CHAPTER 1

227 8 0
                                    

Ace Note:



Okay naman. Asahan niyong lame chapter to. Haha, babawi talaga ako sa next chapter. Promise, by the way si Jaz yung nasa side ang cuteee.



Jaz POV



"Kyyyyaaaaa~~~~!!!!!"



"Steve marry me!!!!!"



"OMG kinawayan ako ni Jiro mylabs!!!!"



"Kurt~!!!"



"Michie!!! Shit"



Hays. Ayan na naman sila, and for sure nandito na naman yung Tropang WP6. Sila lang naman. Yung mga kinababaliwan dito sa school eh. Kasama na dun si Jiro. Hays, kasama ko nga siya sa iisang school. Di ko naman siya malapitan.



"KYYYYAAAAA!!!!!!!!"



Halos mapatakip na ako ng tenga dahil sa lakas ng tilian nila. Unang bumaba ng kotse si Kurt sa pagkakaalam ko siya yung bookworm sa kanila, siya yung kalaban ko sa top. Ayos naman, mukha namang mabait kahit di ko pa siya nakakausap. Gineus prince yung tawag sa kanya.



Sumunod si Jiro siya yung romantic prince, kasi daw kakantahan ka lang niya parang sweet daw ganun, tapos haharanahin ka niya pag pagod ka. Sana ako din kantahan niya, kahit alam kong hindi pwede.



Sumunod naman si Steven, siya yung Ultimate prince. Wala akong masyadong balita sa kanya eh. Tahimik lang kasi siya, tsaka 'sabi' nila wala na pa daw nagiging girlfriend yan simula nung nag break sila nung ex niya.



Sumunod naman si Rence, siya yung babaero sa kanilang lahat. Halos araw araw may bagong GF eh.



Tapos sumunod na lumabas si Jewel, fashionista siya sa lahat. Lagi niyang pinagpipilitan na GF siya ni Rence, si Rence naman laging dinedeny. Hays, romantic princess naman tawag sa kanya.



Then last na bumaba si Michie, Varsity player siya, yun lang alam ko sa kanya eh. Tapos uhm, yea varsity princess tawag sa kanya.



Syempre kilala ko sila eh. Famous kasi sila dito sa school. Napailing nalang ako dahil sa lakas ng sigawan tsaka tilian pumasok nalang ako sa loob.

Let me be the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon