila saakin pababa. Tumayo ako sa aking kinauupuan at unti unting naglakad papalapit sa dulo ng bato.

Itinaas ko ang aking dalawang braso kasabay ng paghangin ng aking mga buhok. Ang sarap magpatianod.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nagpakahulog ako sa tubig.

Isang lagapak ang pumanig sa tenga ko. Wala akong naririnig kundi ang tunog ng kulob ng tubig.

Idinilat ko ang aking mga mata at nagsimula lumangoy pataas. Ngunit hindi ko magawang makaahon, hindi ko magawang gumalaw. 

Nagpupumilit ako lumangoy pataas, nagpupumilit ako umahon, ngunit hindi ko kaya.

Hindi ako makakilos at ramdam kong konti nalang ang itatagal ng hininga ko.

Malulunod ako. Yun ang nasa isip ko.
Mamamatay ako. Yun ang mangyayari.

Nahihirapan na ang baga ko sa paghahanap ng hangin.  Pinipilit ko pa ding subukang lumangoy pataas.

Hanggang sa unti unti ng pumipikit ang mga mata ko, wala na kong hininga.

Nanlalabo na ang pananaw ko, eto na ang katapusan ko.

Isang mainit na braso ang yumakap saaking bewang at leeg. Ramdam ko ang init ng bawat parte ng kanyang katawan na pumapalibot saakin.

Inaahon niya ko paitaas, tumataas na kami. Maliligtas ako, mabubuhay ako.

Nakaahon kami, pagdilat ko nasa buhanginan kami pareho.

Isang maginoong lalaki ang tumambad sa harapan ko, basa ang buhok nito na tumutulo pa. Hingal na hingal ito at gayun din ako.

"Ayos ka lang?" tanong niya ng malumanay, bawat galaw ng kanyang labi ay may lambing. Ang kanyang mga mata ay malalalim kung tumingin.

Nitong mga nakaraang araw, umuulit-ulit ang ganong panaginip ko. At natitigil lamang sa huling katanungan niyang "ayos ka lang?".

Hindi ko kilala ang lalaki, hindi ko na din natatandaan pagkagising ko ang pagmumuka nito.

Natutulala lang ako sa kakaisip ng tumunog ang telepono ko.

It was Sir Gran, the chief graphic artist sa project na ginagawa namin.

"Sir?"

"Goodmorning Celes. I have a news for you. I don't know if this will be bad or good for you tho."

"Sir Gran what is it?"

"Si Marina? Our story writer, just got into an accident last night."

"What? Oh my god!"

"Yes, and because of that mawawalan tayo ng writer. So we have decided na ikaw nalang ang maging writer."

There's a moment of silence after what he said. I was shocked. This is a huge project! This will be my biggest break so far if ever!

"Sir is that real? Oh my god..."

"Yes, do you want to take the spot? This is a huge project Celes. And pag ito naging hit, Celes sisikat ka."

"Sir, yes. Yes i'll take the spot sir!" I answered in excitement. I heard him laugh and said goodbye after that.

This is an animation movie. Malaki ang budget na binigay saamin and from the voice overs, directors, camera man and all staff already have a name on the industry. Ako lang ata ang baguhan dito.

I suddenly felt anxious sa naisip ko. God, my team are all talented. At im a newbie 1 year palang ako sa industriya na ito.

Naligo at nagayos na ako para pumasok sa trabaho. It's 6:40 nang nakarating ako sa office. I immediately saw Sir Gran.

Sir Gran is a tall guy. He look young for his age of 40. Gwapo siya sa totoo lang, but he was like a father to me. He was actually one of my professor in college, and he actually have a name in this industry.

"Sir Gran!" I hugged him nung nakita ko siya.

"Celes, good thing you're here. We are going to have a meeting at 7am."

"Tungkol po ba kay Marina?"

"Yes, actually I was the one who decided na ikaw ang gawing writer. "

"Sir Gran.."

"Come on Celes, let's go inside the meeting room"

More than just a waterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon