"Brad? Tara na." Natinag ako sa malakas na sigaw ni Jk. Nakangiti naman akong akong sumunod kay Kai.
Pagpasok namin sa sinehan ay hindi pa nagsisimula ang palabas. Ang ayos ng upuan namin mula kaliwa ay Ako, si Kyline, Hanna and Jk. Nalaman ko kay Jk na Hanna pala ang kasama ni Kyline na sya ring bestfriend nya.
"Oh? Ano nginingiti-ngiti mo dyan?" Tanong ni Kyline ng mapansin nyang nakangiti ako sa kawalan. Nagpakawala ako ng matamis na ngiti pagharap ko sakanya
"Nothing, Masaya lang ako." Kumunot ang noo nya.
"Hah? Masaya? Saan naman eh hindi pa nga naguumpisa yung panunuorin natin." Natatawang sabi nya
"KyRren." Nakangiting sabi ko at bumalik sa pagtulala. "Nice name. Yun ang nakapagpapangiti sakin ngayon." Nakita ko syang natigilan ngunit agad ring bumawi at parehas na kaming nakangiti habang nakatingin sa Screen.
"Hindi ko inaasahang ganyan ang magiging reaskyon mo." Natatawa na nanamang anas nya. "Grabe natutuwa nanaman ako." kita ko ang saya sa kanyang mga mata ng magtama ang paningin naming dalawa.
"Hindi ko kasi talaga inaasahan to. Grabe, Naisip pa nila yun? KyRren? Hmmm... Kyline and Darren? Sounds good" Natahimik na kami matapos nun dahil nagumpisa na ang panunuorin namin.
Hindi ako makapagfocus sa pinapanuod ko sa totoo lang, hindi parin ako makapaniwala sa post ni Kai sa IG na umabot ng thousands of like, comments and share. Picture namin yun pagtapos ng performance ko sa TVK kung saan kasama sya.
A/N: Look at the multi-media to see the photo 😍💚💛
Ano kayang nararamdaman ni Kyline nung I-post nya yun at nakita nya mismo ang dami ng nagshare and like nun? Grabe wala akong masabi sa pagmamahal na binibigay ng mga taga-suporta ko. Taga suporta namin.
Pagtapos ng pinapanuod namin sa sinehan ay lutang parin ako. Hindi ko Alam kung saan ang Punta namin basta sumusunod lang ako sakanila. Maya-maya pa ay nabunggo ako. Pagtingin ko ay tinatawanan na ako nila Jk, Hanna ay Kyline.
Shit Darren! Ang clumsy mo kasi!
Sabi ko sa sarili ko. "Yes brad? Ang lalim ng iniisip mo ah?" Natatawang sabi ni Jk. Binigyan ko naman sya ng Shut-the-fvck-up-look bigla naman siyang umiwas ng tingin.
"Are you okay bruh?" tanong ni Kyline.
"Yeah, So san na tayo ngayon?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Pwede bang kumain muna tayo? Nagugutom kasi ako eh." Hanna
"Sure thing. After that mag-arcade tayo, Ang tagal ko ng di nakakapag-arcade" Si Jk naman
"Bukas na ba yun? Ang aga pa kaya." Singit ko "Pero agree din ako hindi na rin ako nakakapag-arcade. Kapag maggrogrocery naman ako patago, Kailangan naka disguise at late na masyado. Hayyyy ang hirap pala talaga mag-artista no?"
"Totoo yan, bawat galaw mo limitado. Sa gala mo kailangan may kasama kang manager mo." sabi ni kyline
"Omg wag nyo nga pagusapan yan sa harap ko, Na-o-op ako eh hahaha" Sabi ni Hanna. Maya-maya pa ay nasa isang fastfood na kami. Nagulat yung mga crew pagpasok namin. Syempre tulad nga ng sinabi ko, artista kami at kahit pa sabihin namin na tao lang rin kami tulad nila eh hindi naman yun maiiwasan.
Hindi pa man kami nakakalapit sa mismong counter ay lumapit na ang mga crew at nagpapicture saamin. Nakakatuwang tignan na imbes pagalitan sila at suwayin ng manager ay nakagulo din ito sa mga crew. Matapos nila makapagpapicture ay lumapit saakin ang manager nila.

YOU ARE READING
What they know
Fanfiction"Ano nga ba ang alam ng mga taong nakapaligid satin? Ano ba ang alam nila sa nararamdaman ko? Alam ba nilang ganto ang nararamdaman ko? Tama nga ba ang nalalaman nila? How did they known na tama ang nalalaman nila? Yung nalalaman ba nila ay sapat na...