Chapter 30

37 0 0
                                    

Chapter 30

2nd Time

"Opps! Pam I'm so sorry!" Gulat na sambit ni Matt.

"Matthew!" Galit na sabi ni Tito Thomas habang si Theo ay tinutulungan akong magpunas.

Tinignan ko si Matt na dinidisiplina ni Tito Thomas pero mukhang hindi naman siya malungkot, actually para pa nga siyang masaya sa nangyari.

Basang- basa yung mukha ko hanggang sa damit ko. Paano ba naman hindi mababasa, isang litro ng tubig yung tumapon sa akin.

Pinatid ata ni Matt yung katulong nila kaya ayon nabuhos sa akin yung dalang inumin.

"Tess get her a towel." Tita Carina said.

"You should change, Pam." Tito Thomas said.

"I can let you borrow my clothes." Tita offered.

"Tell Dan to get the paperbag on the car, Tess. You have spare clothes that Aubrey gave me, you should change in my room." Theo said. Grabe, ang dark ng aura nya ngayon, nakakatakot.

Tumayo sya kaya naman tumayo na rin ako. Pilit akong ngumiti kina tito at tita bago tuluyang umalis ng silid.

Nang paakyat kami ay hinawakan ni Theo ang palapulsuhan ko, nagpatianod naman ako sa kanya.

Third floor ang kwarto ni Theo. Pagpasok namin sa kwarto niya ay bumungad sa amin ang nagkalat na damit sa higaan niya.

Nahihiiya syang tumingin sa akin. "Uh... I was in a rush that's why..." Hindi na natapos ni Theo ang sinasabi nya at napayuko nalang.

"It's okay." I said. Ilang sandali pa at kumatok si Dan sa pinto dala ang paperbag na naglalaman ng damit ko.

Ngumiti ako ng inabot ni Dan ang paperbag sa akin. Hindi siya makatingin kay Theo at umalis din kaagad. Para bang nahihiya ito o natatakot?

He is sitting on the edge of his bed looking at no where. "Theo... where can I change?" Tanong ko. "Theo." Ulit ko. Nagulat siya sa pagtawag ko.

Tumingin siya sa akin, sa damit kong basa at sa paperbag na dala ko.

"Oh, there." Turo niya sa unang pinto sa kaliwa. Bakit ganyan siya? Kanina galit siya tapos ngayon paramg ang lungkot ng mga mata niya.

"Pam, did you turn off?" Napalingon ako sa kanya bago pa makapasok sa banyo.

"Huh?" Tanong ko. Anong pinagsasabi niya?

"I-I promise I won't let my closet to be messy, I will arrange my clothes!" Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya ba siya naging malungkot kasi akala niya naturn off ako sa kanya?

Hindi ko mapigilan ang pagtawa. "My queen, why are you laughing?" Mas lalo akong natawa sa ekspresyon niya. Para bang takot na takot siya.

Naalala ko tuloy noong nagtatampo ako sa Paris, nagpanic at takot na takot nang natapon sa akin ang pinabili kong ice cream kaya naman hindi mapinta ang mukha ni Shaw..

Mabilis napawi ang tawa ko na maisip ko ang mga alaala namin ni Shaw-. Habang lumalaki ako ay siya ang kasama ko. Magkasama kami sa lahat ng bagay. Siya halos ang pinaka nakakakilala sa akin at akala ko ganon rin ako sa kanya.

Sa pangarap ko nalang siguro ulit makikita ang pagaalala niya at saya tuwing magkasama kami at takot ni Shaw- pag nagalit ako sa kanya dahil ngayon walang siyang pakialam sa akin.

Katulad niya, wala na rin naman akong pakialam sa kanya. Kung dati ay gustong- gusto ko at pangarap ang makasama siya palagi at nagmamakaawa na ako para sa atensyon niya, ngayon hindi. Naglaho na sa mga pangarap ko na makasama siya, maski ang makita siya.

When Love Breaks YouWhere stories live. Discover now