joana's POV
nakakainis si jake,pinapayagan nya si ray na magsama ng ibang tao eh dapat samin samin lang to,dapat kami kami lang ang magkakasama,ewan ko nga kung bakit pa biglang sumulpot yang si ray kung saan
"ano tapos kana lumamon?"tanong ni venia habang hawak hawak ang cp nya
"oo tapos na,ikaw tapos kana maghanap ng malalandi mo?"sagot at sumbat ko sa kanya
ganyan kami magharutan akala mo nagaaway na kami dahil sa mga pinagsasabi namin sa isa't isa pero walang sakitan ang nagaganap,pero minsan umaabot sa away pag sumosobra na
pumasok muna ako sa tent ko habang naiwan si venia sa labas,hindi nya mabitawan ang cp nya kahit malamig at madilim sa labas
hindi ako mapakali kaya sinubukan kong lumabas pero pag labas ko sa tent ay wala na si venia sa campfire inisip kong nagtatago lang yun para takutin ako kaya sumigaw ako
"venia lumabas ka na nga hindi ito nakakatawa"sigaw ko pero wala parin si venia
ilang beses na ako sumigaw pero wala parin,kinakabahan na ako dahil hindi ko alam kung nasaan sya.
venia's POV
sinubukan kong pumunta sa tabing ilog pero naligaw ako,hindi ko na rin mahanap pabalik sa campsite namin,kinakabahan na ako,pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin
"matawag nga si joana"sinubukan kong tawagin si joana kaso nawalan ng signal,naglakad ako ng naglakad hanggang makita ko sya
meron syang kasamang babae,may pinag uusapan silang dalawa,nacurios ako kaya sinubukan kong lumapit para marinig ko yung usapan nila
"so alam mo na yung plano natin ah"sabi nya,habang naririnig ko ang lahat ng usapan nila ay sinubukan kong i text si joana kaso wala paring signal
"sh*t wala paring signal!"mahina kong sabi sa likod ng damo,nagulat ako ng biglang tumingin yung babae sa tinataguan ko,parang narinig nya ang sinabi ko,sinenyasan siya nung babae at nilabas nung babae yung baril
tumakas ako ng mabagal pero nung malapit na akong makaalis ay nakita nya ako,tumakbo ako at hinahabol parin nila ako
huminto ako nang hindi ko na sila makita,nakahinga ako ng maluwag at naglakad lakad muna ako,nakapunta ako malapit sa bangin at sa ibaba nung bangin na yon ay yung campsite namin,wala akong makita ni isa sa mga kasama ko kaya kinakabahan ako
nagulat ako ng may narinig akong naglalakad papalapit sakin
"narinig mo ba ang usapan namin"sabi nya sakin habang nakangiti
"h-hindi ko narigin,wala akong narinig!"pagpupumilit ko,ginawa ko ang pagsisinungalin ko hangang kaya ko pero walang epekto sa kanila
"alam mo ba kung anong nangyayari sa mga tsismosa?,namamatay sila"sabat ng babae sa tabi nya habang tinututok yung baril sakin
"BAKIT MO TO GINAGAWA,IKAW ANG PUMATAY KAY COBY NO!"sigaw ko sa kanya,tumawa lang siya ng malakas at tumingin sa akin
"so what,hindi naman nya kailangang mabuhay pa,he's just a parasite to me"sabi nya sakin"ikaw ang nakabunot ng 3 diba?"tanong nya sakin
bigla kong naalala yung mga papel na may number,kaya nya pinagawa yun sa amin dahil balak nya kaming patayin isa isa
"kaya mo kami pinabunot ng number para mapatay mo kami isa isa"sabi ko sa kanya
"well it was nice to meet you but this is your last night"sabi nya sa akin habang naglalakad papalapit sa akin
umatras ako hanggang nasa dulo na ako ng bangin,itinapat nya ang kanyang paa sa dibdib ko ng biglang pinigilan siya nung babae
"wait lang"sabi ng babae sabay baril sa dalawang binti ko
napasigaw ako sa sakit at sinipa nya ako sa bangin,hindi ko na alam ang manyayari,ipinikit ko nalang ang aking mata sabay ng pagbasak ko sa lupa
juelyn's POV
Nagising ako dahil may narinig akong bumagsak sa likod ng campsite namin,lumabas ako ng tent ko at ginising ko ang lahat para sabay sabay naming tignan kung ano ang bumagsak nayon
Naunang pumunta si joana para makita kung ano yon dahil may masama syang kutob na baka si venia yon,nung lumapit si joana ay bigla syang napaupo sa lupa habang umiiyak
Nakita niya si venia na walang buhay,may tama ng baril ang dalawa niyang binti at bali na ang mga buto nito dahil sa pagbagsak galing sa taas ng bangin
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko,hinding hindi ko mapapatawad kung sino man ang gumawa neto
Tinignan ni jake kung dala ba ni venia ang cp nya,kinapa ni jake ang pantalon ni venia at nakuha ang cp nya at nakita niya na balak ni venia na i text si joana
Ang huling text ni venia ay "tulungan mo ako joana,nakita ko na ang pumatay kay coby,dalawa sila isang lalake at isang babae,may kasama pa daw silang isa,tulungan mo ako please bago pa nila ako makita"yun ang huling text ni venia kay joana na hindi na send dahil sa kawalan ng signal sa kinaroroonan ni venia bago pa sya mahulog sa bangin
Hindi namin alam kung sino ano pumatay sa kanya at kung anong kailangan nila samin pero sigurado akong lahat kami ay iisa ang iniisip,malalagot ang pumatay sa kanila.
???'s POV
"Sa tingin mo hindi nila tayo paghihinalaan at tatanungin kung bakit wala pa tayo doon hanggang nyan"tanong nya sa akin habang hawak hawak ang baril na ginamit nya kanina
"Hindi nila tayo paghihinalaan dahil alam nilang matagal tayo makakarating doon at malayo ang campsite sa ibaba ng mt.arayat"sagot ko sa kanya habang iniisip kung anong gagawin sa iba
"Ano na kaya ginagawa nong babaeng iyon ngayon sa grupo nya,sana naman tapos na sya,o sya tara na at baka lalo pang magduda yung mga yun kung bakit wala pa tayo"sabi nya habang naglalakad kami pabalik sa campsite
"Kung sino ka mang number 4 ka,sana maghanda kana kasi mas gusto kong paghirapan ka muna bago kita patayin"bulong ko sa sarili ko ng may nakakatakot na ngiti

YOU ARE READING
bloody night
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang magbabarkada na pinatay ng isa sa kaibigan nila dahil lang sa isang malabong pagkakaintinde sa isang hindi makatotohanang relasyon,samahan nyo ako sa isang BLOODY NIGHT!