Twenty Five : Yellow

12 4 19
                                    

"Your skin, oh yeah, your skin and bones
Turn into something beautiful
Do you know, you know I love you so?
You know I love you so,"

Coldplay

🎵🎵🎵

Madilim na ang gabi at nandito pa rin kami nila Silena kila Fain.

We were sat on a circle, playing truth or dare, just like teenagers. I suddenly felt like we are still young now, like we are still foolish teenagers bored at whatever life they have.

"Madaya ka! Sa'yo nakatutok, oh? Gusto mo hampasin kita left and right?" Sigaw ni Silena kay Pierce, na pabebeng ayaw pa magpatanong.

Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Silena, dahil nasanay na kami sa kanya na ganyan siya makipag-usap. After all, kami lang ang mga nakakausap niya at saamin lang naman siya ganito.

Si Axel, nakasandal kay Zach habang nagkiclick ng kung ano sa phone niya. Hindi pa siya natatanong, at nagtatampo na si Pierce sa kanya. Wahahaha.

"Nakakainis naman, eh! Palagi nalang bang ako napipili? Kadami nang nangyaring kahiyahiya sa akin ngayong gabi, ah!" Depensa ni Pierce, at tinawanan naman namin siyang lahat.

Unang una ay pinatalon siya ng sampung beses na parang bata. Pangalawa ay nag-truth siya kaya naman tinanong siya kung anong hitsura ng tae niya nung huli siyang tumae. Sumunod ay pinag-act siyang parang bakla until ibang tao na ang napuntahan ng bottle. Tapos naman nag-truth uli siya at pinagsuot naman siya ng headband na parang pang-unicorn habang nakapalda.

At siya nanaman ang naturo. Wahahaha!

Ang posisyon kasi ng upuan namin ay ako, katabi si Malia, then Leroy, Pierce, Zach, Axel, Silena, Fain, at Warren. Oo, katabi ko si Warren, at dahil 'yun kay Zach. Loko-loko, eh. Pero mas okay naman na kami ngayon.

"Madaya kayo!" Pag-whine ni Pierce, and then he pouted.

"Walang maaawa sa'yo, Pierce. Mukha kang bibe," sabi ni Zach, at tinawanan naman namin siya.

"Alam mo si Donald Duck?" Pangdagdag pa ni Warren, at mas nagtawanan kami.

"Lapastangan kayo! Iba naman!" Sabi ni Pierce, at pinalo palo pa 'yung katabi niya, which is Leroy.

"Kawawa naman kasi!" Sabi ni Leroy, na tumatawa. "Baka mamaya hindi na 'to maging bibe, baka maging dalawang plato na pinagpatong na bibig neto," sabi ni Leroy.

"Kuya Leroy naman!" Sabi ni Pierce, na shinove ng pabiro si Leroy.

It was fun, really, pero may naisip ako.

Paano kaya kung nandito sila Archie at Milan? Bakit kaya nila nagawang iwan kami ni Leroy dito?

Sabi nila ay walang iwanan, pero nang kumalat ang video namin nuon ni Wendy ay hindi na nga nila ako pinaniwalaan, iniwan pa nila kami ni Leroy ngayon.

I sighed. Sayang ang mga taon na lumipas na kasama namin sila. Sayang din ang mga iyakan at sikreto na aming pinagsamahan. Pero Archie at Milan, kahit na ganito, sana ay ligtas kayo kung saan mang banda nang New York kayo napadpad.

"Huy, napapano ka?" Tanong ni Malia sa akin, at napatingin din si Silena sa akin. Si Pierce naman, eto at naghahanap ng 'proxy' daw niya sa pagsagot ng truth or dare.

"Wala," sabi ko. Naiisip ko 'yung mga tinuring naming kaibigan pero aalis pala kapag reputasyon na nila ang kasama.

Discontinued Songs [Taglish]Where stories live. Discover now