Chapter ~ 17 Date 02

1.1K 32 5
                                    


"Waaaaaahhh!! Diana Zara gusto ko pa mabuhaaaaay!!!" Sigaw ni Granite habang naka sakay sila ng dalaga sa roller coaster.

Marami na silang nasakyan na rides mula pa kanina. Pero ito yung pinaka buwis buhay para sa kanya.

Marami syang iniisip. Baka masira ito. O baka naman tumigil ito sa mismong pinakamataas. Ayoko pang mamatay bata pa ko at sariwa.

"Come on dun naman tayo. " walang emosyon na sabi ni Diana Zara.

Palagi syang ganon lahat na sakyan nilang rides walang pinakitang emosyon ang dalaga. Ni hindi nga ito sumigaw o natakot man lang. Pero sya parang nang matatae sa upuan kanina para na nga syang mauubusan ng boses kakasigaw mula pa kanina.

"Ayoko na pagod na pagod na ko. Balak mo ba kung patayin sa mga rides na yan. Aatakihin na yata ako sa puso. "Humarap sa kanya ang dalaga at tinaasan sya ng kilay.

"Ayaw mo na? "

"Oo ayoko ko na. Umamin ka nga balak mo ba kung patayin para di matuloy ang kasal natin. Sabihin mo nalang hindi itong pinapahirapan mo ko kasi pwede namang kausapin ko si gramps eh."

"Pano kung ayoko?  And what are you talking about?  Kung gusto man kitang patayin sana matagal na diba?  I have many chance to kill you pero di ko ginawa. " lumapit sakanya ang dalaga at hihilahin nanaman sya ng yumakap sya sa poste na parang bata.

"Baka gusto mo lang na dahan dahanin ang pagpatay sakin. " dahil dun maraming mga tao ang nakatingin sakanila. Parang nakakita sila ng isang gwapong binata na asal bata at isang magandang dilag na asal siga.

"You're such a pain in the ass. Stop talking nonsense stupid Aragon. " mas humigpit ang yakap ni Granite sa poste na parang unggoy.

"Yoko na ble! Hindi mo ko maaalis dito ." Mukhang nagtitimpi lang si Diana Zara at bumuga ng hangin at bumulong sa kanya.

"Pag ikaw hindi sumunod sakin puputulin ko yan. "Sabay tingin sa ilalim.

Mabilis namang tinakpan ni Granite ang alaga nya. Kaya nakabitaw sya sa poste. Kaagad naman syang hinawakan sa braso ng dalaga at tinangay papunta sa ferris wheel.

"Mamaya mag hugas ka ng kamay. Kung saan saan kasi yan humahawak. " sabi ni Diana Zara sabay tingin ulit sa ilalim nya.

"O-oy malinis yan noh 24/7 ko yan pinapaliguan. " depinsa nya.

"Tsk! Shut up Aragon kung hindi itutuloy ko talaga ang banta ko kanina. " seryosong sabi ng dalaga sa kanya at na una nang sumakay sa ferris wheel.

"I-ikaw naman ang bilis mong magalit chill lang okay?  Hehe"

Umupo sya sa tabi ng dalaga at nilagay na sa kanila ang isang bakal sa harapan bilang lock.

Nang mag umpisa ng umandar ang ferris wheel ay humigpit ang kapit nya sa bakal at ipinikit ang mga mata. Nang may naramdaman si Granite na isang mainit na bagay sa kamay nya.

"Open you're eyes idiot " nang minulat ni Granite ang mga mata  una nyang nakita ang magkahawak kamay nilang dalawa ni Diana Zara.

Napatingin sya sa dalaga na seryosong nakatingin sa paligid.

"Huwag ako ang tingnan mo baka hindi mo na makita ang highlights. "
Tumingin na rin si Granite kung saan naka tingin ang dalaga.

"Sunset. " tanging sabi nya.

Napakaganda nun. Hindi nya pa nakita ang sunset sa buong buhay nya.

"Alam mo ba kapag lumubog na ang araw sa tubig may makikita kapang maganda? " makahulugang sabi ni Diana Zara.

"Huh?  Ano naman yun? " ngumiti naman ang dalaga at tumingin sakanya.

"Just watch. " sabi nito kasabay nun ang paglubog ng araw.

"3,2,1" pagkatapos sabihin ni Diana Zara yun ay ang pag sabay sabay na pag ilaw ng mga makukukay na ilaw sa paligid.

"Wow ang ganda.  P-pano mo nalaman na iilaw ang mga yun? " mangha nyang sabi at di matanggal ang tingin sa makukukay na ilaw.

Nagkibit balikat lang ang dalaga at tumingin sakanya ng seryoso.

"Thanks for this night Aragon." Kumunot naan ang noo nya at tumingin sa dalaga.

"Huh?  Wala naman akong ginawa ah-" napatigil sya ng hawakan sya ng dalaga sa magkabilang pisngi at hinalikan sya sa labi.

*tsup*

Kasabay nun ang pag putok ng mga fireworks sa paligid nila.

Nanlalaki ang mata nya sa sobrang gulat parang na estatwa sya sa kinauupuan nya at di maka hinga.

Nanghumiwalay sa kanya ang dalaga ay may pilya itong ngiti sa labi bago mag salita.

"Now you're mine. " teka familiar yun ah. Parang narinig ko na yun kung saan.

The Brutal and Cold Legendary Gangster Queen Is My Wife 😱😨Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon