Araw't gabi, ikaw ang nasa isip
Hanggang sa pagtulog, ikaw ang panaginip.
Ngalan mo, sinisigaw nang puso ko
Pag-ibig ko, sana madama mo.
Sa tuwing ika'y nariyan, sinta
Ang puso ko'y anong sigla
Sa iyong bawat sagot sa mga liham ko,
Anong galak ang nadarama ko!
Ngunit sa tuwing tayo'y magkakalapit,
Ang dila ko'y parang napipipit.
Hindi masambit ang salitang kamusta,
Parang sariling bibig ang natusta.
Sa t'wing nakikita ko ang lalaking kung manligaw ay wagas,
kung magbigay nang isa bouquet ay anong angas!
Walang magawa kundi manood,
at maghintay upang ang sakit nang puso'y malimot.
Ang iyong mata't buhok ay
kasing itim nang uling.
Ang iyong kutis nama'y
katulad nang buwan sa gabing madilim.
Ang iyong labi ay kasing pula,
tulad nang mga rosas na bagong bunga.
Boses mo'y mala anghel sa langit,
na nakakapag-pakalma sa mundong malupit.
Kailan kaya aking puso't kalooban,
maging sapat ang katapangan.
Upang masabi ang mga katagang,
Mahal kita, walang hanggan...
BINABASA MO ANG
Torpe
Poetry"Ang tula para sa mga taong walang ginawa kundi tumingin sa kawalan..."