📼

767 25 7
                                    


Pagkatapos ng letter na iyon ay may nakita akong CD. Agad ko naman itong nilagay sa CD player namin.



At doon ko nakita siya.

"Hi J!" sabi niya at ngumiti




Napansin ko rin na puro puti ang walls na pumapaligid sa kanya. Nasa hospital siya?




"Nagulat ka siguro na ako yung nagsulat ng mga liham na binasa mo."




"At ngayon ay sasagutin ko ang tanong na nasa isip mo ngayon. "





"Well na-explain ko naman lahat sa liham yung tungkol sa sakit ko diba?"





At sa pagsabi niya sa mga salitang iyon ay may kumurot sa puso ko.





Bakit ngayon mo lang pinaalam?






"Pasensya ka na at ngayon lang ayaw na kitang gambalain pa sa pag-aaral mo. Nakita ko kasing desedido kang maging isang businessman kaya ayaw ko naman na ma-drag ka pababa."






Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha galing sa mata ko.






"At bago ako mawala sa mundong ito..."





Hindi, hindi ka pwedeng mawala.




"Gusto kong malaman mo na... mahal kita."

At doon nagsimulang bumuhos ang mga luha na pilit kong pinpigilan.






"Mahal kita simula highschool pa. Kaya ko nga pinagtitiisan yung mga kakulitan at kabaliwan mo." sabi niya at tumawa nakitawa naman din ako sa kanya.






Kaya nga kita kinukulit kasi mahal kita.


"Ngayong alam mo na." napatigil siya at umiyak.






"Huwag kang maawa sa akin ha, alam ko namang wala akong pag-asa sa iyo eh." patuloy niya habang umiiyak.





Napailing ako sa kanya maling-mali ang akala niya.





"J, favor naman dyan oh, humanap ka ng babaeng magpapasaya sa'yo at mamahalin ka ng lubos." sabi niya at ngumiti habang tumutulo pa rin yung mga luha niya.







"Huwag kang mambabae ah wala ako dyan para sawayin ka kung gagawin mo yan after mong mag-graduate." sabi niya at tumawa ng mahina.






"Salamat sa lahat J. Salamat dahil napasaya mo ako at dahil kinaibigan mo ako. Salamat talaga ng marami sa iyo."





"Sana maging masaya ka ha. Kahit na mawawala na ako sa mundo, sana maging masaya ka pa rin. Magpakatatag ka rin at ituloy mo yung mga plano mo ha. Pasensya na at hindi matutuloy yung plano nating maging business partners."





Bumuhos ulit ang mga luha ko.





Hindi, hindi pwede sobrang lala na ba ng sakit niya?






Isang tunog na paulit-ulit na galing sa machine ang kumuha ng atensyon ko.






Tumingin naman siya doon at ngumiti.






Hindi-Hindi!







"Paalam na J. Mahal na mahal kita." sabi niya at kumaway.






"H-hindi!"







"Mahal din kita J."


Letters for J Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon