Baka ayaw lang talaga sa atin ng tadhana.
Baka kaya tayo umabot sa ganito ay para tuloyan na tayong magkalayo.
Baka hindi naman pala talaga tayo para sa isa't-isa.
O baka naman hindi pa ito yong tamang panahon para sa ating dalawa.
Handa ka bang mag intay? Intayin ang tamang panahon para sa ating dalawa. Panahon kung saan may tayo na, kung saan pwede na, panahon kung kailan buo na, buo na ang dating winasak ng tadhana.
Dahil ako oo, maghihintay ako. Maghihintay ako hanggang sa makayanan muli ng puso mong magpatawad, magmahal at magtiwala.
Sana maintindihan mo na kahit hindi naman naging tayo, nandirito lang ako, nagiintay sayo at sayong oo. Ganito kita kamahal, sa magandang paraan kita gustong mahalin. Hindi man ako pero sisikapin kong maging ako pa rin.
Hindi ako handa. Hindi ako handa sa posibilidad na may mahalin kang iba. Hindi ako handang malaman na may iba ng magmamay ari ng puso mo.
Oo, walang tayo pero gusto kong malaman mo na sayo pa rin ako. Sayo pa rin ang puso ko.
Mahal, pakiusap ko sayo na patawarin mo na sana ako sa mga kasalanang nagawa ko sayo. Alam kong mahirap pero sana ay makayanan mo.
Mahal na mahal kita, mahal. Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadyang masaktan kita. Oo inaamin ko na kasalanan ko rin kung bakit nangyari iyon kaya mahal, patawad.
Alam ko wala akong karapatang magreklamo noong magalit ka at halos isumpa mo ako. At sa sobrang galit mo, sinampal at iniwan mo ako. Sinubokan kong hanapin ka pero ang hanapin ng taong aayaw magpakita. Maraming beses na gusto ko ng sumuko dahil napapagod na ako, nasasaktan na ako. Pero ano bang inerereklamo ko? Anong ipinagmumukmok ko at karapatan kong sumuko at masaktan kung wala pa ito sa sakit at paghihirap na ipinaramdam ko sayo. Bakit ako susuko kung ikaw nga itong hindi ako nagawang sukoan.
Kaya kong tiisin lahat ng panlalait at iba't ibang masasakit na salita na nanggagaling sa bibig ng mga kaibigan at iba pang mga tao.
Mahal pinagsisisihan ko na yong nagawa ko.
Luluhod ako kung kinakailangan. Magmamakaawa makamit lang ang iyong kapatawaran.
Ipaglalaban at mamahalin pa rin kita hanggang sa huli tulad na lamang ng iyong ginawa noong ikaw ay kapiling pa.
Nangingiti naman ako habang binabasa ko ang isang liham na ginawa ko noong hinahanap ko pa si Den.
'Babe ang creepy. Ano ba yang binabasa mo at nangingiti ka diyan?'
Napangiti rin naman ang huli pagkatapos niya itong basahin. Ngayon pa lamang ito nakita ni Denisse.
'Ang kapal kapal neto pero iisa lang yong may sulat?' Natatawang sabi nito. Halos magmukha kasing aklat ang kwaderno na hawak hawak ni Denisse.
'Bakit pa ako magsusulat diyan if I already saw you. Saka matagal na yan'
'Babe I'm sorry. Dapat pala hindi kita iniwan noon. I should've listen to you agad.' Malungkot na pagkakasabi ng dalaga.
'Hey. Huwag ka ng malungkot. You're here. Were together plus may bonus pa.' Nangingiting sabi nito at hinalik halikan ang tiyan ng asawa.
'I love you Alyssa.'
'I love you too. Mrs. Valdez'
——————————————————–
Short update for ya all! Hahahahahaha. Daming ganap sa utak ko pero I can't put it into words. Miss ko na AD! Walang biro pero kilig ako sa JD! Jusko! Dami nila palaging ganap! Hahahahahahahaha! Kbye! 💙