Joana's POV
Salamat namam na walang namamatay sa amin kahit isa maliban nga lang kay coby ay kay venia
"guys we're back!"sigaw ni ray habang tumatakbo papalapit samin kasama ng mga kaibigan niyang "sketchy" para saakin dahil sa mga ngiti nila na hindi ko makalimutan nung kinausap sila ni cindy, hindi maganda ang pakiramdam ko kapag kasama namin sila, parang may hindi magandang mangyayari kapag nandito sila...
Nilapitan ko si cindi at nagpasama sa tent ko para pagusapan si ray at yung mga kasama nya
"huy cindy hindi kaba nagtataka sa kapatid ni jake at dun sa mga kasama nya?"bulong ko kay cindi
"syempre nagtataka hindi ko lang pinahahalata"sagot naman nya sakin
May sasabihin pa sana ako nang may sumigaw sa labas at mukhang si rhea ang sumigaw
Bigla kaming lumabas para malaman kung ano ang nangyari
kay rhea at syempre paglabas namin ni cindy sa tent ko ay nakita namin si rhea na sumisigaw para lang sa isang daga na tumakbo, minsan nakakabwisit si rhea kasi masyado syang matatakutin tulad nung dati...===flashback===
"wag na tayo dito masyadong nakakatakot!" papilit nyang sabi sakin
"nako masyado kalang matatakutin, wala namang nakakatakot dito puro peke naman yan" sabi ko sa kanya habang hinihila papunta sa next room
(jumpscare comes out)
"*screams then run* ayoko na!!!!"sigaw ni rhea habang tumatakbo papunta sa labasan at habang tumatakbo sya ay lagi syang ginugulat ng mga staff sa horror house
===end of flashback===
Sigaw parin ng sigaw si Rhea dahil sa nakitang daga
"siguraduhin nyong wala na yung daga"kabadong sabi sa amin ni Rhea habang nasa loob ng tent
"parang gusto kong pumunta sa isang bahay na may multo"panakot ni jake kay Rhea
"may nalaman akong kwento tungkol dito sa mt. Arayat eh, sabi nila may bahay daw dito sa mt. Arayat na kung saan may nakakikita daw silang babae na nakatira doon, at ang sabi sabi doon ay kung may mga magtotropa ang tumira, pumunta, tumambay o kaya ay pumasok at manatili doon, isa isa silang mawawala at makikita nalang na patay na"kwento ni ray sa amin at syempre takot na takot si Rhea
"yun pala eh, tara pumunta tayo doon sa bahay na yon!"tuwang tuwa na sabi ni jake habang nakatingin sa amin
"teka hindi naman natin alam yung daan papunta doon ah?" tanong ni ara
"oo nga no, pano tayo makakapunta doon kung hindi natin alam yung daan?" dagdag naman ni cindy
"alam ko ang daan papunta doon" sabi ni jenylyn
Si jenylyn ay isa sa kasama ni ray, medyo nagtataka ako kung bakit at paano nya nalaman kung saang daanan ang papunta doon sa sinasabing bahay ni ray
Niligpit na namin lahat ng mga gamit naming lahat at dumeretso na kami doon sa bahay na sinasabi ni ray
"Guys dito muna tayo huminto napapagod na talaga ako"sabi ni mary gale habang nakahawak kay jake
Huminto muna kami sa isang tabi malapit sa isang lawa kasi marami na sa amin ay pagod na at isa na ako doon
Katagal tagalan, may naaninag kaming mga taong tumatakbo papunta sa amin, sa tingin ko mga 20+ sila
Mary gale's POV
Nagtataka kaming lahat kung bakit sila tumatakbo kaya pinahinto namin sila sa harapan namin
"wait lang bakit kayo tumatakbo? " tanong ko sa kanila
"tulungan nyo kami, may humahabol sa amin na limang taong naka mask na itim" takot na takot na sabi nang babae
"ano yung mga suot nila, ano ano dala nila tsaka babae ba o lalaki" tanong ni jake
"naka full black na attire sila, apat na babae at dalawang lalaki tapos yung tatlong babae may dalang baril tapos yung isang babae tsaka yung dalawang lalaki may hawak na itak" sabi nang isang lalaki
"sige sumama muna kayo sa amin bago pa kayo makita nung mga taong yon" dali daling sinabi ni ray
Sabay sabay kaming nagmamadaling pumunta sa bahay na sinasabi ni ray para doon makatakas sa mga taong sinasabi ng mga nadaan namin
Medyo hindi parin ako nagtitiwala sa mga taong nakasama namin kaso medyo naaawa ako kasi parang nawalan din sila ng kaibigan katulad namin
Siguro naman hindi sila kasama dun sa mga taong pumatay sa kaibigan namin
???'s POV
???: anim kayo tapos hindi nyo man lang kayang pumatay ng 31 eh may mga baril at itak kayo
???: eh kayo nga mas konti yung papatayin nyo tapos dadalawa palang napapatay nyo
Nagpatuloy ang pag aaway ng dalawang kasama ko sa misyong ito hanggang sa dumating yung boss namin
???: hindi kayo titigil...
Napahinto sila sa ayaw nila dahil kay boss na nagagalit dahil sa ingay nila
???: pagtapos nalang ng misyong ito... Saka kayo magpatayan ok
Natapos na ang usapan namin at naghiwahiwalay na kami kasi kaming tatlo ay kailangan nang bumalik sa mga "kaibigan" namin...
YOU ARE READING
bloody night
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang magbabarkada na pinatay ng isa sa kaibigan nila dahil lang sa isang malabong pagkakaintinde sa isang hindi makatotohanang relasyon,samahan nyo ako sa isang BLOODY NIGHT!