Chapter three
Monday came. Ngayun ang pinakahihintay ng halos lahat ng estudyante ng LIS dahil ngayung araw babalik ang ultimate heartthrob ng campus. Tss!
Kasabay kong naglalakad si Shirley papasok ng classroom. Wala si Lyka kasi alam nyo na... hinihintay nya ang BOYFRIEND nya.
" Natulog ka ba?! Mukha kang zombie'ng naglalakad. Walang kabuhay-buhay " - nagsalita si Shiley sa tabi ko.
Hindi kasi ako nakatulog kagabi sa kaiisip kung anong mangyayari ngayung araw. Hindi ko alam kung pano sya haharapin kung sakaling magkita kami. Wala kasi syang alam na may gusto ako sa kanya at nakita ko ang ginawa nila ni Lyka sa kubo.
Umupo kami ni Shirley sa aming mga upuan at maya-maya lang ay nagsimula na ang tilian.
" Oh my Ghadddd! You're really back Lance my loves! "
" LAAAANNNNCEEEE! KYAAAAAAAAHHHH!
" I LOVE YOU LANCE MICHEAL! "
" LOOK HERE LANCE!
" OMG! NGINITIAN NYA AKO!!! KYAAAAHHHH!! '
Samu't saring mga hiyawan tilian ang aming mga narinig. Sa tingin ko nga ay kami lang ni Shirley ang naiwan sa lahat ng classroom. Lahat ng estudyante ay lumabas upang makiusyoso pati na rin ang mga classmate namin. Si Cj at Xander? Ayun, kasama ng hinayupak na si Lance. Si Aliyah naman ay nakisali sa mga nagtitilian sa labas. Kasali sya sa mga over-reacting na mga babae. Palibhasa'y wala syang alam. Bago lang kasi sya sa barkada at di ko feel magsabi sa kanya ng mga sikreto.
" Magiging kaklase kaya natin sya? "- biglang tanong ni Shirley.
" Matalino si Lance, Ley. Kaya paniguradong magiging kaklase natin sya, ulit! "- sagot ko.
" Oo nga pala. Pano yan bes? Pano mo sya pakikisamahan? Magiging cold ka ba? O di naman kaya casual? Ano? "
" Maybe casual, cold, and silent? "
Natahimik kaming dalawa ng pumasok ang isang grupo ng mga kalalalakihan. At kasama na dun si Cj......at Lance.
Nagkatinginan kami ni Shirley. Parehong hindi alam ang gagawin. Funny right? Nung wala sya, grabe ako kung makapagsalita tungkol sa kanya tapos ngayun, halos di ko alam ang gagawin? Tch!
Ngumiti sya ng magkatinginan kami, pero agad rin naman akong nag-iwas ng tingin.
Bumuka ang bibig nya para sana magsalita pero natigil sya ng may nauna na sa kanya.." Lance! "- sigaw ni Lyka mula sa labas. " Oh my Ghad! I missed you so much! "- habang nakayakap sya rito.
Tsk! Ang Landi! Nakakainis!
Imbis na makiusyoso ay tumayo ako para lumabas. Hindi ko kayang tumagal dito habang tinitingnan silang magharutan sa harap ko.
Naglakad ako palabas at nagtungo sa tambayan. Agad namang sumunod sakin si Shirley. Mahal talaga ako nitong babaeng to eh! Di nya ako maiwan.
" Oh? Bat ka umalis? Akala ko ba okay ka na? "- patutsada nito na akala mo naman mali na yung ginawa kong pag-alis
" Lumabas ako dahil baka magkasiksikan sa loob. Alam mo naman yun, maraming fans, maipit pa tayo. " -palusot ko.
" Tss. Alam mo, ikaw na ang Miss Indenial ng taon! "
" Whatever, Shirley! Bat ka pa kasi sumunod dito huh?! "
" Sinundan kita because Im a true friend "- saad nito saka tumabi sa akin.
SHIRLEY DIANNE VILASCO. A 16 year-old young lady who has a big doe eyes and straight long hair unlike me na kulot ang dulo. She's morena na bumagamay naman sa kanya. And she's a very, very good bestfriend.
We stayed there for almost thirty minutes. Pagkabalik namin ng classroom ay naabutan namin ang nagtutumpukan naming mga kaklase.
Hindi ba sila nagsasawa sa kakalapit dyan sa Lance na yan? Kasi ako, kanina pa naiimbyerna! Tsk.tsk.tsk!
Hindi rin nagtagal ay dumating na ang teacher namin.
" Good morning class. Especially to you, Mr. Agustine "- bahagya pa itong nagpacute. Pati ba naman teachers?! Haiiiissssst!! Iba din talaga tung si Lance eh noh? Makabilib talaga ehy!
" Good morning too, maam " - bati nila maliban sa akin.
After two hours, natapos rin ang klase namin. Nililigpit ko ang aking mga gamit ng may nagsalita sa aking likuran.
" Hi, May! "- bati nya.
Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng pangalan na yan.
Nilingon ko sya at nakumpirma kong tama ako.
" I told you to stop calling me that, Mr. Agustine. "- cold kong sabi sa kanya. Paalis na ako ng magsalita sya ulit.
" Oh relax! Galit ka na ba nyan? "- biro nya pero wala akong time na makipagbiruan sa kanya.
" Tss. " - iyan nalang ang nasabi ko saka ako lumabas. At ang baliw na si Shirley ay nakasunod lang sa akin together with Aliyah. Si Cj at Xander ay kina Lance na sumabay, and probably Lyka is with them.
Naramdaman kong nakatingin pa rin sya sakin hanggang sa makalabas ako ng classroom. Nang nasa labas ma ako ay saka lang ako nakahinga ng maayos. Ngayon ko lang napansin na pigil pala ang paghinga ko.
" Ohw, I didn't expect you'd be that cold huh! " - Shirley said habang nagbabayad kami sa counter. Nandito kami sa cafeteria at kitang-kita ko ang grupo nina Lance sa pinakagitna.
Imbes na pansinin ang sinabi ni Shirley ay naghanap na lamang ako ng mauupuan namin. Napili ko ang nasa pinakalikod, yung siguradong malayo sa kanila.
Habang naglalakad kami papunta run ay tinawag kami ni Lyka.
" Alex, here! "- sigaw nya habang kinakaway ang kanyang kamay. Tumingin ako sa kanila at nagtama ang mga mata namin ni Lance na agad ko namang iniwas. Umiling lang kami ni Shirley at saka nagpatuloy. Si Aliyah na walang kaalam-alam ay nakasunod lang sa amin.
Umupo kaming tatlo at nagsimula ng kumain.
" Bakit di tayo sumabay sa kanila? Sayang naman yun, opportunity na sana! Kyaaahh! "- tanong ni Aliyah na may halong tili.
" Masikip na sila dun, Aly. Nakita mo namang ang dami nila, diba? Tsaka di ka naman namin pinilit na sumama samin eh. "- may bahid na inis kong sagot sa kanya.
" Ito naman! Syempre sasama talaga ako inyo, alangan namang iwan ko kayo eh kayo tung mga kaibigan ko?! Sayang lang talaga "
" Edi dun ka! Walang pumipigil sayo Aly. "
" Biro lang! Bat ba ang seryoso mo hah?! "- tanong pa nito.
" WAla. "
After that fifteen minutes break, agad din kaming bumalik ng classroom. At gaya kanina, may tumpukan pa ring nangyayari pati sa labas. Binalewala ko ito at dumiretso na sa aking upuan.
Nagbasa ako ng mga lesson na ni-take down notes ko. Pasimple ko syang sinulyapan at nahuli kong nakatingin sya sa akin.
Anong problema nito?!
Agad nya rin namang iniwas ang kanyang tingin nang mapansin nyang tinitingnan ko sya. Napailing ako. Wala pala sya eh!
Nilingon ako ni Lyka na katabi naman ni Lance ng kakaiba at saka ngumiti.
Wierd.
Umiling nalang ako at nagpatuloy sa pagbabasa.
******
Sorry for the errors and wrong grammars.
~Miss_JayEm
![](https://img.wattpad.com/cover/154554691-288-k256255.jpg)
YOU ARE READING
Hating My First Love
Подростковая литератураA girl who chose to HATE Love. And a boy who will make her Love to LOVE again.