RAISEN'S POV
Shit. Shit. Shit.
Tatakbo na sana ako nang biglang binuksan ni Soren ang pintuan at huli na ang lahat, nakita na niya ako.
"OMG! Raiseeen, I miss you so much!" Nakangiting sabi nito saka ako niyakap ng mahigpit na halos hindi na ko makahinga.
Punta na lang kayo sa burol ko.
Teka ayoko pang mamatay!
"Bakit hindi mo sinabi sakin na pupunta pala si Raisen?" Mataray na tanong nito kay Soren habang yakap pa rin ako. Napabuntong hininga na lang ako.
Gusto kong umalis dito pero hindi na ata ako makakaalis saka pag umalis ako dito ay wala rin naman akong tatambayan.
"Hindi ko rin nga alam eh. Pumunta lang yan dito para makikain saka kinakawawa na naman siya ng ate niya sa bahay." Sagot nito saka ako nginisihan pagkatapos.
Takteng 'to. Kinakawawa? Ano ko, alipin sa bahay?
Hmm.. pero parang gano'n na nga. One day makakaganti rin ako kay ate. Sarap imaginin ng inuutus-utusan ko siya sa bahay. HAHAHAHAHA.
"Aww.. kawawa naman ang baby ko." Sabi nito saka ako hinila papunta sa second floor. Tiningnan ko si Soren para humingi ng tulong pero ang ugok nagkunwaring walang nakikita.
Nang makapasok kami sa kwarto niya ay nginitian niya ko. Ngiting hindi ko kinatutuwa.
May gusto sa'kin ang ate ni Soren na si ate Scarlet, mas matanda siya sakin. Sa aming magtotropa ay ako pa talaga. Ayos lang naman yung may gusto siya sakin pero hindi na ayos yung mga pinag gagagawa niya sa'kin.
"Picture tayo, dali." Sabi nito saka tumabi sa'kin at dinidikit pa talaga sa braso ko yung boobs niya. Malaki naman eh pero hindi pa rin 'to tama! Gustong gusto ko ng umalis kaso alam kong hindi na ko nito papakawalan.
Pinilit ko na lang ngumiti sa camera na nasundan pa ng ilang picture. May isang picture pa na nakahalik siya sa pisnge ko, kala mong syota ko eh. Hinayaan ko na lang dahil nasanay na rin ako.
Tumigil na rin siya kaka-picture at ngayon naman ay dinadaldal niya ko kahit na wala akong naiintindihan kahit isa.
"Sa C.I.S ka pa rin ba mag-aaral?" Tanong nito sakin.
"Oo." Ayaw niyang gumagamit ako ng 'po' sa kanya at 'ate' dahil feeling niya child abuse siya kahit totoo naman.
"Lilipat na rin ako doon para naman magkasama na tayo." Sabi nito kaya feeling ko ay ayoko ng pumasok. Mali, lilipat na lang pala ko sa ibang school.
"Wala ka pang girlfriend 'di ba?" Tanong nito sakin saka ako hinarap sa kanya. Nakangiti na siya sakin ngayon. Ngiting hindi ko kinakatuwa!
"Oo." Kinakabahang sagot ko at bigla namang nagningning ang mga mata niya na hindi ko rin kinakatuwa.
"Ako na lang kase, kahit hindi mo na ko ligawan basta tayo na." Sabi nito at lumapit sakin. Napalunok na lang ako dahil 2 inch na lang ang pagitan namin.
"Ayoko pa magkaroon ng girlfriend saka masyado pang maaga para doon." Kinakabahang sagot ko at napasimangot naman siya saka lumayo na sa'kin. Napabuntong hininga na lang tuloy ako.
"May chance ba na magustuhan mo ko?" Tanong nito kaya napaisip naman ako.
Maganda siya, matangkad, mabait, masiyahin, matalino, masarap magluto, at sweet. Famous pa, ideal girl na talaga. Sexy din tapos malaki pa yung ano-- takte ano ba 'tong iniisip ko. Mukha tuloy akong manyakis dito.
"Siguro." Sagot ko na lang at nagulat na lang ako ng bigla niya kong niyakap kaya napahiga tuloy kami sa kama.
Nasa ibabaw ko siya at nginitian na naman niya 'ko, ngiting hindi ko gusto.
"RAPE!!" sigaw ko.
(💢)