Chapter One: He was my

823 14 2
                                    

"Gie~ Anong gusto mong pagkain?" tanong saakin ng kuya ko. Lumabas kaming dalawa dahil off niya naman at wala akong ginagawa, saka, nag tatampo narin ako kasi matagal ko na siyang hindi nakasama. Kaya libre niya ngayon! 

"Gusto ko yun, yun at yun!" tinuro ko yung donuts, ice cream, at palabok. Nginitian ko siya at nag hanap ako ng mauupuan namin. Madami din kasing tao dito, fast food kaya to. Aaminin ko kahit mayaman kami ay hindi kami katulad ng iba jaan na iinom lang ng tubig ay sa restaurant pa kukuha o iinom. Hindi kami mapili sa kung anong kinakain namin, saka hindi rin kami maaarte. 

Pinalaki kami ng ganito ng mga magulang namin. Na kahit mayaman ay wag mag yabang dahil baka malasin kami. Mahirap lang din naman kasi sila mama nung bata sila. Nag pursige lang si Dad na mag trabaho hanggang sa marating na niya ang pwesto niya ngayon. Ganun din si mama, si mama ay isang sikat na model. Gusto ko rin sana kaso baka maapektohan ang pag aaral ko kaya next time nalang.

Maya maya ay dumating narin sawakas si Kuya kasama ang mga pagkain. Kinuha ko iyon at kinagat ang donut kasabay nun ay kinain ko rin yung ice cream. Natawa saakin si Kuya, "hindi ka naman gutom niyan ano?" inirapan ko nalang siya at nag patuloy sa pag lamutak ng pagkain. 

Si kuya naman ang kinakain ay  pizza. Gusto ko rin non! bakit kaya hindi ko siya nakita nung pumipili ako?? Tumingin saakin si kuya ng mapansin niyang hindi ako kumakain. "Gusto mo?" nilapit niya saakin yung pizza at kakagatin ko na sana ng bigla niyang ilayo kaya na pa aray ako kasi nakagat ko ng matindi yung teeth ko. 

"ARAYYY! Zie! naman eh!" napahawak ako sa bibig ko sa sakit. Nakakainis! dapat pala hindi ako nag pauto sakanya! Che! Ay oo nga pala, Zie ang tawag ko sakanya himbis na kuya. Zie for short ng Azie. 

"Ang cute cute mo talaga bunso!" pinisil pisil niya yung pisngi ko pero inalis ko yun at tumawa siya ng tumawa. Tss, sana mabilaukan ka jan! 

"Pagkatapos nito, saan mo gustong pumunta?" tanong niya habang kinakagat yung pizza na mauubos na. Hindi talaga ako binigyan! 

"Sa...hmm.... ahh! Sa trabaho ni mommy!" ani ko. Tumango tango siya sa sinabi ko at tinawagan si mommy. 

"Wag!" sigaw ko kaya napatigil siya. "Bakit?" tanong niya. Buti nalang at hindi mabilis sumagot si mommy pag may trabaho siya, busy kasi yon eh. 

"Wag mong tawagan si mommy! Suprisahin natin siya." suggest ko. Napa -ahhh- siya tapos ni-cancel niya yung tawag. Napaisip rin ako, kung bigyan kaya namin siya ng regalo? hmmm.. 

Flower nalang kaya? "Zie! bilhan natin ng flowers si mommy?" nakangiti kong suggest sakanya. Ginulo niya yung buhok ko at tumayo na kami. Naubos ko na yung Donut at palabok ko kaya yung ice cream ang dinala ko palabas. 

Nakarating kami sa flower shop at naghanap ako ng babagay kay mommy, hindi ko alam yung favorite niya eh. Baka si zie alam niya? "Zie, alam mo ba yung favorite ni mommy na flowers?" tanong ko. 

"Hm.. sa pag kakaalam ko lagi siyang merong roses sa kwarto nila dad." sabi niya. Kaya binili namin yung roses. Saka kami umalis na sa mall at nag byahe na kami papunta ng trabaho ni mommy.

Pagkapunta namin doon ay hinanap namin kung nasaan siya at buti nalang at nakasalubong namin yung ibang mga staffs. Kami pala ang mayari ng companiyang ito. Sinabi nila na nasa dressing room na ito. Nag punta kami doon ng walang katok katok pero dahan dahan ang pag bukas. 

"Lenny, tawagan mo nga ang dalawa kong anak." sabi ni mommy sa manager niya at tinawagan ang cellphone ko kaya gumawa ito ng ingay. Napatingin sila mommy sa pintuan at nagulat ng makita kaming nandito. Tumayo siya at sinalubong kaming dalawa. 

"Nandito pala kayo! hindi niyo manlang sinabi saakin!" hinalikan niya kami sa pisngi at hinila ako ni mommy sa sofa. Ngayon ko lang napansin na merong kasama siya sa loob. Meron dalawang mag asawa na matanda tapos merong isang lalaking nakatalikod at mukhang bata pa. 

"Andres, ito nga pala ang anak ko. Si Azie ang nakakatanda." sabi ni mommy at nag mano si Zie sa dalawang matanda. 

"At ang bunso ko nga pala, Si Angeline." ani mama at lumingon yung lalaki saakin at nagulat ako ng makita ko muli siya. 

Nagulat din siya at nanlaki ang mga mata. Bakit siya nandito? Nag panic ako pero hindi ko pinahalata. Masyado naman atang unprofessional iyon lalo't nang nasa harapan pa ako ng mga magulang niya. 

Bakit hindi ko sila natandaan? Ahh.. hindi nga pala niya ako pinakilala sa mga magulang niya. 

Napayuko ako ng maalala ko iyon. Pero inangat ko ulit ang ulo ko para mag beso sa magulang niya. 

"Andrei! tumayo ka." utos ng dad niya sakanya. Tumayo ito at ngumisi ito saakin. 

"Long time no see, Angeline." pag kasabi niya non ay nag taasan ang balahibo ko. Nag lahad siya ng kamay at kinuha ko yon para mag hand shake. 

"L-long time no see din, Drei." sabi ko at nginitian niya ng pilit. 

Biglang tumahimik ang paligid at nag katitigan pa kami ng matagal ni Drei, pinag papawisan ako sa mga titig niya. Para niya akong tinutunaw. Tumikhim si mama at binasag ang katahimikan. "S-so, Andrei, Angeline, mag kakilala pala kayo?" tanong ni mama at pinaupo kami sa sofa kaharap nila Andrei. 

"He was my----" i was cut of by Andrei. 

"We were classmates." sabi niya at napatulala ako sakanya. Ah... 'Classmates' yun na pala ang tingin niya saakin? We were classmates... napangiti ako ng mapait. I see. I was about to say.

He was my boyfriend.

 -- 

A/N: let's stop it here, next chapter are their flashbacks.

VOTE COMMENT AND FOLLOW ME ♥

XOXO

SQUISHYDYO

Bad Boy's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon