My Angel

16 3 8
                                    

Ako si Grisel Andal akala ko noon magiging forever single na ako kasi hindi naman ako kagandahan wala din akong talent pero nagbago yung paniniwala kong iyon ng makilala ko si Angelo Perelta.

.....
"Grisel pumunta ka sa sabado ha anniversary nina mama at papa"

"Oo nga diba nakasampung ulit ka na ata sa akin niyan"

"Naninigurado lang alam mo naman ikaw masyadong inlove sa pagtulog"

"Ibinubuking mo naman ako Mariz eh"

"Oo siya bye na pupunta ka ha babae! Malay mo may matipuhan ka sa mga pinsan k--"

Pinatay ko na ang tawag bago pa maituloy ni Mariz ang sasabihin niya. Si Mariz ay kaibigan ko.

"Grisel!!!!"

"Ang ingay mo!!!! Anong kailangan mo?!"

"Besty naman kasi! Tara sa mall bibili tayo ng damit na isusuot sa aniversary ng mama at papa ni Mariz" siya naman si Karla kaibigan ko din

"Ikaw ba ang may paparty? Hindi ba pedeng pantalon na lang at tshirt tapos rubber shoes"

"No no no my prend! Paano kung dun mo na mameet si the on--"

"Oo na sasama na ako!" Pumasok na ako sa cr bago pa niya maituloy ang sasabihin niya

Pagdating namin sa mall akala ko kami lang ni Karla ang mamimili hindi pala!

"Christian? Bryan?"

"Hi Grisel!!!" Masiglang bati ni Christian

"Sorry Grisel di ko nasabing kasama natin sila" nagaalanganing sabi ni Karla

"Ayos lang ano ka ba! Namiss ko kayong dalawa!!"

"Namiss ka din namin Grisel. May boyfrie--"

"Bryan kung ayaw mong masumbi wag mong itutuloy yang itatanong mo" hinila ko na si Christian at naunang maglakad

"Wala pa ding boyfriend si Grisel?" Pabulong na tanong ni Bryan kay Karla

"Wala pa nga eh! Jusko tatanda na nga atang dalaga yang si Grisel" nagbulungan pa silang dalawa rinig ko naman mga abno

Ako ay 23 years old na pero still NBSB as in NO BOYFRIEND SINCE BIRTH! sila Karla,Mariz,at Christian ay may mga asawa na wala pa nga lang anak tapos si Bryan may girlfriend din so ibig sabihin ako lang ang single..

"Nasaan pala ang mga asawa at jowa niyo?" Tanong ko sa kanila habang namimili ng damit

"Syempre di namin sinama kasi pag sinama namin sila hindi ka sasama" sagot ni Karla

"Aba natural magmumuka akong katulong niyo pag nagkataon"

Hindi naman sa ayaw ko sa mga jowabels at mga asawa nila kaya lang kasi syempre nakakabitter din naman diba? Sila may kayakapan at kaholding hands tapos ako wala?

....
"Ano yang pinili mo Grisel?" Mataray na tanong ni Karla. Napatingin ako sa hawak kong damit..pantalon at tshirt anong masama?

"Bakit?"

"Alam mo kaya ka hindi nagkakajowa hindi ka marunong magayos!" Walang prenong sabi ni Christian

"Aray ha! Preno naman Christian nakakasagasa ka eh"

"Oo nga tama si Christian. Never kanpa namin nakitang nakabistida or something noong nagprom lang tayo naggown ka" dinugtungan pa ni Bryan

"Diyan lang kayo ako ang pipili ng isusuot nitong si Grisel"

Nagantay kami nina Bryan kay Karla habang nakapila sa counter

"Oh ito na" saktong kami na ang magbabayad sa counter ng dumating si Karla

My AngelWhere stories live. Discover now