Faye's POV
nag tawag ng timeout si coach dahil madikit ang laban, kahit medyo nakalamang kami syempre mahirap nang maabutan ng kalaban. 4th sets na rin ito kaya malapit nang matapos ang game at ayaw ko nang mag extend pa, 2-1 ang main score at 20-15 ang score ngayon tska pagod na ako.
masaya naman ang pag lalaro ng volleyball, nakakahingal lang talaga. tska kahit simpleng paliga lang ito syempre seryoso parin kaming maglaro, title parin namin ang nakasalalay dito noh.
habang nakikinig kaming lahat sa paliwanag ni coach sa bawat positions na naka toka sa amin bigla akong napatingin sa di kalayuan at nakita kong tumatakbo si angge palayo sa amin.
"What the heck?!" bulong na sabi ko nalang at nasapo ang noo ko. saan nanaman pupunta ang babaeng yun! ako malalagot nito eh!
"Angge? ANGGE?! ASAN SI ANGGE?! FAYE ASAN NANAMAN PINSAN MO?!" ayan na hinahanap na sya ni coach at nag kibit balikat nalang ako.
tandem kaming dalawa ni angge lage sa court. toser sya spiker and blocker naman ako. sports na talaga namin itong mag pinsan noong mga bata pa kami. kahit mas matanda ako sakanya nakakasunod parin sya sa mga galaw ko.
"HANAPIN NYO NA DALI, FAYE YOU STAY HERE!" galit na talaga si coach. kahit ganyan yan si coach mabait yan, pero syempre propesyon nya itong volleyball kaya may pag kahigpit talaga sya.
umalis ang isa naming kasama para hanapin si angge, nakinig naman ako sa mga sinasabi ni coach at sakin nya nalang sinabi ang para kay angge.
kahit hindi ko naman sabihin kay angge ang gagawin nya alam na nya yun, dahil sa pag kilos ko alam na alam nya kung paano nya ako idepensa o paano na kami aatake papunta sa kalaban.
nang matapos na ang paliwanag ni coach, bigla naman dating yung isa naming kasamahan at kasunod nito ay si angge!
"talk to your cousin faye and win this game! ill trust you!" hinawakan ako sa balikat ni coach habang sinabi nya ito sakin.
"yes coach i will." ngiting sabi ko kay coach, saka umupo na si coach sa upuan namin.
habang palapit ng palapit sa amin si angge, sinasamaan ko sya ng titig! sya naman ay ang lawak ng ngiti at nag peace sign pa sya sakin.
"Mamaya ka sakin!" sabi ko nalang sakanya at saka ko tinawag silang lahat.
*PRRRRTTT*
pito ng referee, hudyat ang pag start ng laro namin.
"alright team! we can do this, remember just enjoy the game" sabi ko sakanila at sabay sabay nag tagpo sa ere mga kamay namin.
"FIGHT!" sabay sabay naming sigaw, saka nag puntahan na sa mga pwesto namin.
nang makapwesto na kami lalong lumalakas ang hiyawan dito sa loob ng court
"GO FAYE GO"
"GO FAYE GO"
"GO FAYE GO"
napalingon ako sa buong court at nakita ko pa mga banners ang nakalagay pangalan ko, yung iba naman with pictures ko pa. sarap lang sa pakiramdam na ang daming taong sumusuporta sakin. napangiti ako sakanila lahat at mas lalo pa itong mga nag hiyawan.
nag mag simula na ang game medyo tumatahimik sa loob dahil siguro sa focus sa panunuod nila samin.
habang palitan ng bola ang team ko at ang kalaban, may umagaw ng pansin ng lahat dahil sa isang sigaw.

BINABASA MO ANG
You'll be in My Heart - COMPLETE (EDITING)
RomanceBachelor of Women's Eye Series One (BWES 1) Ryann Clarenz Sebastian Kristin faye Heir Laher Story N/A Guys , pag pasensyahan nyo na! sobrang tagal na itong BOOK ko na ito, pero walang katapusan ang pag eedit ko. kasi hindi ako nasasatisfied. alam ny...