Chapter 4

12 2 0
                                    

*Kat's POV*

The wait is finally over. Ngayon na ang high school graduation namin. Ang huling kita ko kay Jimin ay nung nilibre niya ako ng kwek kwek and that was two days ago. Nag away kami ni mama nung kanina lang. Sabi niya kasi mag makeup daw ako, eh ayoko naman. Tatlong oras lang naman yung graduation bakit pa ako magpapaganda!? Tinextsan ko si Jimin kaninang umaga kung gusto niyang sumabay sa amin papunta sa graduation, kaso hanggang ngayon wala pa rin siyang reply.

Simple lang naman ang look ko ngayon, nilagyan lang ako ni mama ng lip tint tsaka blush on, yung buhok ko naman kinulot lang sa dulo. Naka suot ako ng white na dress at brown na sandals, flats.

"Mag takong ka na. Mas bagay sayo" inis na sinabi ng mudra

"Ayoko ma! Pinayagan na nga kitang lagyan mo ako ng makeup eh!"

"Kat wag mo akong gagalitin ngayon! Graduation na graduation mo!" sinigaw ni mama

"Nilagyan mo na ngaaa ako ng makeup eh. Ayoko mag takoooong!"

"Pucha! Lip tint tsaka blush on lang yun anak!!"

"Ayoko!!" sinigaw ko

At nag takong na nga ako. Mahirap na baka sabunutan pa ako ng mudra, eh ang tagal pa naman niyang kinulot yung buhok ko.

Dalawang oras bago mag graduation, pumunta ako sa bahay nila Jimin para sunduin siya. Ilang besses akong kumatok sakanila at ang tagal nilang buksan yung pintuan. Nalulusaw na yung blush on ko may gaaawd ang bagal.

"TAO PO!! HELLO!? PARK JIMIN MALALATE NA TAYO!! NANDYAN KA BA!?" sinigaw ko, habang binabalabog ang pintuan nila, at sa wakas binuksan na din ng nanay ni Jimin yung pintuan.

"Sorry Kat, nasa banyo kasi ako" 

"Ay okay lang po yun. Tita bakit hindi pa po kayo naka bihis? Aalis na kami papunta sa graduation hall. Sabay na kayo sa amin ni mama" Hindi agad nakasagot si tita, humiwalay siya ng tingin sa akin "Si Jimin po ba nakaligo na?" Tinanong ko at sabay pumasok sa loob ng bahay nila.

"Jimin mag ayos ka na! Aalis na tayo!!!" Sinigaw ko sa taas ng kwarto niya. May narinig akong bukas ng pinto sa taas nila, pero it was not Jimin, it was his Dad.

"Hello Kat" bati ng tatay ni Jimin at bumaba siya. "Hello Tito. Si Jimin po??" Tanong ko.

And again, hindi nanaman sila umimik, si tita parang kunwaring busy nag liligpit, si tito naman umiiwas ng tingin sa akin. "Asan po si Jimin?" inulit kong tinanong.

Huminga ng malalim si tito, tapos pinaupo niya muna ako. Maya maya tumabi na din sa akin yung nanay ni Jimin. "Umalis siya kagabi" sabi ni tito

"Saan po siya pumunta? Pabalik na ba?" Tanong ko

"Hindi Kat. Pumunta siya ng Korea"

Hindi agad ako nakasagot kasi hinihintay kong sabihin nilang joke lang. Napatawa ako, pero napansin kong seryoso pa rin yung  mukha nilang dalawa.

"Ay seryoso po ba?" Tanong ko, at umo-o sila.

Parang biglang huminto ang lahat

"Flight niya kagabi around 2 am"

Biglang umikot yung utak ko, naguguluhan.

"Nag audition siya at nakapasa, nakuha si Jimin sa isang boy group. At dahil duon, kinailangan niyang pumunta ng Korea"

Tumahimik ang paligid, sina tito lang ang naririnig ko.

"Tinanong ko nga si Jimin kung nag paalam na siya saiyo"

Unti unti kong nararamdaman ang kirot sa puso ko.

"Kat??"

Nagising ako sa katotohanan at biglang napatingin kina tita, ngumiti ako at tumayo na. "Ah ganon po ba?" wala sa sariling kong sinabi

"Hindi namin alam kung kelan siya makaka balik. Sabi kasi ng kompanya ---"

"Okay lang po tita" agad kong sinabi. Ayoko ng marinig pa ang mga balita tungkol kay Jimin. 


Tulala akong sumakay ng sasakyan papunta sa graduation. Tahimik. Walang pakiramdam. Wasak. Umakyat ako ng entablado, kinuha ang diploma, tumingin sa camera at bumaba. Yun lang ang nangyari sa aking graduation day.

 Ito yung araw na matagal kong hinintay, ibang iba ito sa naisip ko, sa naimaigine ko. Akala ko kasi sa araw na ito, magkasama kami ng best friend ko. Sabay kaming gragraduate ng high school. Hawak hawak naming dalawa yung diploma, tapos pak na pak yung mga pictures namin. Then after graduation, kakain kami sa labas at panigurado order niya nanaman bulgogi. Ang hilig niya kasi sa karne.

 Ito yung mga ganap na akala ko ang mangyayari sa araw na ito. Pero hindi pala. Umalis kasi siya. Iniwan niya ako.

"Ano ba naman tong itsura na toh anak!? Tignan mo nga tong graduation picture mo dito!!" sabi ni mama, tinitignan niya ang picture ko nung kinuha ko yung diploma kanina, at bigla siyang tumawa, "Ang panget! Yung mukha mo para kang iniwan!!"

Iniwan naman talaga ako. 

"Bakit nga pala wala si Jimin kanina sa graduation?" tanong ni mama

"Umalis siya"

"Umalis?? Eh saan naman nag punta?" 

"Pumunta ng Korea" sagot ko

"Ha?? Tinatanong kita ng maayos Kat, kaya sagutin mo nga ako ng maayos!" sigaw ni mama

"Seryoso ako ma. Pumunta siya ng Korea"

Ang daming tanong ni mama, kahit ako din baha ang utak ko sa tanong. Ang daming "bakit?" Ang daming "paano?"  Umakyat na lang ako sa taas, at pumunta sa aking kwarto. Humiga ako sa kamang tulala. Nakatingin lang sa ere, tulala. Gusto kong umiyak pero ayoko. Gustong kong sumigaw pero hindi ko magawa. Siguro kasi ayokong sayangin ang iyak at boses ko dahil lang sa isang Park Jimin. 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Is It Meant To Be? (BTS Tagalog Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon