Prologue

24 2 0
                                    

It's hard when my love is everyone's hero

It hurts to think that i'm not his priority

But all i can do is to wait for him, if he comes back alive or not.

"San niyo ba ako dadalhin? Why don't you just kill me?" Sinabi ko lang yun para ipakita sakanila na hindi ako natatakot. Pero sa totoo lang takot na takot na ako.

Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong, gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa dahil sa tuwing nag pupumiglas ako sampal at suntok lang ang naabot ko. Dalawang suntok na lang siguro ay bibigay na ang katawan ko.

"Why don't you just shoot the gun? Go do it! To facilitate your dirty work." I give them my courageous and fierce stare.

Ngunit hindi umubra yon at isang malakas na suntok sa tiyan ang nakuha ko dahilan ng pag buga ko ng maraming dugo.

"Pre easy lang. Hindi pa natin pwede patayin yan. Tayo ang malalagot kay boss." Nag salita ang lalaking kanina pang nag mamasid sa kapaligiran at masasabi ko na sa kanilang tatlo eto ang pinaka makisig.

Hay nako bakit ko ba to naiisip? E nasa piligro na nga ang buhay ko tss!

Sa nanginginig kong mga tuhod , sinipa ko ng buong lakas ang kanyang tiyan at kita kong ininda niya yoon. At ng akmang susuntukin ako ng lalaking hindi katangkaran sa kanan ko ay naka iwas agad ako. Mabilis niyang kinuha ang kanyang baril at itinutok sakin. Kaya naman itinaas ko ang aking dalawang kamay na parang sumusuko na.

Alam kong isang maling galaw ko lang ay hindi ito mag dadalawang isip na padaplisan ako ng bala. Ramdam ko sa aking likuran na naroon na rin ang lalaking kanina pang masid ng masid sa paligid at nakatutok sa ulo ko ang baril nito. 

Muli nabigo na naman ako. Unti unti ng nag didilim ang paningin ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

------------------------------

Nagising ako dahil sa malalakas na iyak ng mga babae. Pag mulat ko bumungad ang bakal na kulungan. Teka nasan ba ako? Bakit sila naka kulong? Sugatan ang mga ito at mukhang mas marami silang pasa kesa sakin at nakikita kong hinang hina rin ang mga ito.

Gusto kong mag tanong pero hindi ko magawa dahil naka tape ang bibig ko at nakatali ang dalawa kong kamay, ganon din ang aking mga binti.

Anong klaseng lugar to? Isang dosenang mga babae ang nakakulong, gusto ko silang pakawalan pero papaano? Ni sarili ko hindi ko magawang tulungan at nanghihina pa rin ako.

Pilit kung tinatanggal ang pag kakatali sakin pero masyado itong mahigpit. "Wag kana mag pumilit tumakas, masasaktan ka lang." Sabi ng isa sa mga babae nang lingunin ko ito, sakanilang lahat ito ang may maayos na kasuotan, maganda siya at maputi.

Narinig ko rin na may binulong dito ang katabi niyang babae "kahit marami siyang pasa at sugat kitang kita pa rin ang kanyang kagandahan." Hindi ko na lang ito nilingon, at pinili ko na lamang manahimik at makinig sakanilang usapan.

"Bakit kaya siya kinuha ng mga Vellus?" sabi ng isa sakanila at may napaka liit nitong boses, bata pa kaya siya? Tyaka anong Vellus?. 

Ano daw? Sinong mga Vellus? Lilingon na sana ako sakanila pero naagaw ang atensyon naming lahat ng biglang nag bukas ang pinto at pumasok dito ang isang lalaki na naka maskera, matangkad ito at may dala siyang pagkain. 

Nilagay niya ito sa harapan ko at ng mag tama ang aming mga mata...parang familiar ang titig na yon. Parang hindi ito ang unang beses na nasilayan ko ang mga mata niya.

Agad naman ito nag iwas ng tingin sakin at ng aalis na siya, pilit akong nag salita kahit alam kong hindi niya maiintindihan. So paano ako kakain neto? kung may tape yung bibig ko hindi ba siya nag iisip?

Bigla niyang tinanggal ang tape sa bibig ko kaya naman napa sigaw ako sa sakit "Aray, anuba!" at tiningnan ko siya ng masama.

Lumapit ito sakin at may binulong. "Sorry.. hindi ko gusto ang ginagawa ko napilitan lang ako." Malamig niyang sabi at umalis na rin agad ito.

Sino ba talaga siya? Bakit i have this feeling na hindi ito ang unang beses na narinig ko ang boses niya parang familiar.

"Ganda, ano ang pangalan mo?" sabi ng babae na may maamong mukha. Teka bakit ako lang ang may pag kain?

"Althea.  Bakit wala kayong pag kain? nabigyan na ba kayo?" Naawa ako sakanila, ang unfair naman ng lalaking yon.

"Sanay na kami, don't worry about us. Kailangan mo mag pa lakas." sabi ng isa sakanila at ngumito ito sakin. "Ako nga pla si Anna ang ka una-unahan nilang bihag, ginagawa nila kaming prostitute at dito napupunta ang mga pasaway. Pinapa hirapan kami sa gabi lalo na pag may sasagot samin or mag tatangkang tumakas. Nasa kabilang building yung mga nag s-show sa gabi."

Andami kong tanong, halo halo emosyon na nararamdaman ko, takot, kaba, alala, galit at awa.

Hindi na muli ako nag salita at kumain na lamang ako. Hanggang sa may dumating na apat na lalaki, lumapit sakin ang dalawang lalaki at kinalas ang pag kakatali ko at walang pakundangan akong kinaladkad palabas.

At dahil masasakit pa ang sugat ko nag pumiglas ako at nag salita. "Pwede ba hindi niyo na ako kelangan kaladkarin. Sasama naman ako ng maayos." pasigaw kong sabi pero walang talab sakanila ang sinabi ko na parang wala silang naririnig.

Pumasok kami sa isang madilim na kwarto at tinulak ako ng isa sakanila dahilan ng pag kabagsak ko sa sahig. Sinarado na nila ang pinto. Napaka dilim pinilit kong tumayo para hanapin ang pinto ngunit nadali ko ang bakal at gumawa ito ng inggay, nag echo sa buong kwarto.

Bakit ba to nangyayari sakin.. pagod na pagod na ako. Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa aking mga tuhod. Sa pag tulo ng mga luha ko... kung nandito ka lang, kung alam mo lang mga nangyayari sakin. Hindi na ata tayo muling mag kikita.


Lovers in WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon