Kenziel Point Of View.Pinagmamasdan ko ang dating litrato namin ni kuya kian. Dati sobrang close namin kaso hanggang dun na lang. Bigla siyang nagbago, hindi na kami nagbobonding, he didn't even protect me na.
Nakakamiss yung mga araw na lagi kaming magkasama, naglalaro, nagaasaran. Kaso hanggang memories na lang yun. Nung inaway ko yung dearest girlbestfriend niya, na muntik ko ng mapatay. Dun na naglaho lahat, lahat lahat.
Ang sakit pala, kahit sarili mong kapatid. Yung girlbestfriend na crush niya vs kapatid niya. Ang sakit. Ang sakit sakit. Bakit kuyaaa?!! Ang sakit lang talaga,,
Naalala ko yung tuwing inaaway ako ng mga kaklase ko, nandiyan siya para tulungan ako. Ngayon? Hahayaan niya na lang ako..
Kasalanan ko bang ayoko sa bestfriend niyang yun?! Concern lang naman ako, e. Na miss ko na yung dating ikaw, kuya.
"baby? Omygod! 'bat umiiyak ang babygirl ko?"tinago ko sa likod ko yung litrato namin ni kuya, tiyaka pinunasan ang luha ko.
"Hindi po ko umiiyak ah!"Tanggi ko. Tumabi siya sakin at tinapikan sa likod.
"Ano yang sa likod mo?"mas lalo ko pang itinago yung litrato.
"Wala po ah!"I lied again. "Ayokong nagsisinungaling ang baby ko sakin." Dun na ako naiyak. Naalala ko si kuya, baby ang tawag niya sakin. Shit! Daig ko pa ang broken hearted.
"Litrato niyo ng kuya mo 'to ah?"tumingin siya sakin, umiwas ako ng tingin. At iniyak na lang lahat ng sakit.
"Namiss ko na ang bonding niyong dalawa ah. Ano bang nangyari? Hindi naman kayo ganiyan dati ah. Nakakalungkot lang isipin na magkaaway kayo."Niyakap niya ko, medyo gumaan ang loob ko nung niyakap niya ako.
"Excuse po, Ma'am zania pero may tumatawag po sa telepono niyo."Singit ng katulong namin. "Sige, maiwan muna kita ah? Tama na ang iyak, papanget ka niyan." iniwan niya nga ako, tumingin muna siya sakin bago isara ang pinto.
Kuyaaa.....
***
"Ma, hindi po ako makakasabay sa lunch niyo. Tita, vienne una na po ako."bumeso muna siya kay mommy bago umalis. Napasinghalp na lang ako, hindi man lang ako nabanggit. Lagi naman, hindi naman talaga siya sumasabay mag breakfast, lunch, dinner.
"Bakit hindi sumasabay si kian sa'inyo?"ani ni tita vina, napayuko nalang ako. Kasalanan ko naman 'to, e. Kaya hindi na siya sumasabay, kung bakit hindi siya nakakasama sa birthday ko, sa lahat pag kasama ako.
"Ewan ko sa batang yun!"-mom.
" Ma, Tita nakapasa po pala ako para sa scholarship, hindi niyo na po kailangan bayaran ang school."Ngnitian ko naman si vienne.
"Kaso po sa BIS." dagdag niya na ikalaki ng mata ko.
"sa SCHOOL NI KUYA?!"takang tanong ko kaya halos lahat sila na sa'akin ang tingin. Napayuko naman ako at nagpeace sign.
"Maganda daw kasi 'dun, kenziel! 'dun ka na lang din kasi, dami mo kasing arte!"Hindi matutuwa si kuya, kapag nalaman niyang sa school niya ako magaaral.
"S-sige."Pilit 'kong sagot. Wala din kasi siyang alam na magkaaway kami ng kuya ko.
"Thats good!"Ani ni mommy at inihanda na ng mga katulong ang mga pagkain.
***
Kian Point Of View.
Habang nagmamaneho ako para puntahan sila, bruce. Naalala ko nanaman kung pano niya saktan si angel, napaka gago!