Chapter Two

37 2 13
                                    

Harvey's POV

Nandito ako ngayon sa harap ng bahay nila Aenna...Aaminin kong kinakabahan ako pero andito na ako e... tsaka gusto ko rin naman ito kaya gagawin ko na... napangiti ako nang makita si Aenna na lumabas ng kanilang bahay...

"Good morning"bati ko pa rito...

"Good morning din... Tara,Come in"pagpapatuloy niya sakin.. Pumasok naman ako at nakita ko ang Mommy niya...

"Good morning po.."bati ko dito..

"Good morning..."bati niya sakin... nginitian niya ako kaya ngumiti din ako sa kaniya.."Upo ka."sabi niya at sumenyas na umupo ako... Nang ako ay maupo ay umupo din ito at tumitig sa akin habang nakangiti... Awkward..

"Ahh,Mom sya nga pala sa Harvey... yung apo ng may ari ng school"hayysstt.. salamat at nagsalita si aenna...

"Kaano ano mo si Ken??"tanong niya sa akin...

"Sino pong Ken??"tanong ko din sa kaniya...

"Si Kenneth Buenavista"sagot nito sa tanong ko...

"Ahh iyon po ba?? Daddy ko po, Pano nyo po siya nakilala??"tanong ko ulit..

"Kaklase ko siya dati... ako yung lagi niyang binubully... tapos nagalit sa kaniya yung lolo mo kaya pinaggawa kami ng project... Tas habang gumagawa kami ay walang salitaan nung una pero nung nagtagal e... nagtatawanan na kami hanggang sa maging magkaibigan kami... tsaka si Hera naman kaklase ni Bryan.."mahabang paliwanag nito...actually kilala ko naman sila e... kaso diko alam na magkakilala ang parents namin.. "I-kumusta mo nalang kami sa kanila..."dagdag pa nito

"Opo... makararating po..."tugon ko"Kaya nga po pala ako nandito kasi may tatanong po ako"dagdag na tanong ko.. nagulat ako nang biglaang may Yabag ng paa akong narinig... tumingin ako sa pinanggalingan ng tunog at nakita ko si Sir. Bryan na pababa sa hagdan...siya ang one of all the terror professor Sa school namin... takot ako sa kaniya... tumayo ang Mom ni Aenna at humalik sa pisngi nito..

"Good morning po"pagbati ko dito..

"Morning"bati din nito sa akin...

"Sya nga pala yung anak ni Hera... yung kaklase mo... May tatanong daw sa atin e"sabi ng Mom ni Aenna dito...

"Ano yun??"tanong nito sa akin..Ang malalim na tinig ng boses nito ang nagpapatindi ng takot ko...Hayssttt...naramdaman kong tumabi sa akin si Aenna... nanlata ako nang may ibulong ito sa akin...

"Ano yung itatanong mo??" Pabulong na tanong niya sa akin... Akala ko alam na niya..

"Tatanong ko kasi kung pwede ka ligawan e"napatakip ako ng bibig nang masabi iyon ng hindi pabulong...napalingon ako sa magulang ni Aenna at nakita ko ang magkawala ng ngiti ng mga ito kaya ako nagbaba ng tingin...

"Mom,bakit?"tanong ni Aenna dito..

"Akala ko kasi kayo na e.."sagot nito kaya napa-angat ako ng tingin at ngitian ito..

"Dad,ikaw po bakit??"tanong ulit ni Aenna sa Dad naman niya...

"Kilala mo naman siguro siya diba??"tugon nito na nagpawala ng aking mga ngiti...bakit ba laging iyon ang nagiging negative side sa akin??"Pwede kang mapahamak niyan"dagdag pa nito...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wala kang Halaga! Pake mo ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon