TV real time show
*flash flash flash* *camera*
Host : Okay Miss Agony. Kalma lang po ah live po tayo ngayon. Okay po?
Agony: sure po.Director: 1 2 3 okay the show starts now.
Host: Good morning Bayan ng Pilipinas tayo ay live ngayon nationwide. Nais kong batiin ang guest natin ngayong araw na nanalo ng iba't- ibang parangal sa bawat bansang kanyang sinalihan. Sa talentong binigay sa kanya sa pagsusulat maraming tao ang naging apektado sa bawat librong kanyang nililikha. Hindi ko na papatagalin pa. Welcome to our show Miss Agony Lily.
"Maraming salamat po. Magandang umaga po Bayan ng Pilipinas" pagbati ko.
"Napaka ganda ng mga nililikha mong istorya Ms. Agony. Sino ba ang naging inspirasyon mo at talagang tatak sa tao ang bawat sulat mo?" Pagtatanong ng host.
"Ah. May isang tao na nagmotivate sakin. Siya po yung naging inspirasyon ko para lumikha ng mga libro." Pagtugon ko sa host.
"Maari mo bang sabihin sa amin kung sino ito at kahit maikling kwento para malaman namin ang pagsilang ng isang napakahusay sa pagsusulat"
"Nung high school ko po kasi nagsimula na ako magsulat sulat sa mga kapirasong papel na makikita ko at ako po ay nangarap magsimulang magsulat. Kahit may kapiraso akong papel basta pag may naisip ako sinusulat ko agad tapos ililipat ko po iyon sa aking kuwaderno."
*tumatango ang host*
Tapos po may isang lalaki na tumatak sa puso ko at siya ang ginawa kong inspirasyon. Siya si Evander."
"Evander. Wow! So miss agony kasintahan mo ba si evander?" Pagtatanong ng host.
"Hindi po. Hindi naging kami o ano. Wala kaming komunikasyon bukod sa isang pirasong papel na pinapadala niya." Pagsagot ko.
"Nakita mo na ba siya?" Pagtatanong ulit.
"Hindi pa po. Tanging nakikita ko lang ang mga sulat ng pinapadala niya sa locker ko noong high school, sa bahay ko at sa isang puno sa park na malapit samin."
"Napaka mystery guy pala nitong si evander. Paano mo naging inspirasyon ang taong hindi mo pa nakikita?" Pagtatanong ulit ng host.
"Nagiging inspirasyon ko siya sa paraang.. pagsulat niya sakin."
"Pagsulat sa iyo?" Naguguluhang tanong ng host.
"Pagsulat niya sakin ng mga bagay na nakikita niya, nagagawa niya, nakakausap niya, napapanaginipan niya. Ito ang mga dahilan na namotivate ako sa pagsulat." Pagsagot ko.
"Nagkakaroon pa ba kayo ng komunikasyon hanggang ngayon?" Pagtatanong ng host.
"May mga dumarating parin pong sulat sakin ngunit ang pagtugon niya ay puro kwento. Hindi niya sinasagot ng mga bagay na tungkol sa kanya."
"Napaka misteryo nga yan. Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong karanasan at nawa'y gabayan ka ng ating Ama sa langit na maging successful pa sa pagsulat."
"Maraming salamat po" pagtugon ko.
Back stage
"Maraming maraming salamat ulit Miss Agony Lily." Pagpapasalamat ng host at mga production staff ng tv show.
"No problem po. Thank you din po sa pag-invite sakin."
-----
Nang matapos ang interview sakin ay agad akong nagpaalam para umuwi.
Pababa na ako sa basement para makauwi na at makapagpahinga. Nang makalabas na ako sa pinto ng elevator ay naglakad na ako at may nakasabay ako na lalaki na katangkaran sa akin. Hindi ko siya pinansin pero napukaw nya bigla ang aking pansin sapagkat katabi lang sasakyan ko ang sasakyan niya. Ngumiti siya sakin at nagbusina."Hala. Ano meron dun?" Hinayaan ko nalang kasi pagod na talaga ako.
Nang makarating ako sa bahay ay chineck ko ang aming mailbox.
May papel na naman. Bakit kaya walang effort tong sulat? Puro isang piraso na papel lang at may bakas pa ng kakapunit lang.
"Napanood kita. Maraming salamat at ginawa mo akong inspirasyon."
-Evan.********
OHHHH HANGGANG DITO MUNAAAA. KALMA MUNA TAYOOOO
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU -DEATH
Romansthis story is a tragic. it mirrors the reality of the love-- forbidden. Can I ask you? Do you love me even the death part us apart? Do you love me? If yes. Please read my message to you my dearest lover. Always remember that I will love you. -ev...