Wedding Anniversary

93 3 0
                                    










Ngayon ang ika-5th wedding anniversary nina Vice at Karylle ngunit mag-aalas onse na ay wala pa ang kanyang asawa. Mukha ngang nakalimutan na nito na ngayon ang ika-limang taon nila bilang mag-asawa dahil hindi pa ito tumatawag man lang simula kaninang umaga. Labis naman siyang nag-aalala rito at hindi na rin mapakali lalo na't may surpresa siyang inihanda para asawa, dahil sa ilang taon nilang pagsasama ay sa wakas natupad na ang hiling nila... na biyayaan sila ng anak. Ngayon ang gabi na balak niyang i-surprise ito dahil ang kanilang pangarap ay matutupad na dahil may isang anghel na nasa sinapupunan niya.





Hawak nito ang P.T o Pregnancy Test na patunay na siya'y buntis, ilang araw na rin kasi siyang namumutla at sumusuka tuwing umaga kaya nagpatingin siya sa kaibigan nilang Doctor. Ilang linggo na ding dis-oras ng gabi umuuwi si Vice sa kanila ngunit iniisip niyang kailangan lang nitong kumayod dahil na rin sa trabahong pinapamahala sa kanya ng ama. Naghanda pa naman si Karylle ng kanilang makakain para sana sa gabing iyon ngunit mukhang hindi na rin ito makakain dahil lumalamig na ito at ilang oras na din itong nakahain lang sa mesa. Maging siya na kahit gutom ay hindi kumain masabayan lang ang kanyang asawa kahit pa masama ang mapuyat at di kumain dahil na rin sa pagbubuntis niya. Sumapit ang alas-dose at wala pa rin ang ating lalaking bida. Hindi na niya kinayanan at hinayaan na lang na kumalam ang sikmura at nagpatangay na lang sa antok habang naghihintay sa sala.


Mag-aalas tres ng madaling araw ng may marinig siyang kaluskos galing sa pinto at maya-maya pa'y ang pagbukas ng ilaw sa sala, kinurap niya ang kanyang mga mata para makita kung si Vice na ba ito at doon ay naaninagan nga niya si Vice na mukhang lasing dahil sa pagewang-gewang na lakad nito.

Tatayo na sana siya para lumapit sa kanyang asawa at para sana'y hagkan ito ngunit napako siya sa kanyang kinauupuan ng banggitin ni Vice ang mga katagang....


"Karylle, maghiwalay na tayo. Ayoko na. Hindi na kita mahal." Ani nito habang nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kusina. Sumunod naman si Karylle dito na para bang anytime ay iiyak na. Sino nga ba ang hindi iiyak na kung pagdating ng asawa mo ay ganito ang bubungad. At talagang tapat pa kung kailan anibersaryo nila.

"Vi-Vice, nagbibiro ka lang, diba? Ha-halika na love, umupo ka muna dyan at kukuha akong tubig mo para ano... para mahimasmasahan ka. Uhm... Ano... Ah, kumain ka na ba? A--anong gusto mo?" Tanging sambit ni Karylle habang pinipigilan ang sariling umiyak dahil sa nasabi ni Vice.


"Karylle, ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko?! Ayoko na! Hindi na ako masaya!!" Dire-diretsong sabi ni Vice habang nakatingin ng diretso kay Karylle na natataranta at tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha.


"Wala namang ganyanan. Please tell me that you're joking. Sabihin mo joke mo lang 'to kahit di magandang biro." Umiiyak na sambit ni Karylle at naestatwa na lang sa gilid habang patuloy na umiiyak. Hindi siya handa. Hindi niya kaya. Mahal na mahal niya ito.

"Karylle!! Gumising ka!!! Hindi ito biro o ano pa man! Hindi. Na. Kita. Mahal. Ano pa ba ang gusto mo?! Hindi na ako masaya sayo!!!" May panggigigil na sabat ni Vice habang tumayo sa kinauupuan at nilapitan ang babaeng kanina pa umiiyak.

"Vi-Vice... Love, please... Ma-maha---mahal na mm--mahal ki-kitaa... Pag---pag-usap---pag-usapan nam---naman natin 'to please..." Ani Karylle habang walang habas sa pag-iyak at niyakap pa ang asawa.


"I want an annulment. Simula bukas, ayaw na kitang makita pa. Dalhin mo na lahat ng gamit mo pero wag na wag ang mga binigay ko." Huling sabi ni Vice bago linasin ang kusina at tumungo na paakyat sa kanila or should I say, sa kanyang kwarto. Naiwan naman si Karylle sa kusina habang patuloy pa rin sa pag-iyak at iniisip ba't biglang nagbago ang kanyang asawa. Kinuha mula sa bulsa at tinitigan niya na lang ang hawak niyang pregnancy test at itinago na muli ito.

"I'm so sorry, little angel. You will no longer see your father. He wants an annulment. I'm sorry. Hindi ko na kayang lumaban."

KINABUKASAN...




Bago man lang lang siya umalis ay ipinagluto niya ang asawa ng umagahan. Alam niyang maghahanap ito ng almusal dahil hindi nito pwedeng kaligtaan yon. Sa umaga lang kasi ito nakakakain ng marami dahil sa tanghali ay nakakalimutan nitong kumain sa dami ng meeting na pinupuntahan...



Tapos na rin ang pag-eempake ni Karylle sa kanyang mga damit, inilibot na lang niya ang paningin sa guest room na pansamantang tinulugan niya. Naiiyak na naman siya. Mamimiss niya si Vice at ang bahay nila na sa loob ng maglilimang taon, ay punong-puno ito ng mga masasayang alaala.

Hawak ang maleta, tumungo siya sa kwarto nilang mag-asawa at hindi man lang kumatok bagkus ay diretsong pumasok sa loob ng kwarto habang may pasan sa dibdib na mabigat na nararamdaman.

Alas nuwebe pa lang naman ng umaga ngunit tulog pa si Vice, dala na rin siguro ng kalasingan. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kanilang kwarto at binitawan ang hawak na maleta para lapitan at hawakan ang mga litratong nakapaskil sa dingding ng kanilang kwarto, may ngiti ito sa mga labi habang iniisa-isa ang kanilang mga litrato hanggang sa makita nito ang brown envelope na nasa gilid. Bumuntong hininga siya, napaghandaan na nga yata ni Vice ang annulment papers nila. Binuksan niya ito...


PETITION FOR ANNULMENT.


Masakit man sa mata ang nakita, pinagpatuloy niya namang buksan 'to kahit pa nasasaktan siya. Kinuha niya ang katabing ballpen bago pikit-matang pinirmahan ang annulment papers nilang mag-asawa. Wala na...


Ibinalik niya ito sa ayos bago tanggalin ang singsing na suot niya katabi ng brown envelope. Masakit mang isipin ang kinahinatnan nila ay wala siyang magawa. Hindi na siya lumaban pa, bagkus ay hinayaan nalang niya ang lahat. Tapos na siya. Nasaktan na naman siya. Pakiwari'y nahugot ang kanyang hininga matapos tanggaling ang wedding ring nilang mag-asawa. Wala na ngang mas sasakit pa sa nangyayari sa kanya. Masakit man ng sobra ngunit kailangan niyang magpakatatag para sa anak niya dahil anak sa sinapupunanan niya na lang ang meron siya. Bumalik na siya sa tapat ng pinto at kinuha na ang maleta habang dahan dahan ding pinipihit ang sedura na hindi nililingon o nilalapitan ang asawa. Ayaw na niyang lapitan dahil baka di siya makapagpigil at hindi ito maiwan.


Mahal na mahal niya ito kaya ginagawa niya ang bagay na makapagpapasaya sa asawa niya kapalit man nito'y kabiguan niya.


Sa pagsara ng pinto, doon lamang dumilat si Vice habang pinupunasan ang luhang dumadaloy patungo sa kanyang higaan.


"I'm so sorry, Karylle. Bakla talaga ako at si Ter pa rin ang gusto ko. Pinigilan ko ngunit naging marupok na naman ako. Patawad at mahina ako sa tukso." Sambit ni Vice bago tumayo at nilingon ang brown envelope maging ang regalo.


Doon na lamang din siya nanlumo ng makita ang brown envelope at pati na rin ang wedding ring nilang mag-asawa ay tinanggal nito. Mali nga yatang piliin niya ulit ang unang lalaking minahal niya at iwanan ang asawa para dito. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto para sundan ang asawa dahil sa nangyari ngunit wala na ang kahit anong bakas niya dito. Oo, naguluhan siya. Mali siya. Dahil sa pangatlong pagkakataon, naguguluhan na naman siya at dahil lang iyon kay Ter. Mahal nga niya ito kahit pa paulit-ulit na rin siyang nasasaktan dito. Masasabing handa nitong hiwalayan si Karylle at bumalik sa pagkabakla nito para lamang sa una niyang nobyo. Sinayang ang limang taon na pagsasama para lamang sa panandaliang saya sa lalaking mahal niya rin. Hindi na naman siya nag-isip. Nagpadalos-dalos na naman siya.

Dumako naman tayo kay Karylle na nasa labas lang ng gate habang may luhang nag-uunahan sa pagdaloy. Wala na... Mula ngayon ay lalayo na siya at hindi na lamang ipapaalam sa asawa na buntis siya. Masakit man para sa kanya, ito na nga siguro ang dapat. Ito na ang huli. Lumingon sa bahay bago hawakan ang tiyan at banggitin ang salitang, "Patawad, anak. Hindi mo man lang masisilayan ang ama mo dahil mas pinili niyang iwanan ako at pinili ko na ding lumayo para hindi na ako masaktan ng ganito. Hayaan mo, magsisimula tayo." bago tuluyang lisanin ang lugar kung saan bumuo sila ng magandang pagsasama ni Vice noon na nauwi na lamang sa hiwalayan ngayon...

----

Hello!!! Hehe sana nagustuhan niyo, medyo masakit. Medyo lang naman. Hihi love you, sibs! KOALAng bibitaw. Ayiiii 💛💛💛

ViceRylle - ONE SHOTSWhere stories live. Discover now