i

547 15 3
                                    


Dear J,

             Naalala mo pa ba noong nag-moving up na tayo? Sobrang saya ng batch natin, pero may halong lungkot din kasi magkakahiwalay na tayo ng landas pagkatapos. Buong moving up ceremony ay hindi kita maka-interact nalungkot ako kasi baka hindi na kita maka-usap bago pa maghiwalay ang mga landas natin. Mawawalan na sana ako ng pag-asa pero pagkatapos na pagkatapos ng ceremony ay ikaw ang bumungad sa akin. Binati mo ako at binati rin kita sobrang saya mo at nakikita ko ang kinang sa mga mata mo. Pero ang ikinagulat ko ang pagyakap mo sa akin sa huli. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Dinagdagan mo pa ng sabibin mo sa akin ang mga katagang ito “Mamimiss kita.”.

Ang babaeng mamimiss mo,
J.

Letters for J Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon