CHAPTER 1: Dummy Account

74 33 5
                                    

Dummy Account
Keara's POV

"Hiii! Welcome back to my YouTube channel!" Masaya kong sabi sa harap ng camera ko.

"So todaaaay, I'm gonna do a make-up tutorial video!" Medyo malakas kong sabi sabay with acting pa. "Syempre mga besshh kailangang maging maganda! Lalo na kapag alam mong magiging classmate mo si crusshh! OMGG!!! Yiee! So eto na nga, just read down below for the lists ng mga gagamitin kong make-ups! I really bought super duper affordable make-ups para matchy-matchy tayo mga besh koo! But before we start, maraming salamat sa walang-sawang panonood niyo sa mga kalokohan at kainartehan ng lola niyo! At happy OMGGG talaga! 700,500 subscribers! In just 5 months of existence ko dito sa YouTube! Utang ko sainyo 'yon pero wala pa akong pang-bayad mga besh ah? Bubusugin ko na lang kayo sa mga videos ko! Uh-ohh! Yess na yess!"

"Ang dami kong satsat! Osige na, let's just start the kagandahan begin!" Paninimula ko.

"Una muna, ang gagamitin kong brushes ay Mermaid Sahara Brushes from Australia. Mga Besh, eto lang ang mahal ah? Sure akong afford niyo na ang mga next make-ups. Unang ilalagay natin sa mukha ay moisturizer! It's clean and clean moisturizer! Oh ayan na mga besh spread spread lang sa mukha, baka sakaling may magbago." Nilagay ko na sa buong mukha ko yung moisturizer at kinalat.

"Ang susunod na ilalagay ay, Foundation! Maybeline siya! Mura lang siya dahil nag sale din ang Maybeline! Kaya bumili na agad ako at sinulit ko na! Kasi mga besh kapag may nagsale gora na agad! Bago maging huli ang lahat." Pagkasabi ko ay nag-lagay na ako sa palad ko ng isang pump lang ng Maybeline. "Sanay akong isang ganito lang ang nilalagay ko dahil kasya naman sa pagmumukhang itoooo." Sabay tinap-tap ko ulit pataas ang baba ko.

"Yeeey! Next naman ay Maybeline Concealer! Isa rin siya sa mga sale nung bumili ako kaya uulitin ko, gumora na kayo!" Nilagyan ko yung under eyes ko, yung ilong ko, yung sa taas at baba ng labi ko at sa noo.

*1 hour later*

"And that's all for today! Hope you guys liked my make-up tutorial video and if you want a part two just hit the thumbs up and don't forget to subscribe to my YouTube channel if you're watching this right now because simula nung mamulat ang mga mata mo sa mukhang 'to!" Sabay tinap-tap ko pa yung baba ko pataas at nag-make face pa. "Besh na agad kita! Mga magbe-besh tayong lahat! See you guys on my next video! Love you!"

At tinapos ko na rin ang pagvi-video. Pinatay ko na din yung ring light ko at patalon na humiga sa kama ko.

*Enhale*

*Exhale*

Maayos akong huminga at sinusulit ang sandaling nakahiga ako sa kama ko. Napaka-busy kong tao. Video doon, video dito, aral sa school, aral sa bahay, edit magdamag at spend ng time with my family and friends.

I don't care if minamahal na ako ng eyebags at pagod atleast I can still make my fans enjoy in every videos I upload and make my family and friends contented on how I bond with them.

Isa na lang ang hindi ko pa nabibigyan ng effort, si crush! Naku! Besh naman eh! Kailan ka ba matututong magkaroon ng lakas ng loob na kausapin or ichat man lang si crush? Isang taon ka ng pumanget, umasa at gumanda! Eh kailan nga naman ba ako pumanget? Bakit hindi man lang ako napapansin? Sumikat na ako lahat-lahat kahit isang Hi man lang, wala!

Pinagtakluban na ako ng lupa besh! Tuwing snob lang ako! Eto namang si self todo emote. Drama queen ang diretso kay sissy ko na todo hampas naman yung ganti pabalik saakin, bakulaw na bestfriend talaga oo.

*Havana oh na na, all of my heart is in havana oh na na~*

Napatingin ako sa phone ko na nag-ring. Tinignan ko muna kung importante o hindi. Nang makita ko yung pangalan ay kinuha ko yung phone at tumayo.

My Hater Likes Me BackWhere stories live. Discover now