Atty.Magtanggol (3)

730 73 0
                                    

Update

   Awang awa ang Lola ni Laura sakanya,alam n'yang hindi kayang gawin ng apo n'ya yun sa kaibigan n'ya.kaya sa lalong madaling panahon, gusto n'yang mailabas ang Apo n'ya sa presinto.hahanap s'ya ng magaling na abogado para sakanya.

Umalis muna sila ng kaibigan n'yang si aling ising, upang puntahan ang abogadong sinasabi n'ya.naluluha si Laura,habang nakatingin sa dalawang matandang papalayo sakanya.sa edad nilang yun,ng dahil sa gulong kinasangkutan n'ya.pati tuloy sila, nahihirapan.

Nagtungo ang dalawang matanda sa tanggapan ng (PAO) Public attorneys office.

agad naman silang inasikaso doon,bilang mga senior citizens.dinala sila Ng secretary sa tanggapan ni atty.Magtanggol,ang abogadong tinutukoy ni aling ising.

Nang makaharap sila ng isang abogado,, namangha ang dalawang matanda.bukod sa gwapo,, mabait nga talaga si atty.Victor Magtanggol isinalaysay ng lola ni Laura kay atty.ang pangyayari.ayon sa mga nakakita.ngunit walang gustong tumestigo, laban sa pamangkin ni mayor.dahil sa takot. 

"Sige po lola, gagawin po natin ang lahat ng makakaya natin para mapatunayan natin na walang kasalanan ang apo n'yo."sambit ni Victor.

"Naku,,, maraming salamat hane!!, tunay ngang napakabuti mo,,naway pagpalain ka ng panginoon..kahit maganda at mabait na dilag ba s'yang makakatuwang mo sa buhay."Pambabasbas Ng matanda.

"Ikaw naman kumare, hindi mo pa alam baka may asawa na yang si atty.ke gandang lalaking yan,,imposibleng wala pang asawa..."pambabasag ni aling ising.

narinig naman ni atty. Ang pinagtatalunan ng dalawang matanda.

"Naku, wag po kayong mag alala,, wala pa po akong asawa."natatawang singit ni Victor sa dalawang matanda.

"Oh,,kitam!tama yan,, iho wag kang masyadong magmadali.piliin mo yung tamang babae para sayo.sayang naman Kung maling babae kapa mapunta.kaya kita bunabasbasan,para gabayan ka ng panginoon na makahanap ng tamang babae."saad ng matanda.

"Naku,, thank you po lola,,sana po magdilang anghel po Kayo."nakangiting sambit ni Victor.

"Oh, s'ya sige atty.mauna muna kami at ibabalita namin sa Apo ko na may nahanap na kaming abogado para sakanya.,ng mabawasan naman ang takot n'ya na makulong."sambit ng matanda.

"Sige po lola,ako pong bahala sa Apo n'yo.bukas po ako pupunta sa presinto,para hingan s'ya ng salaysay."sagot ni Victor sa matatanda.

"Sige atty,, salamat hane!!"saka tuluyan ng umalis ang dalawang matanda sa tanggapan ni Victor.

Naghanda naman kaagad si Victor ng mga papeles para sa kaso ni Laura.pero may nakalimutan s'yang itanong sa matanda.ang pangalan ng apo n'ya.pero di bale,bukas nalang n'ya itatanong, pag punta n'ya doon.


Laura Patola meet Victor Magtanggol (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon