Walang kahirap-hirap na itinulak ni fat-Amy ang matangkad na si Marco Athelzon sa isang cubicle dito sa girls restroom. Napaupo naman si Marco sa nakasaradong toilet bowl. Wala siyang magagawa, anim kaming babae at isa lang siya.
"Ano bang problema niyo?!" Inis na reklamo niya pa.
Naglakad ako papunta sa harap niya habang nasa likod ko ang Sissy squad ko. Inayos ko ang buhok ko sa harapan niya at malawak na ngumiti.
"What do you want?" Dagdag niya pa.
Tumingin ako kay Zeus at sinenyasan ito bago ko ibinalik ang tingin kay Marco. Ibinato ni Zeus ang isang poster sa kamay ni Marco. Agad namang kinuha ni Marco ang poster at binasa.
"Anong ibig sabihin nito?" Tanong niya. "I don't have time for shits." Malamig niyang sabi.
"I want you to be my musical partner for this coming competition." Sagot ko at ngumiti ng napaka-tamis.
Inis siyang tumayo at aalis na sana pero itinulak siya ni fat-Amy pabalik kaya napaupo ulit siya.
"Narinig ko na mababa ang grades mo sa physical activities and that includes, P.E. dahil mas pinagtutuunan mo ang major subjects. If we participate in this competition, you don't have to suffer anymore in your P.E. class while magkakaroon naman ako ng extra curricular grades. So benificial right?" Pagkukumbinse ko sakaniya.
Inis siyang tumayo at ibinigay pabalik saakin ang poster. "I'm not Interested." Usal niya habang nagsisimula ng maglakad palayo.
"Hey!" Sigaw ko kaya napatigil naman siya sa paglalakad. "Let me remind you, nasa restroom ka ng girls." Pagpapaalala ko.
"I don't care." Malamig niyang sabi.
"If you make a step, we'll report you for molestation." Babala ko. Hindi ko mapigilang mapangisi sa naiisip kong panabla. "With this offense, sa tingin mo ba magiging maayos ang pakikitungo sa'yo ng mga teachers?" At napangiti pa ako ng matamis kahit na nakatalikod siya saakin.
"Maaring matinding parusa ang makuha mo at don't forget, YouTuber itong nasa likod mo." Pag-papaalala ko pa.
Medyo itinaas naman niya ang kaliwang paa niya na mukhang magsisimula nang maglakad.
Don't Ever Make A Step, Marco Athelzon.
"*Ehem* *Ehem*" Kunyaring ubo ko.
Ibinalik niya ang ihahakbang niya sanang paa at inis siyang tumingin saakin.
"When will we start?" Sambit niya na mukhang labag pa sa loob.
"Bukas!" Masayang sigaw ko.
Wala siyang ganang tumalikod at umalis na dito sa loob ng girls restroom. Tagumpay ang itsura kong nilingon ang squad ko.
"Yeeesss!" Sigaw ko.
"Bilib talaga ako sayo, babae ka!" Usal ni Sissy.
"Bakla! Ang bongga ng acting mo ah?!" Sabi naman ni Zeus.
"May gamit din pala ang taba ko?!" Biro naman ni fat-Amy.
"Yung puso ko! Kulang na lang kumawala sa dibdib ko!" Komento naman ni Samantha.
"Ang paghihiganti ay magsisimula na." Nakangising usal ni Sophia.
YOU ARE READING
My Hater Likes Me Back
General Fiction"My hater likes me back." (Tagalog story) There's this girl who liked editing and stuff until she became an instant famous Youtuber. A good person, Funny, Smart, Helpful, Friendly, Adorable, Beautiful, AND So Lovable! But how come that she has a ha...