"Woi, Panioma, pang-ilang pancake mo na ba yan?lagi na lang ba pancake yang hawak mo?" tanong ni Acke kay Panioma na kumakain pa rin ng pancake.
Napairap ang dalaga sa tanong ng binata.
"Sinabi ko naman sayo diba na lahat ng hahawakan ko ay pawang mga paborito ko lang. Wala nang iba." sagot naman ng dalaga.
--------------------------
---------------------
---------------
--------
---
-Agad na napaisip ang binata sa sinabi ng dalaga kanina.
"Sinabi ko naman sayo diba na lahat ng hahawakan ko ay pawang mga paborito ko lang. Wala nang iba."
Ano pa ba ang mga bagay na paborito nito?
Sa pagkaka-alam niya kase ay pawang damit, pera at pagkain lang ang hawak niya lagi.
Ano kaya kung maiba naman? nasa isip ng binatang si Acke.
"Panioma!" sigaw ng binata ng matanaw niya ang dalagang si Panioma na nakaupo sa bleachers ng school nila.
Uwian na nila kaya saktong nakita niya ang dalaga kaya agad niya itong nilapitan at umupo sa tabi nito. Wala namang imik ang dalaga bagkus ay napairap pa ito sa kanya. Hinagip ng binata ang kamay nito na agad naman niyang pinisil-pisil dahil sa lambot.
"Ano ba?!" naiiritang tanong ng dalaga habang hawak ang pancake niya.
"Good afternoon din sayo, Panioma. Kamusta ka naman?siguro hindi mabuti ang mood mo dahil andito na naman ako. Alam ko namang naiinis ka pa rin sa akin e. Sorry na please, bati na tayo Pan" panunuyo sakanya.
"Tumigil ka nga!Talo mo pa ang baking powder na pampa-alsa, iyon pampa-alsa, ikaw umaasa." asik ni Panioma.
"Ang arte talaga ni Panioma"
"Sinabi mo pa girl, matagal nang nanunuyo si Fafa Acke pero nag-iinarte pa rin siya"
"Kung dumating talaga ang araw ay kukunin ko si Fafa Acke sakanya"
"I'm sure magsisisi siya pagnawala si Fafa Acke sakanya"
"Para naman kayong all-purpose flour na kung saan-saan ginagamit." bulong ni Panioma at napairap pa ang dalaga sa narinig at nanlilisik ang mga matang tumingin kay Acke na ngayon ay nakangisi.
"Oh ano?naniwala ka naman sa kanila na magsisisi ako kapag nawala ka?!" nairitang tanong nito sa binata.
"Hindi. Alam ko namang hindi mo ako matitiis at babalik ka ulit sa akin. Nasisiguro ko rin na hindi naman ako aalis at mawawala sa tabi mo." nakangiting saad ng binatang si Acke kay Panioma.
"Hindi mo na yun gagawin dahil nagawa mo na iyon dati?ganun ba?!...akala mo siguro na madali ang pinagdaanan ko noong nawala ka?!" nanlilisik ang matang sabi ng babae.