Kenziel Point Of View."Sorry po hindi na mauulit."Wika ng babaeng 'to! Akala nito at paglalampasin ko iyong ginawa niya?! Tsk asa!.
Kinwelyuhan ko siya. "Subukan mong ulitin yung ginawa mo mas malala ang gagawin ko sa'yo!"tiyaka ko siya binitawan.
"Pag kabilang kung tatlo naka a --- madali ka lang palang kausap."Nakatakbo na siya kagad. Nakangisi ko siyang pinanuod na tumakbo na minsan ay nadapa pa! Ang lampa!.
Meet the badgirl.
***
"Ano may nakaaway ka nanaman?! Talaga ang kenziel natin walang inuurungan!"Amaze na sabi ni vienne, ang 5 years bestfriend ko. Sabihin nating partner in crime.
"Sinabi ko namang sa'yong ayokong sinasaktan ka nong maldita mong pinsan! Tss. Matutu ka kasing lumaban, wag papaapi."Takot kasi sa dugo ang gaga! Magdodoktor taz takot sa dugo,amp.
"Sakaniya lang naman ako takot 'no! Alam mo namang pinapatira at pinapaaral ako ng mama niya."Lumungkot iyong mukha niya, iniwan sila ng tatay niya. Silang dalawa nalang ng mama niya kaso naghirap sila dahil kinuha ng tatay niya ang mga pera nila kaya walang natira.
"Tsk! Sinabi ko naman sa'yo na sa bahay na kayo tumira! Tiyaka pwedeng magtrabaho ang mama mo samin 'no! Mas okay pa yun, vienne"Nakakaawa naman kasi wala silang pera. Gusto ko naman silang tulungan kaso ayaw nila.
"Nakakahiya naman kasi kay tita."
"Tss, ano ka ba! Basta pag kailangan na kailangan nandito lang ako ah?"nginitian ko siya para mawala yung lungkot niya.
"Loveyou, besshyyykuu"Hinug niya ko.
***
Vienne Point Of View.
Umuwi na ako pagkatapos ng practice sa volleyball namin, 'di na muna kami naggala ni kenziel. Nasa tapat na ako ng bahay nila tita.
Nagulat ako ng makita ko si mama sa labas sa sahig
"Maaa!!!!"Sigaw ko.
"Anyari, ma? 'bat yung gamit natin nasa labas na?"hindi pwede 'to. Hinding pwede na pinalayas na kami ni tita!
"Umalis na tayo sa bahay na 'to , vienne."malungkot niyang sabi, napatingin ako sa braso niya na may sugat!
Kagad 'kong kinuha yun, "Ma, sinaktan ka ba ni tita? Ano bang nangyari, naguguluhan ako."ng magtama ang paningin namin kagad niyang iniwas yun na ikakunot ng noo ko. Naguguluhan ako..
"MA!"Ulit ko! Nakita 'kong may tumulong luha sa mata ni mama.
"Nalaman niya na, vienne. Na nagkaron din ako ng kabit. Hindi ko naman sinasadya yun. Kasalanan din ng papa mo bakit nangabit ako! Kung bat sumama ako kay kennent."So...
"Kaya ba!?!!!! Kaya ba ayaw niyong tumira tayo kela kenziel?! Dahil ikaw ang kabit ng asawa ni tita zania?!!! Mama naman!!! Pano kapag nalaman ni kenziel 'to?! Ma naman.. Pano na magiging future-son-in-law mo?!!!"Shet, pano kapag nalaman ni kenziel 'to? Ni tita zania? Ang bait bait ni tita,, taz si kiankuuuu 💔. Hindi, hindi pwedeng malaman ni kenziel 'to.
"San na tayo titira, ma?"Ayun na lang ang naging tanong ko, ayoko ko pang makita si tita. Baka ano pang magawa ko sakaniya.
"Kila kenziel, pansamantala lang naman anak."
"Ma... May kasalanan ka sakanila! Taz gugustuhin mo pang dun muna tayo?! Pwede kang mapatay ni kenziel ma!!! Alam mong nangulila siya kay tito! Sa KINABIT MO!"Idiin ko talaga yun, akala ko iba si mama. Akala ko iba siya kay papa. Pero akala ko lang pala!
"Alam ko!! Alam ko, malaki ang kasalanan ko sakanila. Pero wala tayong pera? San tayo titira!!! Wag mo muna isipin yun okay?! Magtratrabaho ako kela kenziel. Pero sana anak, ilihim mo 'to oh."bakas sa mukha niya ang lungkot. Pilit na ngumiti ako sakaniya.
Ayokong saktan ka kenziel, pero mas ayokong masaktan ang mama ko.
***
"Omg, tita are you okay?"Bungad samin ni kenziel na halatang nagaalala. Kung pwede lang umiyak ngayon, ang laki ng kasalanan namin sa'yo, kenziel. Kung alam mo lang.
"Ano bang nangyari? Buti na lang at nalinis kagad ang guest room. Grabe naman ang tita mo, vienne."parehas pa sila ni kenziel, ang bait bait samin! Pero ito kami. May malaking kasalanan sakanila. Tita, I'm sorry po.
"Pinalayas po kami ni tita..."Nakayuko ako, ayokong makita ang pagaalalang mukha nila, nakokonsensiya ako..
"Kumain na ba kayo? Kumain muna kayo kung hindi , ipaghanda mo sila ng pagkain. Melba"
"Sige po, Ma'am"
"Maraming salamat, zania. Napakabuti niyong nilalang ng anak mo."...
"Oh, vienne? Bat nandito kayo?"shet, biglang nawala ang lungkot ko nung makita kitaaaa kiannn. Fafa kiaannnnn, kyahhhhh.
"Dito na muna sila titira, kian."ani ni tita zania. "Ganun ba? Sige. Ma, may lakad pala ako ngayon."bumeso muna siya bago umalis. Hmmm, weird.
"Masanay na kayo, lagi umaalis yang batang yan! Kahit gabi."Napansin ko naman nakayuko si kenziel. Hindi ko pa nga yatang nakitang naguusap sila ng kuya niya? Hmmm.
"Nakahanda na po ang mga pagkain."singit ni yaya melba, nginitian ko naman siya at nagpasalamat.
***
Cyruz Point Of View.
"HOY KIAN ANG TAGAL MO! LETSE KA!"Sigaw ko sa telepono. Ina naman kasi ni kian ang tagal.
[Padating na nga!]
"Sigu --"Tangina talaga kian binabaan ako!!
"Binabaan ako pota!"
"Easy, bubwit. "-gabe
"Padating na nga raw diba."Sinamaan ko naman ng tingin si zeus. "Sabi ko nga".
"hey guys, asan si kian."Singit ni angel. Napayuko na lang ako, ay na lang!!
"Hey, welcome back, angel."
"Sigurado akong sasaya na si kian niyan!"
"Talaga?"
Hindi namang pwedeng magalit ako kay kian, una sa lahat walang kami ni angel. Pangalawa bestfriend ko si kian kaya maglet go na lang cyruz!, pangatlo madami pang iba diyan!
Pangapat mas gwapo ka Cyruz,, hehe.
"Wala pa."-Bruce.
"Ganun? Padating na daw ba siya? Magpapasama sana ako sakaniya."Bakit hindi na lang ako, angel?
"Oh, nandito na pala si kian!"-Gabe, Ian.
"Kailan ka pa bumalik, angel?"Bakas sa mukha niya ang saya. Hayst.
"Ngayon lang,"-angel.
"Bakit hindi ka nagpahinga muna?"-kian, tumakbo si angel papunta kay kian at niyakap niya. Shet, ang sakit parin.
"Gusto na kitang makita, e."-angel.
"Okay lang yan, bubwit."Nagulat ako kay zeus. Tinapikan pa ako ng rabbit.
"I Missed you so much."Buti pa si kian namiss niya? Kami hindi,, ako..
"Oo nga pala, may mga padala ko sa'inyo. Bukas ko na lang ibibigay hah? Pwede ba yun?"-angel, tumango na lang kami.
"Namiss kita, angel."Bulong ko tiyaka iniwan sila. Dapat nga masaya ako! Kasi bumalik na siya kaso nga lang si kian yung namiss niya. Ay na lang!
______👅______
