"Mia, Naimpake mo na ba lahat nang gamit mo?" paalala ni Joyce.
"Tatapusin ko nalang to then okay na." sagot ko sa kanya.
By the way, si joyce ay bestfriend ko from grade 3 until now. Magkaibigan kasi yung papa ko at papa ni joyce kaya close yung family namin. I know nagtataka kayo kung ilan taon na ako. Well, I'm still 15 years old. . . I mean 20 years old. In my 20 years of existence in this world never akong nagka-boyfriend. I know anong iniisip niyo . . pangit ako? Siguro, baka, pwede. Hindi ko alam pero sabi naman ni joyce maganda daw ako. Well siguro sinabi lang niya yun kasi ayaw niyang masaktan ang damdamin ko.
But I'll tell you this, may nag confess saki'n when I was first year high school. So, ibig sabihin hindi ako pangit. Pero di pa ako nakaka-experience nang love. I never been into a relationship. Di ko kasi sinagot si Mark kaya NBSB ako. Minsan nga nagsisisi ako kasi sana sinagot ko nalang si Mark, para naman kahit sadlit makaka-experience ako kung ano talaga yung love.
"Mia! Bat ka pa nag-eemote jan? Nandyan na si dad sa labas!"
Agad kong kinuha yung mga gamit ko at lumabas sa apartment namin.
"Mia sakay na!" tawag ni tito Bill sakin. Sumakay agad ako sa sasakyan at umalis na kami.
Habang nagmamaneho si tito Bill may itinanong siya sakin. Tinanong niya kong kailan ko daw ipapakilala ang boyfriend ko. Sabi ko lang sa kanya na "Sa tamang panahon po tito." Pero the truth is wala talaga.
I think you all wondering kong san kami pupunta ni joyce. We're going to Summer Beach Festival. Baka akala niyo na ordinaryong festival lang ito but you're wrong. It's an Elite Summer Beach Festival na magaganap sa isang island. Para daw to sa mga taong gustong magbagong buhay, sa mga taong gustong makalimot, maka-move on at sa mga taong gustong magka-lovelife. Kaya nong tinanong ni joyce kung sasama ba ako. Agad kong sinabi na "Oo, sasama ako joyce." Yun na siguro ang pinakamasayang tanong na narinig ko kay joyce. Ang swerte ko talaga sa bff ko.
"Mia diba si Mark to?" Sabay pinakita niya ang phone niya.
"Oo nga, si Mark yan." gulat na sabi ko.
"Omg, sobrang gwapo na niya Mia. Ba't kasi di mo siya sinagot non eh. Bakit nga ba?"
"Di ko narin matandaan kung bakit di ko siya sinagot. Wait. . . Parang naalala ko na. Mabaho yung hininga niya Joyce."
"Hahaha, talaga? Pero tingnan mo siya oh, parang artista na." Tiningnan ko ulit yung picture at totoo nga. Artistahin na yung mukha niya.
"Sabi nga nila past is past. Kaya move on na tayo dyan. By the way, kamusta na kayo ni Jeff?"
"Cool off parin. I just need some space sa kanya. Para kasing nasasakal ako sa tuwing kasama ko siya."
Biglan nalang nagsalita si tito at sinabing "Ganyan talaga kaming mga lalake. Over protective at seloso. So give Jeff another chance Joyce. Malay mo sa bakasyon mong yan ma re-realize mo na mahal mo talaga siya. "
Di sumagot si Joyce ngunit ngumiti lang ito.
"I'm just saying Joyce." seryosong sabi ni Tito. "Well, why don't you sleep muna. We still have two hours so magpahinga muna kayo.
"Sure tito."
"Well, Pahinga na kayo."
2 hours later . . .
"Mia! Mia! Mia!" nagising ako sa malakas na boses na naririnig ko ngayon.
"Mia! Nandito na tayo!"
Dahan-dahan akong lumabas sa sasakyan at bigla akong na surprise sa nakita ko. Isang malaking barko ang nasa harap ko ngayon. Is this real? sobrang laki nang barko parang barko sa Titanic.
YOU ARE READING
So, This is Love?
RomanceHi! I'm Mia, isa akong certified NBSB so di ko pa talaga alam kung ano yung love. Lately, napaisip ako na is it too late to actually want someone in your life? Pwede pa ba? Pwede pa kaya?