Alien

149 6 0
                                    

[HER POV]

"Nakita mo na ba yung Rank mo sa Bulletin Board?" tanong sa akin ng kaklase kong si Korine. "Uhm. Hindi pa eh. As you can see kumakain pa ako. At mamaya nalang siguro. Madami pang tao dun. Magkakasiksikan lang. Makikita ko din yan mamaya. Di naman tatakbo yung bulletin board eh." sagot ko sa kanya. Kumakain pa kasi ako.. pero di sya nakinig sa mga sinabi ko. Hinawakan nya yung braso ko tsaka nya ako kinaladkad paalis ng bench na kinauupuan ko. Kahit kelan di talaga ako mananalo sa babaeng 'to.

***

"Excuse Me, Excuse please.. Makikiraan, thank you. Salamat." sunod-sunod na sabi ni Korine. Kahit kailan talaga ang lakas nitong babaeng to sa school. Sya na maganda, sya na mayaman, sya na sikat. Ewan ko ba kung pano ako naging kaibigan nito e simple lang naman ako. Hamak na scholar lang ako dito sa school na'to.

"OMG Sis! Rank 2 ka lang!" bumalik yung kaisipan ko sa kasalukuyan ng biglang alugin ni Korine yung dalawang balikat ko. "Ohh. Rank 2 lang pala ako.." nagkibit-balikat kong sabi kay Korine. Aalis na sana ako sa kinakatayuan namin nang mag-sink in sa utak ko yung salitang Rank 2. "Ano?! Rank 2 lang ako?! Pano nangyari yun?! Sino yung nag 1?!" sunod sunod na tanong ko kay Korine.

Tinungo ko yung listahan ng mga nag-top sa exams. Nakita ko yung pangalan ko sa 2nd rank.. Pero di ko pa nakikita yung nasa 1st rank. Biglang may isang lalaking tinabig ako na sadyang dahilan para ako mapunta sa gilid.

"Pano ba yan. Ako yung First Rank. Natalo kita Four Eyes! " sabi ng isang pamilyar na boses. Payabang ang tono nya ng pagkakasabi ng first rank. Tumingin ako sa direksyon ng listahan kaya nakita ko sya. Si Kim Taehyung nga. Tama ako. Ang mayabang na Alien na si Taehyung. "Ano? Tinawag mo ba akong Four Eyes?!" pasigaw kong tanong sa kanya tsaka ko sya tinignan ng masama pero nginitian lang nya ako tsaka ako kinindatan. Walangyang lalaki to. Nakakapang-init talaga ng ulo yung mukha. Aysh.

***

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng school. Zombie Mode. Uwian na namen. Di ko matanggap na rank 2 lang ako. Sunod-sunod na top ako sa list nung mga nakakaraan tapos ngayon natalo ako ng isang mayabang na Alien?!

Wala ako sa katinuang naglalakad ng biglang may humablot sa braso ko, pinilit kong kumawala pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko.. Kinaladkad nya ako paglalakad tsaka ako ipinasok sa isang madilim na kwarto na tila Stock Room yata ng School.

"Hoy ano ba?! Bat mo ako dinala dito! Sino ka ba ha?!" madilim nga kasi yung kwarto kaya wala akong makita. Di ko din sya maaninag dahil malabo ang mga mata ko.

Walang sabi-sabi e hinablot na naman nya yung braso ko. Agad nya akong patulak na sinandal sa pader. Binuksan nya yung ilaw tsaka nya ako bi-nlock gamit ng dalawang braso nya. Pinapalibutan na nya ako.

Dahil sa liwanag ng ilaw.. Unti-unti kong nakikita yung mukha nya..

"Four Eyes.." sabi nya ng may mahinahon at malambing na tono.

Nakakapanibago.

"Tae-Taehyung?! Bakit mo ako dinala dito?! Anong meron?!" sagot ko sa kanya.

"Four Eyes.. I want you to act as my FAKE GIRLFRIEND."

●﹏● xoxo ●﹏●

It All Started As A Fake Girlfriend [BTS Kim "V" Taehyung FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon