grabe sobrang nakakapagod -___-
pero inaalala ko talaga kung ano yung sinasabi ni Nick eh yung habang tulog siya, haha bat ko ba iniisip pa yun? bahala na nga makatulog na may pasok pa bukas
lights off.
Nagring na yung cp ko! pag tingin ko andaming messages tas puro galing kay Nick.
may pa GM GM pa haha ano bakla?
tas
"Goodnight Nicky, sleep well :)"
"Goodmorning Nicky may pasok kaya! Liligawan pa kita bumagon ka na!"
"Breakfast ka na?"
weee? as in. ang kulit tlaga -_____-
hay wag ko na lang replyan, ma off nga ang cp
---
@HU
Nasa Hallway ako papunta sa 1st subject ko,
"Nicky!"
grrr-,- yang boses na yan
"Nicky?! huy! di mo lang man ni rereplyan text ko!"
luh bat kita rereplyan? ano chix?
"Wala akong load!"
palusot na lang para di na humaba pa.
tumingin sya sakin ng masama at biglang kinuha yung kamay ko at hinila ako sabay sabi ng
"Nicky, seryoso ako, ngayon lang ulit ako naging seryoso sa babae simula nung.."
napatigil sya bigla, huh? bakit? tyaka anong seryoso?
"Nung?" tanong ko,
"Wala, sige pumunta ka na sa class mo, text mo skin kung anong last subject mo para sunduin kita"
huh ano daw?
"Susunduin? luhh?"
"Nanliligaw nga ako diba?"
napatitig lang ako sa kanya, ewan ko may nararamdaman akong iba na nakakapanibago sa pakiramdam ngumiti na lang ako sa kanya sabay yuko sabay takbo, hindi ko alam anong nangyayari naguguluhan ako ano ba to -,-
Nick Rafael Ramos POV
ang hirap kausap ng babaeng to buti na lang gusto kita
"Nicky, seryoso ako, ngayon lang ulit ako naging seryoso sa babae simula nung.."
muntik ko ng masabi yung tungkol samin dati ni.... wala na dapat makaalam nun.
"Nung?"
di ka rin chismosa noh?
"Wala, sige pumunta ka na sa class mo, text mo skin kung anong last subject mo para sunduin kita"
"Susunduin? luhh?"
"Nanliligaw nga ako diba?"
Pag sinabi ko sinabi di nako nagbibiro:)
ngumiti sakin? kinilig? haha ang cute nya talaga
..
...
..
nagkita kami ni Kim sa canteen at sinabi nya sakin na
"Nick? Diba ngayon yung death anniversary ni ano?"
ay oo nga pala dadalaw pala ako mamaya kaso susunduin ko din si Nicky sasama ko na lang siya
..
...
..
"Nicky ano na?"
"Nicky reply naman"
tsss mag aantay na nga lang ako mamaya malapit sa gate .
Nicky Hermosa
ano ba yan vibrate ng vibrate yung phone ko,
fr: jane
"Bes ma lalate ako ng uwi ah may gagawin lang, wag ka mag alala di kalokohan bwisit prof namin eh ang arte hehe ^_^"
fr:Kupal
"Nicky ano na?"
"Nicky reply naman"
ehhh tss manigas ka! di purket ngumiti ako kanina papasundo nako sayo
..
.
bigla na lang may tumabi sakin. Si Nick pala -_-
"Nicky tara may pupuntahan tayo alam kong may gusto kang malaman sakin eh kaya sasabihin ko sayo pero hindi dito"
daming arte
"eh san?"
"basta tara na"
sabay hila sakin papasok sa kotse nya.
....
..
..
"Sa sementeryo???? Multo ka ba? HALA?!"shet ano bang meron sa kanya??? ihhh o.o :3
"Hindi, may papakilala lang ako"
hala goosebumps!!!!
"Si Stephanie Gonzales"
huh? sino sya? sya ba yung nasa panaginip nya na "ste..."??
"huh? kaano ano mo siya?"
"bestfriend ko na patago kong minahal"
ay weeh? parang di kapanipaniwala sa muka nyang tarantado eh may tinatago pala to.
"ayy"
at nag kwento sya about kay stephanie
"May sakit si Steph sa puso kaya sya namatay, hanggang dun lang talaga sya at nung papikit na yung mata nya na alam mo ng magpapaaalam sya eh yun yung pinaka araw na hindi ko malilimutan yun yung day na nagsisisi ako bat di ko man lang nasabi na mahal ko siya, tinulungan lang ako ng parents ko mag move on kaya mejo tarantado nako"
may mala mmk pala na istorya tong si mr kupal, hinimas ko na lang yung likod nya at nginitian sya
"Pero ngayon sinama kita dto kasi papakilala kita, STEPH si NICKY ang ganda nya noh? Wala akong ka alam alam na pumunta lang ako ng Mcdo may nabunggo lang akong isang babae at yung babaeng yun, yun pala yung mag bibigay sakin ng ngiti tulad ng binigay mo sakin pero mas higit na ngiti yung binigay nya dahil kahit sobrang sungit nya ayoko pa rin syang tigilan, tulungan moko sa kanya ah?"
hala? ano yung mga sinasabi nya, yumuko na lng ako kaso pag yuko ko, inangat nya yung ulo ko at tinitigan ako at sinabing
"Nicky maybe sa unang kita natin badboy agad ako sayo pero pagdating sa mga ganto tumitino ako, seryoso ako manliligaw talaga ako"
parang nagstop yung mundo ko parang may naramdaman ako na di ko pa nararamdaman dati.
"Sige, pumapayag nako"
eh yun eh napapayag ako eh
"Hatid na kita, babye muna tayo kay Steph, Babye steph"
nakijoin din ako
"bye:)"