I'll Take It

82 3 1
                                    

"Four Eyes.. I want you to act as my FAKE GIRLFRIEND."

Nakayuko sya at malambing na mahinahon yung tono ng boses nya nung sinabi nya sakin yung mga salitang yun.

"Anong sinabi mo Kim Taehyung?! You want me to act as your FAKE GIRLFRIEND?! Are you out of your mind?!" pasigaw kong sagot sa kanya.

"Look.." nararamdaman kong unti unti nyang nilalapit yung mukha nya sa mukha ko. Stoned pa din ako sa kinakatayuan ko. Napapalibutan nga kasi ako ng mga braso nyang nakasandal sa pader. Dahil sa katangkaran nya nagkakaron ng fog ng hininga nya yung salamin ko sa mata.

"Four Eyes.. alam kong may sakit ang mama mo at alam ko din na kailangan mo ng pera para sa operasyon nya.. Pag pumayag kang magpanggap na girlfriend ko.. bibigyan kita ng kahit magkanong halaga na gusto mo." bulong ni Taehyung sa tenga ko.

"Pero bakit kelangan mo pa ng magpapanggap na girlfriend mo? Tsaka bakit ako pa?! Ang dami namang iba dyan ah!" sagot ko sa kanya ng may nanginginig na boses.

"Ipapakilala kita sa parents ko as my girlfriend okay? Ayokong ipasok nila ako sa fixed marriage. Mas okay na yung ako yung gumagawa ng aksyon. At saka kaya ikaw yung pinili ko kasi alam kong galit ka sakin kaya alam ko na hindi ka maiinlove sa kagwapuhan ko. Isipin mo na din na swerte ka kasi ikaw ang pinili ko. Bukod sa magkakapera ka na, mapapagamot mo na ang mama mo, gwapo pa ang fake boyfriend mo." sagot nya sakin. This time malapit na yung labi nya sa labi ko kaya damang dama ko yung hininga nya.

Sabagay.. Tama naman talaga sya. Una palang e ayaw ko na talaga sa kanya. Ang yabang nya, pala-away at habulin ng mga babae ng school. Pero di ko maitatanggi na gwapo naman sya. Erase Erase! Di sya gwapo! Alien sya okay?! Ayoko talaga sa kanya! Pero naisip ko din si Mama. Tama si Taehyung. Kailangan ko nga ng pera para sa operasyon ng mama ko. Wala namang mawawala sakin kung sasagutin ko yung offer nya diba?

"Uhm.. Taehyung. Pwede bang pag-isipan ko muna? Ang bilis yata kasi masyado eh." iniwas ko ng dahan-dahan yung mukha ko kasi napakaliit nalang ng distansya ng labi naming dalawa.

"Okay." sagot nya sakin. Inalis nya yung pagkakasandal ng mga braso nya sa pader tsaka nya dinistansya yung mukha nya sa mukha ko.

"Tawagan mo ako mamaya pag nakapagdesisyon ka na." sinabi nyang muli tsaka nya inabot yung cellphone nya sakin. "Alam kong wala kang cellphone kaya sayo na yan. Naka-save na dyan yung number ko. Mag-aantay ako sa tawag mo mamaya Four Eyes." yun yung mga huling salitang sinabi nya tsaka sya nag-umpisang maglakad palabas ng stock room. Habang ako?! Nakatayo padin na tila makagalaw habang hawak yung cellphone na binigay ni Taehyung sakin.

***

Sa Ospital..

Binabantayan ko pa din si Mama. Wala padin syang malay mula nung mabundol sya ng kotseng walanghiyang naka-hit and run sa kanya.  Sabi ng doktor, kailangan daw operahan yung tuhod ni Mama kasi meron daw mga nadurog na buto. Pag inoperahan yun, papalitan ng titanium plate yung buto sa tuhod nya. At dapat daw, mapa-operahan na sya sa madaling panahon.

Kailangan ko na talaga ng pera. Wala na akong ibang mapagkakapitan kundi yung offer ni Taehyung. Gusto ko na din namang makalabas na si Mama dito sa ospital.

*toot. toot. toot. toot*

"Hello."

"Four Eyes."

"Tae-Taehyung."

"Are you going to take it?"

"Oo. I'll take it."

"Okay. Good. Bukas after class. I'll pick you up. Bye."

Then he hung up the phone. Ang cold talaga masyado. Aysh.

"Mama, sandali nalang mapapa-operahan na kita. Makakaalis ka na dito sa lugar na'to." hinawakan ko yung kamay ni Mama tsaka ko sinabi ang mga salitang yon.

Kahit papano. Hulog pa din ng langit si Taehyung at ang offer nya sakin.

●﹏● xoxo ●﹏●

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It All Started As A Fake Girlfriend [BTS Kim "V" Taehyung FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon