Bestfriend V

519 8 0
                                    

Bestfriend? Wait sila ba yung pag pumupunta ng bahay nyo dire-diretso na lang? Yung tipong akala mo sila yung may bahay tapos ikaw pa yung mahihiya? Sila ba yung kunwari sasamaham ka sa clinic at akala mo concern sayo yun pala gusto lang makatakas sa klase? Buhat pa nya yung bag mo yan pero paglabas dala pala ang cellphone tapos yun ang hawak hindi ikaw. Sila ba yung demanding sa mga bagay bagay? Yung tipong sila na nanghihingi o nanghihiram sayo manlalait pa? Sila ba yung bigla bigla na lang dadampot pag may kinakain ka? O kaya alam mo na agad kung sino ang kumuha pag may gamit kang nawala? Nice. Kung ganyan ang kaibigan mo, TUNAY yan hindi lang halata. Libro eh...

Haykapal

Bestfriend QuotesWhere stories live. Discover now