Yui's Pov
"Good Morning Everyone, Welcome to Churvaness International Airport" yan ang isa sa mga narinig ko habang pababa na ang eroplano. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang malawak na paliparan
Nang makalapag na ang eroplano agad akong bumaba at hinanap ang mag susundo sa akin. Sa di kalayuan nakita ko ang butler namin kaya lumapit ako sa kanya
"Welcome back Princess Yui" bati ni Butler Topher pag kalapit ko pa lang. Inabot ko sa kanya ang dala kong dalawang maleta at nauna ng maglakad
"Where's the car?" tanong ko, sinabi nya naman kaya dumeretso na ako sa parking.
Nakita ko ang driver namin na si Mr. Delo na nakatayo malapit sa black limousine. Nang makalapit ako ay agad nya din akong binati
"Welcome back Princess Yui" bati nya at binuksan ang pinto ng limo. Sumakay na ako at sinarado ang pinto
After ilang minutes nakarating din kami sa bahay kahit na sobrang traffic. Nakita ko ang mga maid na nakapila. Nang makapasok na ako sa pinto sabay sabay silang nag bow at nag sabi ng 'Welcome back'
Pumunta na ako sa kwarto ko ng hindi sila pinapansin. Paakyat na ako ng hagdan ng makita ko na pababa din ang Half-sister ko na si Janicka or Ani or whatsoever her name is. Napatingin sya sa akin at ngumiti
"Welcome back Sissy" sabi nya at ngumiti ng mapang asar. Nilagpasan ko lang sya pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang hinawakan niya na ako sa kamay
"Aww ganyan mo ba batiin ang ate mo. Hindi mo man lang ba ako namiss, ako kasi namiss kita" sabay simangot nito pero imbis na sumagot ako sa kanya tinalikuran ko lang sya at akmang aalis na pero pinigilan nya ulit ako
"Ano ba?! Hindi ka ba mag sasalita?! Hindi mo ba ako kakausapin. Porket na katapak ka na ng ibang bansa ganyan ka na. Ano na pipi ka doon kaya hindi ka na mag sasalita?!" Inis na turan nito. Tiningnan ko lang sya na parang sya na ang pinaka tangang nakilala ko.
"Pwede ba..."sabay tingin sa kamay nya na nasa braso ko agad nya namang inalis yung pag kakahawak nya dun."pagod ako ngayon. Kung wala ka namang sasabihing importante mag papahinga na ako" saad ko at tumalikod na, this time hindi nya na ako pinigilan
Pag kapasok ko pa lang sa kwarto, humiga agad ako sa kama. Feeling ko nag trabaho ako mag hapon at ngayon lang ako mag papahinga. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
****************
Ani's Pov
Arrrgggghhhh....nakakairita talaga yung pag kabrat ng babaeng yun. Palibhasa inispoiled ni daddy
"Ms. Janicka, kakain na po" sabi ni Butler Topher. Isa pa na nakakainis dito, kapag tinatawag nila ako ay hindi kagaya kay Yui na Princess, Miss ang tawag nila sa akin. Aaminin ko na naiinis ako sa kanya and at the same naiingit din.
"Saglit lang po pababa na" sagot ko. Tumungo ako ng banyo at naligo muna. Kinuha ko sa closet ko ang pinaka maganda pero simpleng dress lang at sinuot. Para kahit dito man lang eh mataasan ko sya at sigurado ako na uuwi din si daddy dito
Bumaba na ako at nakita ko si daddy na nakaupo sa dulo ng lamesa pero wala pa si Yui. Nang makalapit ako nakita na ako ni daddy at ngumiti. Kiniss ko sya sa cheeks at umupo sa left side niya
"So, Janicka how are you?"nakangiting tanong ni daddy
"Im fine dad, im also happy that you came here to see me" sagot ko din ng nakangiti
"Haha, sorry to burst your bubble dear but im not here just to see you,I came here to tell some important matters with you and to your sister" natatawang saad nya. So, nag assume na naman ako
YOU ARE READING
The Right Time
Ficção AdolescenteA mysterious girl... You really don't know who she is... She's powerful, rich and smart... But her life was so tragic... This is The Right Time... To know everything ---------------------------------------- First Time ko pong gumawa ng story... Heh...