Gabi na ng makauwi ako pagkatapos ng practice namin ng choir. Si Phillis naman ay abala sa basketball kaya ako lang ang mag isang umuwi.
"Ava!" Sigaw ng hapong boses galing sa aking likuran.
Natigil ako sa pagbukas ng gate at tamad akong lumingon para makita ang tumawag sa akin. I saw Andrew panting while walking towards my direction.
"Oh! Bakit?"
Andrew is my neighbor. Magkakilala narin kami simula palang noon pero hindi naman kami gaanong close dahil hindi ako pinapayagang lumabas ng bahay ni Daddy. Naging malapit lang kami simula ng makatuntong ako ng college dahil naging kaklase ko siya.
"Wala naman! Hindi kasi kita nakita kanina."
Hindi ko maiwasang mapalunok ng tuluyan na siyang tumigil sa harapan ko.
I admit. Andrew is hot. Hindi ko lang siguro siya maihahanay sa mga crushes ko noon dahil marami na sila pero ngayong palagi na kaming nagkikita ay masasabi kong parang gusto ko nalang maging loyal na i-crush siya.
"Medyo busy kasi ako. Marami exams tapos may practice pa kami kanina ng choir kaya ayun."
"Right." He smiled.
Parang nakita ko ang pagtigil ng mundo dahil sa pag ngiti niyang iyon! He is fucking handsome! Grabe talaga. Simula palang sa mata ay ulam na, ano pa kaya pag bumaba pa ako at nagpatuloy hanggang sa ibaba ng kan'yang dibdib?
"How's your day?" Lumayo ako sa gate para harapin siya.
"I'm good. Ikaw? Umuwi kang mag isa?"
I nodded.
"Hindi ka hinatid ng boyfriend mo?"
"Busy kasi sa practice ng basketball si Phil. Ikaw ba? Hindi ka ba nagpa-practice?"
"Not today."
"Ah."
Sandaling natigil ang pag uusap namin dahil wala na akong masabi.
"Sige na pala. See you tomorrow! Sabihin mo kapag walang maghahatid sa'yo pauwi. Pwede kitang isabay."
Imbes na humindi ay natutulala nalang akong tumango sa kan'ya. Ang traydor kong puso ay nagawa pang kumaway! Walang hiya!
"S-See you."