Chapter 3

14 2 0
                                    

"Anyare sayo? Bat ang saya saya mo ata" tinanong ko si Jimin, dahil napansin kong napaka good mood niya, at kanina pa siya ngiti ng ngiti

"Wala! Tara, kain tayo. Libre ko!"

"Huwaaaaawww! Isang himala! Nang lilibre ka na!" hiniyaw ko 

"Oh ano bang gusto mo!? Sagot ko yan!"

"Kwek kwek!!!" sigaw ko

"Kwek kwek it izz! Gusto mo samahan mo pa yan ng sago't gulaman eh" sabi ni Jimin. Napa-YES! ako. Sana palaging ganito. Laging masaya, good mood si Jimin. Tapos, nanlilibre pa! Bumili na kami ng kwek kwek. Madami akong binili kasi si Jimin naman yung mag babayad eh, tapos after nun tumambay lang kami sa harap ng tindihan. 

"Hindi talaga ako makapaniwala na gragraduate na tayo in a few days" sinabi ko kay Jimin. Ngumiti lang siya. "Grabe. Kung iisipin mo, ang layo na talaga ng narating ng friendship natin noh. Magkasama tayo bata pa lang, tapos elementary, sa isang araw, gragraduate na tayo ng high school. Tapos mag cocollege na tayo!!" Napainom si Jimin ng sago't gulaman niya, at hindi umimik.

"Hindi ako mag-cocollege" sagot ni Jimin. Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya pala nung binalita ko sakanya na, natangap ako sa, ANM Film University, hindi siya masyadong nag-react. Pinakita niyang masaya siya para sa akin, pero parang medyo peke. 

"Bakit hindi ka mag-aaral? Wala pa bang tumatangap sayong school?" tinanong ko

"Hindi naman ako nag-apply" sagot ni Jimin

"Eh bakit hindi ka nag-apply!? Tanga ka ba!?!!"

************

*Jimin's POV*

Natangap ako sa Idol group. Grabe. Sobrang saya ko! Talagang I think it's meant to be, kasi just a few days til our graduation, I got the call! Para bang tinadhana na, after high school merong pintuan na mag bubukas sa akin. Sobrang saya ko talaga! Para akong lumilipad! Tinawagan nila ako nung hapon. And apparently, pito pala kami sa grupo. Yung anim na cast na, at ako yung huli nilang ni-recruit. Sobrang swerte ko! Grabe! Ang saya!! Natupad yung mga dasal ko. Nakuha ako sa Idol group, si Kat naman natanggap sa university na gusto niya. The best talaga si Lord!

Pumunta ako sa bahay ni Kat. Umalis kami, nilibre ko siya, at kumain kami sa kwek kwekan. Ang tagal namin nag-kwentuhan. Mostly, about our future kasi nga dalwang araw na lang high school graduation na namin. And I think it was the right time na sabihin ko na din sakanya na, natangap ako sa isang boy group.

"Eh bakit hindi ka nag-appy!? Tanga ka ba!?!!" sinigaw ni Kat

"May iba na kasi akong plano after graduation" sagot ko

"At ano nanaman yun!?? Na magiging street dancer ka na!!!?" malakas niyang tinawa. Hindi agad ako naka-sagot kasi nga tawa siya ng tawa. "Imaginin mo ha, ang galing mo sa math! sa science! Matalino ka. Tapos magiging street dancer ka lang!!? HAHAHHAHA mungago! Sayang yun Jimin!" hiniyaw ni Kat

Dito nag-bago ang isip ko. I decided not to tell her about my good news. Nung gumabi na, umuwi na kami at binuksan ko yung computer ko to check my emails. May tatlong unread messages ako, at isa duon ay galing sa BigHit. They want me to fly to Korea, the day before our high school graduation. 

Hindi ko alam yung gagawin ko, kaya naisipan ko nang sabihin ito kay mama.

Kabaliktaran sa reaction ni Kat, masaya masaya si mama sa maganda kong balita. Halos maiyak nga sila ni papa sa tuwa. Yung kapatid ko namang si JiHyun, walang pake. "Totoo ba talaga anak!?" hindi makapaniwalang tanong ni mama. Nag-oo ako. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin ng papa mo ng maaga? Dapat binilihan ka namin ng magandang damit nung nag-audition ka!" sabi ni mama

"Okay lang ma, hindi naman importante yun"

"Anak, We are so happy for you. Kung yan ang gusto mo, at diyan ka masaya. Susuportahan ka namin. Lagi mong tatandaan, nandito lang kami palagi para saiyo"  sabi ni mama, at niyakap niya ako. "Kaya pala lagi kang may music sa kwarto mo. Sumasayaw ka na pala nun" sabi ni papa. Tumawa lang ako, at niyakap ko silang dalawa ng mahigpit.

"Pero ma, aalis ako. Pupunta ako ng Korea" sabi ko

"Alam namin anak, naiintindihan naman namin yun ng papa mo. Gusto mo tulungan ka pa namin mag-impake ng gamit mo?" sabi ni mama, "Ay! tawagin ko kaya si Kat! Tulungan ka niya!!" 

"WAG!!! WAG NA MAAAAA!!!!!" sinigaw ko

"Aba'y bakit naman? Eh mag best friend kayo, hindi ba?"

"Wag na ma. Kaya ko naman po mag-impake mag-isa" sagot ko, "Pero ma, yung graduation pala......"

"Okay lang yun anak. Wag mo nang problemahin. Ako na ang kakausap sa principal mo" sagot ni papa

Sobrang saya ko, dahil suportado talaga sa akin ang magulang ko. Naiyak pa nga si mama sa tuwa at gulat. Si papa din hindi maka paniwala. Sabi pa nga ni mama, pag sumikat yung grupo namin, lagi niyang ipagmamalaki yun sa mga kumare niya. Sabi naman sa akin ni papa, laging maging mabait, gawin palagi ang tama, makinig at kung ano pa.

 After namin mag-usap. Umakyat na ako para, mag ayos ng gamit.

Yung BigHit Entertainment ang mag proprovide ng plane ticket ko papunta sa Korea. Titira daw ako sa dorm, kasama yung anim pa na myembro. Hindi alam kung gaano katagal ang proseso nito. Pero, they will do their best daw para sa Idol group namin. 

Tumawag din pala yung BigHit sa magulang ko, telling them more about the details and stuff. Sinabi din nila na, kung gusto din nila mama pumunta ng Korea, just let them know, and BigHit will take care of it. 

Napaka swerte ko talaga. Ang bait ng BigHit, caring sila sa staff nila, pati na din sa pamilya ng empleyado nila. Excited na talaga ako. Ilang araw na lang pupunta na ako ng Korea! Ilang araw na lang, makikita ko na ang ibang myembro ng grupo. Unti unti nang natutupad ang mga pangarap ko. 

Pero, paano ko ito sasabihin kay Kat?

Is It Meant To Be? (BTS Tagalog Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon