Chapter 37B: His mind

35 2 0
                                    

A/N:

Thank you po talaga sa nagbabasa ng Top 3 crushes :)

------------------------

Kristoff's POV

Halos kanina pa ako naghihinta dito.Napansin ko ngang nandito rin sina Aria.Gustong-gusto ko siyang kausapin pero wala eh magiging panggulo lang ako sa kanya.Masaya na siya kay Miguel.Hindi na rin ako siguro pupunta sa party ni Lyra sigurado namang nandun yung dalawang yun.

Nang napansin kong tinitignan ako ni Aria,nagkunwari akong may kausap.Talgang nakalimutan na ako nito,hindi niya rin ako kinakausap.

Ilang minuto pa at dumating na ang taong hinihintay ko.

"Ummm...sorry late ako."

"Ok lang Belle." Pagkaupo niya,nawala na rin sila Aria.

"Kris,i'm sorry once more."

"Bakit?" Tinignan ko siya at mukhang pa-iyak na siya.

"I- I practically told Aria to stay away from you or else, or else hindi namin kayo tutulungan sa business."

"What? Bakit mo ginawa yun?" Pilit kong hinihinaan ang boses ko.

"Kasi alam kong ikaw ang gusto niya at gusto mo siya.Kaya ilang beses ko siyang sinabihan na lumayo sayo.Kung ano-ano na ang sinabi ko sa kanya at oo nga,lumayo siya sayo but-"

"Belle,alam mong mahal kita pero bilang kaibigan.Sinubukan ko pero wala.Hindi mo pa rin dapat ginawa yun sa amin."

"Alam ko kaya nga,nag-sosorry na ako.Napagod na rin akong maghintay sayo,alam kong siya naman talaga ang nasa puso mo." Hindi ko rin magawang magalit masyado sa kanya,mas naawa pa ako dahil tama siya.

"Pero alam mo,wala na ring magagawa ang sorry mo.Mukhang si Miguel pa rin ang gusto niya."

"Kris,mahal ka niya.Nakikita ko na hanggang ngayon ikaw pa rin.Kaya siya lumayo dahil mahal ka niya,hindi agad agad napapalitan yun."

"Sana nga."

Tumayo si Belle at ngumiti. "Sana talaga maging maayos ang lahat sa inyo,sana mapatawad ako ni Aria."

"Paano ka?"

"I think i need a vacation... And wag ka mag -alala about sa business niyo.Business is business,hiwalay siya sa personal.Naging mabuti ka ngang kaibigan sa akin kaya i feel guilty sa nagawa ko.I'm deeply sorry Kris."

-

Kanina pa ako lakad ng lakad sa kwarto ko.Napansin ko ang picture namin noon ni Aria.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Paano kung talagang gusto niya,pero bakit hindi niya man lang naipaglaban yon.

Paano kung si Miguel naman ang makakapagpasaya sa kanya?

Paano kung si Miguel ang karapat dapat para sa kanya?

Ang dami kong tanong sa sarili ko,kailangang kong malaman kung ano ang totoo.

Kailangan ko siyang makausap bukas,kahit anong mangyari.

------------------

Thanks

Vote

Comment

Top 3 crushesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon