Chapter 9 - Not bad at all

122 24 0
                                    

Aika's Pov:

"Oh, Nasaan na yung mga yun? Sabi nila andito lang sila sa Starbucks?" kanina pa ako ikot ng ikot dito pero walang Selene, Mikay o Sab na nagpakita.

*Hey! Tumatawag si Prettyyy Mikay! Sagutin mo Babaeng tao!*

Believe it or not, personal ringtone yan ni Mikay. Lahat kami ginawan ng ganyan ni Mikay. Hanep sa kakulitan rin yung isang yun.

"Nasaan na kayo? Kanina pa ako paikot ikot dito, hindi ko naman kayo makita. I'm really tired na."

"Right here, dumb head hahaha." biglang nagpakita sa likod ko mga babaeng tao.

"Nakakainis kayo ah. Tinaguan niyo lang pala ako. Takte."

"Uwi na tayo for sure hindi na ata babalik si Kath. Nag date na ata sila eh." pag katapos nila ako pagurin at pag taguan dito. Hindi man lang nila ako pag pahingahin or hintayin man lang na mag order ako ng inumin. Mabait talaga mga kaibigan ko.

"Hold on. Someone's calling me with an unknown number." -selene

"Sagutin muna kaya. Tagal lang ah." sab

"Excited much Sab? Saglit, eto na nga diba. Kung makapag-utos tong si Ztar haha." sabay behlat ni Selene kay Sab. Tawag kasi ata yun ni Edward sakanya. Bully talaga 'tong si Selene.

"Hello, may I ask who's calling?"

Nakakatawa naman tong si Selene. Nagenglish pa para kunwari sosyal.. Lakas ng trip :D

"Oh sure. Kindly tell her nalang na mauna na kami. At pupunta kami sa bahay. Ikaw na bahala sa bestfriend namin ah? Thanks!"

"Sino yung tumawag?"

"Si Daniel ang tumawag. Sabi niya, mag dadate muna daw sila."

"Oo nga nakakakilig. Tapos mamaya magkatuluyan sila. Omy! A guy that is allergic to girls while a girl who hates being in a serious relationship and also hates boys." -mikay and sab

"Hah? Sila na talaga? Bakit hindi naman nasabi saatin ni Kath. Impossible, hintayin nalang muna natin na sabihin ni Kath ng personal."

"Oo nga naman. Never pa naglihim yun about love or boys. And kahit na ganon, nasaktan na si Kath dati, fragile na damdamin niya."

"We should protect her alam niyo naman kung ano nangyari nung nagbreak sila ni toot diba? Mga kabaw na ata kayo. Psh, Sayang ang ganda niyo pa naman haha"

"Che! Pabayaan muna natin sila. Malay niyo naman na mabait yang si Daniel. Na mapatino ni Kath yang si Daniel or vice versa haha. Basta dapat andyan tayo for her, and in case of emergency."

"Oh. Since Aika told us to just let it be for the mean time. Party at my House , mga babaeng tao!"

"YEY! SURE! Leggo!"

Hindi parin naalis sa isipan ko si Bryle. Sana naman destiny ako naman ang tulungan mo.. I wanna see Bryle again.

Nagiging selfish na ata ako. Tss. Nevermind, minsan lang ako maging ganito. Pfft

OFF TO SELENE'S CRIB! IT'S PARTTTEEEEYYY TIME!

----------------------------------------------------

Kath's POV:

"Ano ba problema mo? Hindi naman tayo! Hindi nga kita masyado kilala eh! Bitawan mo nga ako."

Kainis tong lalaking 'to. Hindi naman kami close. Feeling close siya. Epal lang diba, readers?!

"Alam mo naman pangalan ko, ano pa ba gusto mong malaman? Atsaka pasalamat ka nga kasi kasama mo ang isang gwapong katulad ko. Tignan mo nalang ang mga tao sa paligid natin. Lalo na yung mga babae na nakakasalubong natin. Maraming may gusto na makasama ako at makausap ako."

I guess I'm in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon